Chapter 3 - Silk Dress

89 4 0
                                    


Chapter 3- Silk Dress

Dinala sa Manila Medical Center si Sir Eli. At under observation sya hangang magkamalay.

Hangang ngayon hindi ko lubos maisip na mangyayare yon. For Pete's sake! Hindi ko rin inaasahan na si Sir Eli ang magliligtas sakin.

Nanginginig ang kamay ko habang inaantay magkamalay si Sir. Stable naman na ang lagay nito pero nanginginig pa rin ako sa takot. Halo halo actually ang nararamdaman ko. Una dahil sa akalang muntikan na ko mapahamak, pangalawa dahil ang akala ko na mapapahamak din ang boss ko.

Biglang pumasok ang tatlong pulis. Tumayo ako sa aking kinauupuan at nakipag kamay sa kanila. Kasama nito si Manager Cruz.

Nagdalwang tingin sakin ang isang pulis. "Attorney Reveche, ikaw ba yan?" Nakangiti ani nito. Tinitigan ko ang pulis at naalalang sya si Chief Michael Imperial. Isa sya sa mga nagiging kasama ko sa investigation sa ilang case.

Nag signal si Manager Cruz na wag sya maingay dahil na rin sya ayaw kong ipaalam kung ano ako dati. "Matagal na yon, Chief. Isa na ko personal assistant."

"Ganoon po ba? Namimiss na nga po kayo ng mga kakosa. Ikaw lang din po kase ang tumatangap ng kaso ng walang bayad. Hirap sa mga defense attorney ngayon mga mukhang pera. Kung hindi lang sana nangyare yon." Sabay kamot ni Chief.

"Anyway, you can call be by my name, Chief. I'm not an attorney anymore. I assumed nandito ka for my statement?"

Tumungo agad ito.

"Pinapagtignan ko na ang mga CCTV sa lugar. Baka bukas may mareport na sila satin." Ani ni Manager Cruz. Mukhang stress na stress na sya dahil buhaghag na ang buhok nito.

"Yes maam. Marami naman CCTV sa lugar. Maaring magkaroon agad kami ng lead." Explain ni Chief.

"I-file nyo agad ng charges ng attempted rape at attempted murder kapag nakuha nyo kung sino sya." Sabi ko habang inaayos ang kumot ni sir Eli.

"Yes maam. Gagawin namin ang nararapat."

•••
Binantayan ko sya buong magdamag. Ang bait nya kapag tulog. Pero malaking utang na loob ang tatanawin ko sa kanya sa paglitas sakin.

Mayroon akong hula kung sino.

Maaring si James Pamplona dahil sya lang ang nagpakita sakin ng interest.

Pero kailangan ko ng evidence dahil kung gagawin ko syang suspect baka hindi ako paniwalaan.

"What time is it?" Napatingin ako sa kanya. Di ko namalayan na gising na pala ito.

Sinubukan nyang tumayo kaya agad ko syang tinulungan iangat sa pagkakahiga. "3 am na sir. Mabuti po gising ka na."

He looked at me suddenly at iniwas din agad ito.

Hinawakan nya ang bandage sa ulo nya at napa aray.

"What the fuck." Frustrated na sabi nya habang nakatingin lang ako sa kanya na naluluha.

Mukhang napansin nya ito at nagtaka sa itsura ko. "Bat ganyan itsura mo? Siguro nagdasal ka na wag na ko magising kaso nagising--" naputol ang kanyang sasabihin.

I wrapped my arms around him.

"Thank you Sir. Buong buhay ko tatanawin ang ginawa mo pag ligtas sakin." For a moment I thought magpupumiglas sya pero naka istatwa lang sya habang yakap ko. "Thank you for saving my life."

I remember during that moment as I prayed that I surrender everything to God. Na Sya na bahala sakin at akala ko katapusan ko na pero pinadala Nya si Sir Eli para iligtas ako.

I'll Fight For YouWhere stories live. Discover now