Chapter 21

477 19 6
                                    

Kumain muna kami bago magswimming. Nasa taas kami ng mga bato ngayon, hindi ko ipagkakaila na maganda dito. Ang presko ng hangin lalo na may mga bukid kang matatanaw.

Si Zoe at Mayrel ang unang natapos na kumain, atat na sila na maligo at magpicture sa mga magagandang tanawin lalo na sa sand bar at sa rock formation.

Pagtapos namin sumunod kami kina Zoe at Mayrel. Kasama ko ngayon si Laizah nasa unahan ko sila Kuya Jared at Arckestil.

"Oyy chiks!" Sabay silang sumipol.

Mga lalaki talaga... Hindi paglalandi ang pinunta namin dito kundi magswimming, speaking of paglalandi nakita ko si Kynn na kasama si Ate Kathlyn, ang saya-saya nilang dalawa. Napatingin si Kynn sakin kaya umiwas ako ng tingin.

"Ouchhhh!" Panunukso ni Laizah sakin.

"Anong Ouchh ka diyan may jo—" muntik ko nang masabi na may jowa ako kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Wala kang jowa tandaan mo yan. Wag kang feeling gurl.." hinampas niya na naman ang balikat ko. Hinampas ko din siya para fair kami.

Tumawa nalanv ako kahit walang nakakatawa para hindi mahalata na guilty ako, hindi naman sa kinakahiya ko si Zachary pero meyron kasi kaming usapang magpipinsan. Bawal Tologo!!!

Si Laizah ang kumuha ng picture sakin at ako naman ang kumuha ng picture niya bali siya yong photograper ko at ako naman yung photograper niya... ohh cousin goals..

Pagtapos naming magpicture nagpasya kaming magswimming nalang dahil wala pa ang tour guide namin. Hinaantay namin siya para makapag wheel watching na kami, siya kasi ang magsasabi samin kong kami na ang sasakay ng bangka para mag wheel watching. Gets nyo?

Inabot ni Laizah sakin ang phone ko dahil may tumawag daw.

Nakita ko sa screen ang pangalan ni Zachy kaya kinuha ko agad kay Laizah. Wrong moved nag tatsaka ang kanya mukha ngayon.

"Excuse me Lai. Mamaya ko nalang eh explain." Lumayo ako kay Laizah, pumunta ako sa tuktuk ng rock formation, nahihirapan akong umakyat sa rock formation pero nakaya ko naman pag dating ko sa taas wala na ang tawag ni Zachary.

Tinawagan ko si Zachary agad, ngayon lang siguro niya nabasa ang mensahe ko kanina. Ganon na ba talaga siya ka busy para oras muna ang hihintayin ko bago siya mag reply o tumawag? Simula nong pumunta ako dito sa Cebu wala na kaming matinong usapan, i mean yong mga bagay-bagay hindi katulad nong nasa cagayan pa ako. Kong bumalik kaya akong cagayan?

Hindi na niya sinagot ang tawag ko, baka may ginagawa na siya. Bumaba nalang ako ng rock formation nakita ko sa kabilang banda ng rock formation ang isang hagdan, napamura nalang ako dahil pinahirap ko ang sarili kong umakyat dito eh may hagdan naman pala. Congrats Ang Tanga ko.

"Kuya Jared!" Tawag ko sa kanya. "Nasan po si Laizah? Nakita nyo ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi." Agarang sagot niya. "Sumama ka nalang samin ni Arckestil mag hanap ng gir— este mga bato, marami daw kasing magagandang bato dito. Tara na." Paliwanag niya.

"Sge bah, gusto ko yan."

Nasa gitna ako nilang dalawa, may ibang babae na tumingi samin, may nagtangka ding lumapit sa pinsan ko pero tinarayan ko sila gamit yung mata ko.

"Wag mo namang takutin lil couz." Ani Kuya Jared.

"Sino ba yun?" Saka na ako nagtanong kila Kuya kongsino yung babaeng kasama nila kanina.

"Yun." Turo niya sa babaeng kasama niya kanina. "Si Midiarah, bestfriend ko." Sagot ni Kuya Jared.

"Bestfriend?" Hindi ako maniniwalang bestfriend nya lang yun sa ganda nong babae 'bestfriend' lang sila ni Kuya, akala nila uto-uto ako.

Tumingin ako sa gawi ng babae kanina pero wala na siya doon.

"Jared!" May tumawag kay Kuya Jared galing sa likoran namin.

Lumingon naman kami. Nakita ko si Ate Kathlyn kasama si Kynn, tinignan ko sila ulo hanggan sa mga kamay nila na nakahawak sa isa't -isa. Bagay sila....

Lumapit silang dalawa samin. "Andito na yung tour guide natin. Kailangan na daw nating bumalik doon, malapit na din daw silang magsara."

"Awh. Sge sge. Sila Zoe nasan?" Tanong ni Kuya Jared.

"Nasa bangka na silang lahat tayo nalang ang wala pa doon."

Sumakay na kami ng bangka para mag wheel watching.

Hindi kami agad agad nakarating doon dahil sobrang lakas ng alon, nasa lagot parin kami ngayon. Bikini top lang ang sout ko, kita ko sa mga mata ng ibang sakay ng bangka na nakatingin sakin. Ako lang kasi ang naka bikini top. Sila Laizah, Zoe, Mayrel, Ate Kathlyn ay nakasout ng jacket. Nasa Sumilon ang gamit namin kaya wala akong magawa kundi balewalain nalang sila.

"Ito Oh!" Inabot niya sakin ang kanyang jacket.

"Ano naman to?"

"Suotin mo, madaming lalaki ang nakatingin sayo."

"Suotin mo na Gazelle." Dagdag ni Kynn.

Wala akong choice kundi suotin ang jacket niya. Nakita kong napatingin si Kuya Jared sakin kaya tinabihan niya ako pinausok niya si Zoe para makaupo siya sa tabi ko. Sumunod naman sa kanya si Atckestil nasa tabi ko silang dalawa. Si Kynn naman bumalik sa kinauupoan niya kanina, katabi niya Ate Kathlyn. Mukhang nagkamubutihan na silang dalawa ngayon.

"Next time wear your rashguard." Galit ang tono ni Arckestil.

"Sorry." Sabi ko sa kanilang dalawa. Tumango lang naman sila. Nakita ko ang pagtiim ng bangang nilang dalawa.

"Its okay. Next time you wear 3 sister and long sleeve para hindi ka mabastos. Baka hindi ko kaya tigasan." Sabi ni Kuya Jared. Hindi ako komportable sa huling sinabi niya.

"Tigasan ang kamao at makipag-away sa kanila." Dagdag niya.

Bumagsak ang luha ko hindi dahil nabastos ako kundi dahil mayroon akong pinsan na kagaya nila. Ilang taon din akong namuhay na walang pinsan ang nagpapayo at promopotekta sa akin buti andon si Zachary para sakin.

Pero iba padin ang proteksyon na meron ako pag kasama ko ang mga pinsan ko, pakiramdam kong ligtas ako, walang mananakit at walang masasaktan.

Its All Coming Back (Nacorda Series #1) Where stories live. Discover now