09

20 12 0
                                    


Jake.

"Eto na ba yung bahay ni Elena?" tanong ni Violet habang nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang sobrang laking bahay. ang ganda ng bahay nila ah talagang mayaman sila

"Ata kase ayan ang nakalagay sa address na ni-dm niya rin sakin" Sagot ko. napatingin ako kay Violet ang ganda niya sa suot niya napaka aesthetic nun. naka tshirt siyang itim at kita yung tyan tapos palda na fitted tapos nakasuot siyang denim jacket. yung sapatos niya boots pero hindi naman mahaba. at maraming ordinaryong boots no

"Let's go?" aya ko tumango lang siya at agad kami lumabas ng kotse. pagkalabas namin. pinagmasdan ko ulit ang bahay ni Elena. actually mas malaki to ng konti sa bahay nila Violet.

Nakita ko ang pag doorbell ni Violet doon. Kaya agad ako lumapit sakaniya, pinagmasdan ko lang ang kaniyang muka. oo aaminin ko napakaganda niya talaga at nung unang kita ko sakaniya kahit hindi siya nakaayos alam kong maganda siya. mas lalo pa siyang naging maganda dahil bumalik na siya sa dati

Agad naman bumukas ang pinto at napatingin doon

"Mabuti nandito na kayo kanina pa nagbabangayan yung dalawa bilis!" inis na saad ni Felix. at agad naman kami pumasok, mga tukmol na to di man lang nag text sakin na nandito na sila!

Nang makapasok agad kami narinig namin agad ang sigawan nila Elena at Soobin. at natagpuan namin sila na ang sama ng tingin nila sa isa't isa

"Ow really. kawawa magiging girlfriend mo siguro dahil napaka sama ng ugali mo! kung magkakaboyfriend man ako hindi katulad mo! fucking attitude!" inis na sigaw ni Elena

"Talaga? sino nag tanong? saka kung mag kaka girlfriend man ako hindi kasing ugali mo! napaka arte!" Sigaw ni Soobin. napabuntong hininga lang ako habang pinagmamasdan sila

"You know what guys! just enjoy and d-drink! stop arguing" Sagot agad ni Violet napalakpak naman agad si Felix ng malakas sabay tayo sa table na nakaharap sa sofa

"Good idea! you're so smart Violet!" masayang sagot ni Felix habang nakaturo kay violet. habang si Violet nakangiti lang

"Hey idiot! bumaba ka dyan baka mabasag yang table na yan! mapapatay pa ako ng p-parents ko!" Inis na saad ni Elena sabay tayo

"Wait kukuha lang ako ng maiinom natin. maupo na kayo doon Jake" saad ni Elena agad naman ako tumabi kay Violet. napatingin ako sakaniya tumatawa ito dahil sa mga pinagdasabi ni Felix.

Napaka ganda niya pagmasdan kapag ganiyan lang siya. para siyang anghel na nahulog sa lupa. I don't know what's happening to me. basta sa tuwing titigan ko siya bumibilis yung tibok ng puso ko

"Guyss! Champagne!" sigaw ni Elena. nakita ko gumalaw si Violet kaya agad ko iniwas ang tingin ko sakaniya. bullshit mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko

"Yan ang gusto ko Elena. masarap na inumin yan!" masayang sagot ni Felix. agad naman umupo si Elena sa lapag para magsalin sa mga basong nakapatong sa lamesa

"Mas masarap to kapag may lemon" Nakangiti niyang sagot at sabay lagay ng lemon na hiniwa niya

Napatingin ako kay Violet dahil ininom niya na ang champagne na sinalin sa baso niya. at nakakagulat at tuloy tuloy niya itong ininom. Fuck?! ang lakas naman neto uminom!

Still you, JakeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα