One Line

35 2 0
                                    

"STILL ONE LINE?" Ramdam ko ang lungkot sa boses ng asawa kong si Chris ng lumabas ako sa CR hawak ang PT.

It's been 7 years since we got married at gusto na talaga naming magkaanak.

We visited the doctor and the doctor said that baka mahirapan kami sa pagbuo ng anak dahil may posibilty na isa sa amin ay mahina ang kakayahang magkaroon ng anak.

Tinanguan ko siya at binigay ang PT na may isang linya. Disappointed sighs filled the air and a ring from the door bell rang.

Pumunta si Chris sa pinto para pagbuksan iyon, and my long-time bestfriend was there.

Nasa likod ako ni Chris habang nakatingin kay Lyn. Nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti pabalik.

"Lyn, what are you doing here?" I asked. May alanganin na ngiti sa labi niya at tumingin kay Chris.

"What is it?" Halos pabulong na tanong ni Chris. Kumunot ang nuo ko at may nabubuo nang ideya kung ano ang nangyayari.

"Chris, hindi ko na kyang itago pa..." Parang naiiyak niyang sabi at tumingin sa akin.

"What? Ano ban--" pinutol ni Lyn ang salita ni Chris na may kinakabahang tawa.

"Ayokong masaktan siya, Chris." Tumingin sa akin si Lyn. Kita kong seryoso ang kanyang mukha at walang bahid ng biro.

May tumulong luha sa mata niya bago nagsalita, "Grace, buntis ako si Chris ang ama."

Napako ako sa kinatatayuan at parang bombang sumabog ang narinig ko matapos.

Nabitawan ko ang PT sa kaliwang kamay at tumalikod na.

"Seryoso?" Parang masaya pang sabi ni Chris. Of course he is happy, he'd been dreaming about it since we got married.

Sari-saring luha ang nahulog mula sa aking mga mata. Ang sakit, sobra.

Dumeretso ako sa kwarto namin at kinuha ang maleta. I need to get out of here. I don't want myself be a masochist.

Mahal na mahal ko si Chris na kahit wala siyang time sa akin nag-stay ako. I thought he was busy on work but all this time ako ang nagmukhang tanga.

Pagod akong umupo sa kama habang tinitingnan ang gulo kong mga damit sa ibabaw ng nakabukas na maleta.

Nakakapagod.

Sobrang sakit.

Saan ba ako nagkulang? Binigay ko nman lahat. Anak lng ang hindi ko maibigay sa kanya.

Pumasok sa kwarto si Chris at bumuntong hininga bago siya umupo sa kabilang side ng kama. Ngayon ay magkaharap ang likod namin.

Mga hikbi ko at ang katahimikan ang nagkalat sa buong kwarto.

"Sorry, Grace. Minahal kita pero hindi mo lng naibigay kung ano ang gusto k--"

"Na ano?! Magkaroon ng anak? Gago ka ba? Maraming ways para magkaanak. Pwede tayong umampon--" tumingin ako sa likod niya.

"Gusto ko ng kadugo ko, Grace. Gusto ko yung batang magdadala ng pagiging isang Dizon--" tumingin na din siya sa akin.

"Sa kagustuhang magkaroon ng anak nagawa mo akong saktan?! Bakit mo pa ako pinakasalan?" Hindi pa rin matigil ang mga luha ko.

"I'm sorry..." Iyon na lang sinabi niya at napahilamos ng mumha gamit ang dalawang kamay.

"Sorry? I don't need your sorry! Bakit best friend ko pa? Bakit? Akala ko ba ako lang hanggang dulo? For better or for worse? What about our vows? Our promises to each other?" Umiiyak kong saad at pinunasan ang luha.

"Hindi mo na ba naalala? 3 years ago? Sinabi mong hinding hindi mo ako iiwan kahit na hindi na ako mabubuntis? Pinanghawakan ko iyon, Chris!" Inalis niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang mukha.

"Please, I will send the annulment papers to you. Be happy, siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa..." Then he walked out.

