He's Into Her Season 1

872 9 0
                                    


Author: maxinejiji

Genre: Romance

Medium: Tagalog, English, Korean

Reads: 273M

Votes: 6.1M

Part Story: 100

Description:

Masaya at madali lamang ang buhay para sa isang Deib Lohr Enrile, na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa itsura niya at bukod doon ay wala na. Halos ang lahat at Nasa kaniya na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maaasahan na kaibigan, talento, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, magagarang gamit, kayabangan, kaaway, at ugaling medyo may kasamaan. Mahilig siyang mangbully para lang mapasaya ang sarili. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa angking talento sa pang-aasar sa mga baguhang estudyante na papasok sa paaralan na pag-aari run naman ng kanilang pamilya. Sikat siya sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot silang mapag-TRIP-an. Para sa kaniya at mabait pa rin naman siya, huwag mo lamang siyang aasarin.

Sa kagustuhang sagotin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan at nangako siya sa sarili na titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimineah, ang babaeng pinapangarap niya. Maganda, mabait, matalino, at mayaman. Kung hindi lamang ito maliit ay mukha na siyang perpekto.

Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang High School student ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang tao na naglakas-loob na patulan ang mga kalokohan niya. Ang taong kamumuhian niya ng higit pa sa inaakala niya. Ang taong nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay ng dahil lang sa hindi makatwiran nitong prinsipyo.

Siya ba ang gumulo sa buhay nito? O ito ang gugulo sa buhay niya?

Isang tao na kamumuhian niya ngunit may pagkatao na hindi niya mahulaan.

Ang babae na makakapagpatunay na hindi lahat ng taong gusto mo ay mahal mo.

Recommended Wattpad StoriesWhere stories live. Discover now