Kabanata 2

98 41 16
                                    

"Leah' Ella "

"So kamusta naman ang first day aber? Napaliwanag mo naman ba kay boss?" -Leah


"Oh ano kamusta si boss? Balita ko gwapo ang masarap daw yun ah" - Ella


"Eh ano na nga sinuggaban mo ba agad ng halik pag pasok mo sa office niya?- Leah


"So ano masarap lips niya?" Ella


Hys. Mababaliw na talaga ko dito sa mga kaibigan ko.


"Guys kumalma kayo, isa siyang antipatikong lalake masungit may regla ata kanina yon, basta masungit at duh di ko sya type no" sabi ko habang kunyare ay nasusuka.



Narito kame ngayon sa Expo Bar, dito kame nag meet dahil nangungulit si Ella na mag saya naman daw kame puro nalang daw trabaho inaatupag namen ni Leah, dahil siya model lang naman ang inaatupag masaya na daw siya don, Ewan ko ba sabay sabay naman kame gumraduate ng Architecture pero sa huli si Ella lang ung biglang lumihis ng landas.By 6pm ang out namen ni Leah sa office kaya naman ito kame ngayon, buti nga pinapasok kame kahit naka attaire pang office ito kaseng gagang Ella bigla bigla eh.



"Ayon sa aking research ang Boss mo daw ay panganay dalawa lang silang mag kapatid ang bunso daw ay asa high school palang ngayon, pero sa family backround usual lang un andon eh walang ibang issues" pag tatakang saad ni Ella


"Eh ganon talaga mayayaman eh di talaga mag papa issue yan atsaka alam na namen yan Ella, Boss namen yan remmember?" sarkastikong sabi ni Leah na bigla nalang namutla.


"Sht sht sht tang*naaaaa!!!!" mahina ngunit natatarantang sabi ni leah


"O bakit? " sabay tingin namen ni Ella sakanya


"Si Ian yug pinsan ni Sir. Thor, tangnaaa"


"Oh ano meron?" sabay namen tanong ni Ella



"Naka one night ko yon last week eh. Potah bat andito siya"



"Yaan kalandian kase hahaha" aapir na sana ko kay Ella pero pag kita ko asa dance floor na siya kasiyawan ung isa pang kasama nung naka one night ng gaga kong kaibigan na si Leah. Ngayon ung Ian na sinasabi ni Leah ay nag iisa nalang habang si Leah tumakbo papuntang CR.



Yan mga tanga kase hahahaa. Ibinaling ko ang aking atensyon sa isang ladys drink sa aking tabi. May iilang nag aaya saken ngunit tumatanggi ako. Im just here to have fun with my besties not to flirt or find true love, for god sake di nako naniniwala don. Unti unti nabaling ang aking mata sa Ian na ngayon ay may kasama na akala ko ay ung kasayaw ni Ella un pero hindi dahil hanggang ngayon nag sasayaw paden sila.



Unti unti nag side view ang lalake medjo pamilyar ito ang suot nitong suit. At napag tanto ko nga ung Boss namen yon! Si Thor!



Unti unti nag tama ang tingin nameng dalawa ng boss ko. May halong seryoso, poot at galit ang mata niya saakin. Bat ba ganto tong tao na to!? Nakipag titigan pako pero biglang ng vibrate ang phone ko. It was Dad.


"Hello dad?"



"Yes, anak hello??...



"Dad??.. Wait dad" lumabas ako para mag ka intindihn kame ni dad.



"Yes, ok Darling i will go to Cebu now.. Your Mami Lala
want me there may gusto siyang ipatayo na bahay kahit maliit lang daw, eh kulang ang budget ng lala mo kaya naman sabi niya ako nalang, you want to join me there?.."



"Dad, Im sorry I wanted too but i have work dad, nakakahiya sa boss ko kung mawawala nanaman ako and besides may mga deadlines na din ang projects ko." Sabi ko na may pang hihinayang.


"Ok anak i got it, but umuwi ka nalang muna sa condo mo nak ha? Ayokong mag isa ka sa bahay baka mapano kapa malaman pa na mag isa ka dyan. Stay Safe anak ha? After 3 weeks babalik ako dyan basta i will update you.."


"Ok dad take care always, iloveyouu. Anong oras flight mo dad?.."


"3am darling, osya wag ka mag pa gabi masyado ha nag iimpake nakoo, ill just text you. Take care darling.."



Naputol na ang linya. Pabalik na sana ako ngunit pag harap ko tumama ang ulo ko sa isang matigas na dibdib. Fck sht sasapukin ko talaga to!!


"HOY DI MO BA---"


"Ano yon?.."


Di agad ako naka galaw sht. Wrong move si Thor pala to. I mean Sir. Thor. Aga siyang tumalikod akmang aalis ng biglang..


"Sa susunod kase wag ka sa smoking area nakikipag usap, alam mong madameng napunta dito para manigarilyo tapos pag natamaan ka magagalit ka? Kasalanan ko ba na ang liit mo di kita nakita!?"


Para kong binuhusan don ah. Kitang kita ko ang pag ngisi niya kahit pa naka talikod siya. Nag lakad na siya pabalik sa loob samantal akong andito inis na inis sa mokong na yon!!


Feeling cool siya don? And sht naka heels nako maliit paden ba??? Walang gana akong bumalik sa loob ng bar at nag enjoy nalang kahit naiilang ako sa Boss ko na mayat maya naka tingin sakin. Sht! Ano ba problema non. Errr. May araw ka den kaseng Thor ka!!!



2am na nang naka uwi kame di kinaya ni Ella ang kalasingan kaya naman pinaiwan muna namen ang kotse niya sa bar si leah naman nauna na na realize niya siguro na 8 am kame bukas papasok hahahaha. Lasing pa naman si gaga.



Mag kaiba kase kame ng floor ni Leah kaya naman nakakainis hyst. Well skl. At ngayon ito pabalik nako sa condo ko hinatid ko si Ella sa condo niya good thing andon si manang may sasalo sakanya kundi nakoo kokota na talaga saken ung babaeng yon.




I did my skin care routine pag tapos ko mag babad sa bath tub kanina. Habang nag lalagay ako ng mask sa mukha ko naalala ko nanaman ang mga mistersyosong tingin nung Thor na yon saken. Hyst.


Naisip ko lang baka naman ipa dampot niya ko at kunin ang laman loob ko, o di kaya naman ipa kuha niya ako at i chop chop niya katawan ko huhuhu ayokong machop chop ng virgin hysstt.


After 5mins ko na pag iisip kay Thor at sa mga titig niya tinggal ko na ang mask ko at nag lagay ng Aloe Vera sa muka ko, aw sarap lameegg sabay higa sa aking kama. *Woah pahingaaaa naaaaa*, bigla bigla ko nalang naisip, malalaman ko din yang misteryosong titig ng boss kong yan at unti unti dinalaw na ako ng antok... Sooon

*VENOMOUS CHAINS* Donde viven las historias. Descúbrelo ahora