Chapter 12

4.6K 137 14
                                    

XII- Argue.

Beryl's POV

Tinawagan ni Callix si Harren at nakipag-usap sila sa akin habang nasa office sila ni Callidon. Si Calli na ang taong tinatakbuhan namin, si Calli na ayaw ko pang magtagpo ang landas namin. Kaya ayan, nahuli sila na katawagan nila ako. Sana.. hindi niya malaman. Hindi pa ito ang tamang panahon.

Yes. It's been 7 years since he leave me alone and now, he's now searching at me for unknown reason. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang taong iniwan niya, ang taong sinabihan niya na tapos na ang relasyon nila ay hinahanap pa niya. Hindi ba dapat ay hayaan nalang niya ako? Kasi nga 'diba we're over? Bakit niya pa ako hinahanap. Ang bobo talaga nito!

Kung ang rason lang niya ay para sa kumpanya nila. Bakit kailangan niyang tapusin ang relasyon namin? Bakit kailangan niya akong iwanan at hindi na kontakin. Putsa, ginagalit niya talaga ako. Tapos ngayon hinahanap niya ako? Sorry pero bahala siya sa buhay niya.

At isa pa 'tong mga kumags na 'to. Hindi sila nag-iingat. Nasa company sila ni Callidon 'diba? Okay lang kung tawagan nila ako pero 'yung tawagin nila ako sa pangalan ko ng paulit-ulit habang nasa office ni Calli? Mga abnormal talaga! Kaya ayan, nadinig sila ni Callidon.

Bigla ay muli kong narinig ang boses ni Callidon.

"Ano Alrin James? Si Beryl ba 'yan ha?! Give me that phone!" Dinig ko ang mga footsteps ng sapatos. Sa tingin ko palapit na ng palapit si Callidon sa amin. Napahigpit nalang ang hawak ko sa cellphone ni Callix.

"Kelan ka pa dyan ha?" Dinig kong sabi ni Alrin. Shit! Mahuhuli na talaga kami! Palapit ng palapit ang boses ni Calli na kasalukuyang nagsasalita.

"When you said ' Kamusta ba d'yan Beryl' thing. Ano si Beryl ba 'yan ha?!" Sigaw ni Calli.

Kinakabahan ako!

"M-mommy. What should we do?" Sobrang hina ng boses ni Callix. Halos hindi ko marinig dahil nag-iingat din siyang marinig ni Callidon.

Biglang may nagsalita sa phone. Si Alrin "Sorry hello again Berly? Kamusta ba kayo d'yan...Ayos na ba ang barko? Should I go there?...Huwag muna kayong magpapasok ng pasahero hangga't wala ako. Okay. Thankyou for the information...I'll go there." Ang boses na ngayon ni Alrin ay propesyonal. Parang hindi na siya 'yung Alrin na kumags na sobrang kulit. Siya 'yung Alrin na isang Captain ng barko na sobrang propesyonal.

Abnormal kang Alrin ka! Kay Harren ang cellphone na 'to tapos tinatawagan mo ang-- I think it's his workmate. Sana lang talaga hindi siya mahalata. Sana hindi niya mahalata na cellphone ni Harren 'to at hindi kay Alrin. Kinakabahan na ako ng hard dito!

Hindi ako sumagot dahil parang litong-lito ako sa nangyayari. Lumapit ako kay Callix at bumulong, inilayo ko pa ang cellphone para makapagbulungan kami ng maayos.

"Papatayin ko na 'tong tawag okay ba?" Tinanong ko muna siya kasi baka magalit. Sakanya namang phone 'to.

"Hindi pa naman po pinapatay ni tito Alrin. Pakinggan po muna natin ang sasabihin nila." Ngumiti nalang ako bilang sagot. Sabagay, kailangan kong subaybayan ang sasabihin nila.

"Ano na naman ba Calli? Can't you see? May trabaho akong kailangang puntahan yet you called us just to find that girl. Berly is my own assistant on ship tapos sasabihin mo na ang tinatawagan ko ay si Ber-- what is her name again?" Dinig kong sabi ni Alrin. Nagkukunwari.

"Beryl." Simpleng sagot ni Harris.

"Okay, Beryl tama. Hindi ko nga kilala 'yung Beryl na 'yon eh! 'Yung kambal lang ang nagsabi sa akin na ex-girlfriend mo daw. Bakit mo ba kasi hinahanap pa 'yon brad?!" Parang nagpipigil ng inis na sabi ni Alrin.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now