CHAPTER 6

22 10 0
                                    

Sejun's PoV

"Sejun pare" pabirong saad ng babae. Hindi naman ito 'yung time para makipagbiruan pero aishh.

"Ken, mahirap ang maging lider, huwag mo sanang maliitin" boses nanaman nung babae.

Napakapit ako sa katabi ko na si Josh nung kami mismo ang umikot.

Naluluha naman ang mata ko, dahil mukhang bumagsak nanaman ang pwetan ko. Napatingin ako sa paligid para malaman kung nasaan na ang mga kasamahan ko.

"A-ayos ka lang?" Tanong ko kay Ken, hinihimas rin niya ang pwetan katulad ng iba. Tumango naman siya sakin at napatingin sa harapan namin.

Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang sarili ko kung paano ako duruin at talakan ng mga boss namin. Hindi man namin naririnig pero alam naming lahat na galit talaga ang lalaking nasa harap ko nung mga panahon na 'yun.

Parang TV naman na naglipat ng channel ang scene at nalipat 'yun sa panahong ina-aware nila ako kung gaano kahirap ang maging isang lider. Dun ako mamatay-matay sa sobrang pressure ko. Napanghinaan din ako ng loob nun pero nakaramdam ako ng kaginhawaan nun ng mga mukha at malalakas nilang cheer ang sumalubong sakin ng umuwi ako ng dorm.

"Mukhang nakalimutan niyo na ang magsaya ng katulad niyan" kung hindi pa nagsalita si Lady in Black ay mawawala na sana siya sa isip ko.

"Sa pagsusulat ng kanta ay hindi rin madali, magaling man magsulat ng kanta ay nakakatanggap parin ng kutya" sabat nanaman ni Lady in Black.

Hindi na naikot ang paligid namin at kusa nalang napapalitan ang scene ng nasa harapan namin. Mas ok na 'yun kesa naman sa kanina, para na akong masusuka.

"Umalis ka sa grupo niyo"

"Hindi ka nila kailangan dun, panget ka"

"Sa sobrang panget mo, hindi ka nababagay sa grupo"

"Kung hindi ka lang magaling gumawa ng kanta, wala ka sana sa SB19"

ILAN lang 'yun sa mga narinig namin ng paulit ulit. Ramdam ko ang tingin ng mga kasamahan ko sakin pero nanatiling parin akong nakatungo.

"Sejun, hindi ko alam... Sorry" may sinseridad sa boses ni Ken na nasa tabi ko lang pala.

"Get in the zone... Break! Hi, we are... SB19" naiangat ko ulit ang tingin sa harapan ng marinig 'yon.

Para lang talaga kaming nanonood. Pinapanood ang sarili namin na parang video.

"Ahh lalabas na ang kauna-unahang music video na kasama kami haha" naging matunog ang pagtawa ni Justin habang nakaharap kaming lahat sa camera.

"Nae-excite na ako!" Natawa ako sa sarili ko ng makita ang sariling parang nanginig pa ng sabihin ang linyang 'yon na sinundan ng malutong kong tawa.

Naalala ko pa pagkagising namin nun sobrang dami na ng views. At dun na nag umpisa ang career namin.

"Ang galing mo Ken!"

"Naakksss"

"Nakanang!!!!"

"Gwapo mo Jah!!!"

"Ahhh SEJUNNN TAKE ME!!!!"

Natatawa ako dahil napanood mismo ng mga mata ko 'yung mga panahon na 'yun. Panahong pinupuri namin ang isa't isa. Binabati at kino-congrats.

Panahong parang naitago, at nawalan ng halaga.

"Sobrang saya natin niyan, tapos after ma release ng mv niyan eh napakadaming nag invite sa'tin na maging guest. Kahit maliliit palang na TVShow 'yun, sobrang nakakaproudddd" masayang binalikan namin ang mga alaala. 'Yung mga panahong sama sama kaming sumakay sa roller coaster na halos masuka na si Ken, mga panahong gumagawa kami ng video para ipost sa SB19 Vlogs. Kung paano kami magkulitan.

"Kung tutuusin, napakalaki nga ng nagbago" naiusal ko. Hindi ko napansing tapos na ang pinapanood namin.

"Gaano man kalayo o kataas ang narating niyo huwag na huwag niyong kakalimutan ang mga hirap na pinagdaanan niyo pati ang mga dahilan kung bakit narating niyo ang tuktok."

Muli naming nakita si Lady in Black sa harapan namin.

"Sana naman ayos na kayong lahat, sana marealize niyo 'yung mga pagkakamali at pagkukulang niyo"

"Kayo ang magkakasamang humarap sa pagsubok, huwag niyong kakalimutan 'yung pinakamasayang pakiramdam na sama sama niyong binuo, huwag niyong ipagpalit ang pagiging sikat niyo sa pagkakaibigan niyo. Mukha kasing nakalimutan niyo na magkakaibigan kayo ih at magturingan na parang isang pamilya" kakamot kamot pa sa ulo niya si Lady in Black.

"Oh?" Nagulat ako ng umilaw sandali ang suot ni Lady in Black, ah mali!. Lady in White na siya.

"Ayan! Bumalik na sa dati! Hay mabuti naman" parang nakahinga pa siya ng maluwag. Ikinumpas niya ang kamay niya sa harapan namin.

Mukhang alam ko na ang mangyayari ah.

"AHHHHHH!!!!"

"WAAAHHHHHH!!!"

"TAMA NAAAAA!!!!!"

ISANG MALAKAS NA LAGABOG ANG SUMALUBONG SAMIN.

"Oucchhh"

"Ahh araayyy"

"Ansakiittttt"

Mukhang mali ang napaglandingan sa amin ni Lady in Bla-White. Ahh basta 'yung babae. Lumagapak kasi kaming lima sa lamesa!. Nasa dressing room ulit kami at nagkalat ang lamesa dito syempre. At isa dun ang binagsakan ko.

"Ansakit parinn" naiiyak ng usal ko habang hinahagod ang likod ko.

"Hehehe sorry" napatingin ako sa babae. Kailangan kong tanungin ang pangalan niya!.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya, mukha naman siyang nagulat dahil sa tanong ko.

"Abigail," nakangiting usal niya. Napatingin ako dahil tumayo narin pala ang iba pa at pumunta sa pwesto ko.

"Kailangan ko ng umalis, huwag kakalimutan ang bilin ko ah!!" Masaya niyang sinambit 'yon at tumango kaming lahat.

"Maraming Salamat" sabay sabay na bati naming lima sa kanya. Nakangiti siya sa amin bago siya mawala mismo sa harapan namin. Napakurap kurap pa kami dahil sa matinding liwanag na lumukob sa buong dressing room.

"Ano pang ginagawa niyo?!"

GO UP : GO BACKWhere stories live. Discover now