(ANG AKSIDENTE) Part 2

28 1 0
                                    

Nasa harap siya sa ospital kung saan naroroon ang kuya Bryx n'ya. Bahala na si Batman! anas niya sa isip. Sa pinto pa lang ng ospital ay nag-aatubili na siyang pumasok.

"Kaya mo yan, harapin mo ang takot mo!" boses ng isang babae, ang kanyang narinig.

Lumingon siya sa paligid ngunit wala naman siyang katabi o nakitang may babae, pero pamilyar sa kanya ang boses na iyon. At sa kung ano ang sumapi sa kanya, nakapasok siya sa loob ng ospital at ubod tapang na pinuntahan ang opisina ng kuya Bryx n'ya.

"Whoa! Ginulat mo ako, Trence o isa kang impostor?! Anong nakain ng kapatid kong gwapo katulad ko, pero takot sa ospital?!". natatawang tanong ng kuya n'ya.

"Shattap, Kuya!" inis na sagot ng bunsong kapatid.

"Oh, anong meron at bigla kang napasugod dito sa lungga ko na tinatawag mong HELL???" pigil-tawang tanong ng kuya Bryx n'ya.

"Ahemm,. Yung taong nadamay sa aksidente ko noong isang buwan, kuya. Nasaan siya?!"

Kulang ang salitang GULAT para kay Trence. Nakita na rin n'ya sa wakas ang taong hindi lang pala nadamay sa aksidente, ay siya rin palang nagligtas ng buhay niya mula sa pagkakasagasa sa isang kotse na papalapit sa kanya, ayon sa kuya n'ya. Isang magandang mukha ng babae ang nasa harap n'ya, si Saccharine Min. Isang half-korean at kalahating Pinay, 23 ang edad, at vocalist ng banda sa RESTO&BAR at siya ring babae na nakabungguan n'ya nang gabing iyon, at higit sa lahat... ang magandang babae sa kanyang panaginip. Napagpasyahan n'yang bantayan ito sa gabing iyon, dahil ulila na pala ang babaeng matagal na niyang hinahanap. At hanggang nakatulog siya sa pagbabantay...

Sa kanyang pagdilat, nasa lugar ulit siya na lagi n'yang pinupuntahan dati palang, ang pinakamahalagang lugar sa tanang buhay n'ya. At ang tanging lugar na nakikita si Sac. Nakakapagtaka lang at di ito sumusulpot pagdating n'ya, kaya pinuntahan n'ya ang lugar kung saan maaari n'ya itong makikita. At tama ang kanyang hinala, nasa puno ito na namumulaklak, nakaupo gaya ng dati...

"Sabi ko na nga ba andito ka lang" bungad n'ya dito.

Hindi kumibo ang babaeng si Sac, nagpatuloy lang ito sa pagmamasid sa napakalawak na ilog.

"Alam ko na kung sino ka at nasaan ka ngayon sa mga oras na'to". sabi na lang ni Trence.

"Ikaw ang babaeng nabunggo ko nang gabing iyon at ang babaeng nagtulak sa akin at higit sa lahat, ang taong nagligtas ng buhay ko." pahayag ng binata sa dalaga, ngunit alam n'yang may alam pa siya tungkol sa dalaga.

At binalik tanaw ang lahat...

   "Anong ginagawa mo bata?!" tanong ng batang babae sa batang lalake na nagtatago sa mga magagandang bulaklak.

"Shhh! Huwag kang maingay, baka makita ako ng Yaya ko?!" sabi ng batang lalake, at sabay hila sa batang babae sa tabi nito para magtago rin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AZURE (Short Story)Where stories live. Discover now