Ganun ganun na lang? Sa tingin ba niya ganon lang kadali iyon? Pinabayaan ko ang magulo kong damit at sinara ang maleta.

Umiiyak na lumabas ako ng kwarto at nakita ko sila sa sala na magkahawak ang kamay. Nakangiti si Chris habang si Lyn ay nakatingin sa akin.

Ang kapal naman pala ng mukha nitong best friend ko. Matapos niyang agawin ang asawa ko may gana pa siyang mag-stay dito na parang bisita namin?

I looked at Chris, emotionless. Tinanggal ko ang wedding ring at engagement ring saka binato sa kaniya.

"Enjoy your fucking life." Sabi ko at padabog na binuksan ang pinto at padabog din sinara ito.

Hindi ako magpapaapekto sa kanila. May God do the worst karma for the both of them.

CHRIS
It's been 8 years since Grace and I annulled. And I've been a lonely man for 3 years now.

Nalaman ko ding hindi pala ako ang ama ng anak ni Lyn at nalaman kong... Mahal na mahal ko pa rin ang dati kong asawa.

It's 8:00 AM at napagpasyahan kong mag-jogging at silipin ang bago kong kapit bahay na kakalipat lang kahapon.

Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari sa amin ni Lyn pero unti unti na akong nasasanay sa ginagawa namin hanggang sa hinahanap hanap ko na ito.

Ilang metro pa lang sa bahay ko ang natatakbo ng makita ang isang napaka-pamilyar na likod ng isang babae.

May dala siyang payong na nakatupi at isang tumbler. Nakatalikod siya sa akin pero likod palang niya ay kabisadong kabisado ko pa rin.

Agad ko iyong nilapitan at hinawakan ang balikat. "Grace!" Masaya kong sabi. Humarap siya sa akin at tinanggal ang headset.

Tinitigan pa niya akong mabuti bago nanlaki ang mga mata at ngumiti.

"Chris?!" Masaya niyang sabi. Yayakapin ko na sana siya ng mapansing malaki ang tiyan niya.

"Buntis ka?" Tanong ko.

Tumango siya at hinaplos ang tiyan, "Kambal. 6 months na." Nakangiti niyang sabi na ikinanuot ng nuo ko.

"I thought you can't--"

"Actually naging madali ang pagbubuntis ko. Hindi naman kami nahirapan sa pagkakaroon ng anak ng asawa ko. Ikaw?"

"So all this time... It was me?" Tanong ko sa sarili ngunit napalakas ng sabi.

"Grace!" Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa kanya. Isang foreigner ang lumapit sa amin dala ang isang bimpo.

"Why are you here outside, honey?" Tanong nito at pinunasan ang nuo ni Grace. Bumaling ang tingin nito sa akin at ngumiti.

"Honey, this is Chris. My ex-husband." Tumingin lang ako sa foreigner.

"Sunod na ako, I will just talk to him." Sabi ni Grace at pumunta na din ang foreigner palayo sa amin.

"Grace na-realize ko na ikaw talaga ang mahal ko. Sorry dahil nasaktan kita nuon. Pwede pa naman nating pag-usapan ito diba?" I hopefully said.

Nginitian niya ako bago nagsalita, "Masaya na ako sa buhay ko Chris. After I left you Dan was there for me. Hindi niya ako pinabayaan. She accepted me, and we can't be together again. It's too late. Sana bago pa mag-8 years bumalik ka sa akin because I can still accept you kahit na niloko mo ako. Don't worry I don't hate you, we can still be friends right? Sige una na ako." Nakangiti siyang umalis at nanatili lang akong nakatayo.

I'm so selfish. Kung sana hindi ako naging maka-sarili ay masaya pa sana kami ngayon.

Sana hindi ako ang nahihirapan. Siguro nga ganito ang tadhana ko. Mapatawad sana ako ng langit sa nagawa konh kasalanan noon. And for Grace I will try to move on.

Sunsets And GoodbyesWhere stories live. Discover now