Chapter 2

37 3 2
                                    

Stell's POV

Pagkagaling namin sa mall kanina ni Anne ay umuwi na kami at dumiretso na ako sa kwarto ko at kumuha ng pantulog.

Pagkatapos kong ihanda ang susuotin ko ay dumiretso na ako sa bathroom at naligo

Ganto kasi ako everyday, naging routine ko nang maligo bago matulog para alam nyo na. Para fresh.

Pumunta na ako sa bathroom at nagsimulang maligo.

Habang naliligo ako ay hindi ko mapigilang mag-alala para kay Anne.

She saw her father again earlier.

And alam ko malungkot nanaman yun.

Since then, ganyan na talaga si Anne. Simula nung iwan sila ng papa niya.

And since iniwan sila ng papa niya ay naging busy rin ang mama at kapatid ni Anne kaya lagi siyang mag-isa sa bahay nila kaya eto ako, sinasamahan siya.

She's more than a friend to me. More than a childhood bestfriend. I like her--- no, erase that. I love her. Yes, matagal ko na siyang mahal.

Dati I was not sure about my feelings pero ngayon, sigurado na ako.

And hindi ko yun masabi kay Anne dahil baka mareject lang ako or baka masira yung matagal na friendship namin.

Hay.. ito na tapos na ako maligo at nakapagbihis na rin ako.

Ngayon ay gagawin ko muna yung skin care routine ko bago matulog.

Yes, Skin Care Routine. Hindi naman dahil lalaki ako, bawal nang mag ganun diba? Mabuti nang alagaan ko yung skin ko.

Pagkatapos kong gawin yun at humiga na ako sa kama ko at natulog.

***Kinabukasan***

Anne's POV

Nagising ako ng namamaga ang mga mata ko. Siguro dahil sa pag-iyak ko kagabi.

Bumangon na agad ako sa kama at kumuha ng towel at bathrobe.

Pagkakuha ko nito ay dumiretso na ako sa bathroom sa kwarto ko at naligo.

Pagkatapos maligo ay siyempre nagbihis na ako.

Tapos kinuha ko yung phone ko at bumaba ako papunta sa dining room namin at nagpaluto ako sa cook naming si Ate Mary ng bacon and eggs.

Habang inaantay kong maluto yung breakfast is tumawag muna ako kay Stell.

*calling Stell*

"Yes Anne?" tanong niya agad.

"Nagbreakfast ka na?Punta ka dito?"tanong ko agad sa kanya.

"Not yet. I just woke up. Sige punta ako diyan after uhm 15 minutes?I'll just take a bath." sagot niya sakin.

"Okay okay see you" sabi ko at baba ng telepono.

*After 20 minutes*

Magkasama na kami ni Stell ngayon at masayang kumakain ng niluto ni Ate Mary.

"So Stell tutal tapos na tayong kumain. Ano gusto mo gawin natin today?" tanong ko.

"Hmm what if ipasyal natin si Oreo tsaka si Strawberry? Punta tayo sa park?" suggestion niya.

By the way, Oreo is my dog pet. And Strawberry is his pet.

"Sige. That's a great idea. Hindi na rin nakakagala tong si Oreo ko eh." sabi ko.

"Same as Strawberry." sabi naman niya sakin.

After that ay nagpalit ako ng damit at ganun din si Stell at pumunta na kami sa park kasama si Strawberry at Oreo.

Naglalakad lakad kami dito ni Stell, Oreo at Strawberry sa park nang biglang tumahol si Oreo. Tinatahulan niya yung lalaking malapit samin.

"Oreo, stop." pananaway ko kay Oreo.

"Sorry po kuya ah. Pasensya na po kayo sa aso ko tumatahol kasi talaga yan minsan eh." paghingi ko ng dispensa dun sa lalaki.

Tumango lang siya kaya naman nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Maya maya habang naglalakad ay may nakita kaming nagtitinda ng hotdog sandwich at hotdogs on a stick. I love hotdogs kaya naman bumili kami ni Stell.

"Thank you Stell" pagpapasalamat ko.

"Ano ka ba hotdog lang yan maliit na bagay." natatawang sabi niya.

"Hindi. Hindi dito sa hotdogs HAHA. Thank you kasi sinamahan mo ulit ako."

"Wala yun. I'm always here with you. Remember that." nakangiting sabi niya.

"Salamat" at ngiti ko sa kanya.

"Wag ka na ngang magpasalamat ano ba HAHA. Masanay ka na." sabi niya sakin.

"Oh siya tara na libot libot pa tayo?" tanong ko.

"Sige tara!" sabi nya sakin.

Pagkatapos ay naglakad lakad na kami. Maya maya nang makaramdam nanaman ng gutom ay kumain naman kami ng street food. Yun lang rin naman ang nandito sa park at hindi naman ako choosy sa pagkain.

We ate fishball, kikiam, fries, and more!

Nabusog nga kaming parehas eh HAHA.

At ngayon ito na. Naglalakad na kami pauwi.

****

Pagkahatid sakin ni Stell sa tapat mismo ng bahay namin ay umuwi na rin siya.

Such a tiring day.

Kaya naman pinasok ko na si Oreo sa cage niya and umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit na pantulog at matulog na rin.

Mga dalawang oras na rin akong hindi makatulog dito sa bed ko kaya naman naisipan kong lumabas muna sa bahay at mag ikot-ikot dito sa village.

I forgot to tell you, we live here in a village.

Naglalakad-lakad ako ngayon dito sa village. Paikot-ikot ganun.

Hayss. Ang sarap ng simoy ng hangin.

Anlamig.

Kaya masarap maglakad-lakad dito eh.

Hmmm...

Ngayon ay dinadatnan na ako ng antok.

Kaya naman naisipan kong bumalik na sa bahay.

Naglalakad na ako pabalik sa bahay ng biglang may narinig akong ingay.

I heard footsteps.

Pero pagkalingon ko naman sa likod ko ay wala namang tao.

Baka guni-guni ko lang yun.

Kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nang medyo malapit na ako sa bahay ay may dumaang van sa harapan ko at tumigil.

Bumukas ang pinto ng van at may lumabas na mga lalaking nakatakip ang mukha at lumapit sakin.

Tatakbo na sana ako pero nahawakan niya ang kamay ko at may kung anong itinakip sa bibig ko.

And then...

All went black.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Always Here With YouWhere stories live. Discover now