Chapter 10: Finding the Boxes

51 17 4
                                    

"One of the greatest discoveries a man makes, one of his great surprises, is to find he can do what he was afraid he couldn't do." - Henry Ford

NATASHA MORDECAI PANGANIBAN'S POV


July 13, 2018

"Cai, san ka pupunta?"

Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung tama ang hinala ko pero wala namang mawawala kung susubukan kong hanapin unang kahon.

"Sa DARK ROOM.", sagot ko.

"Sandali. Sa Dark room ng photography club?", tanong ni Toffie.

"Oo. Baka sakaling iyon ang tinutukoy ng niya.", isa lang ang hiling ko nang mga sandaling iyon, na sana ay tama ako.

"Cai, sasama kami. Kailangan nating magtulungan!", wika ni Demi.

Tama siya, kailangan naming magtulungan.

Maya-maya ay sinabi rin ng iba ng gusto nilang sumama ngunit biglang nagsalita si Leon.

"Huwag. Hindi tayo pwedeng pumunta sa Dark Room ng sabay-sabay. Mas matatagalan tayo kung sa iisang lugar lang tayo maghahanap.", wika niya.

Sang-ayon ako.

Sa tingin ko'y dapat maghiwa-hiwalay kami sakalaing mali ako.

"Cai, Demi, kayo na ang pumunta sa Dark Room. Habang maiiwan muna kami dito. Sakaling ginugulo niya lang tayo at narito lang ang mga kahon.", mungkahi ni Leon.

"Ano? Hahayaan nalang ba natin silang dalawa na maghanap sa dark room? Paano kung mapahamak sila?", tanong ni Toffie.

Hindi ko alam ngunit, parang lumakas ang loob ko nang mga sandaling iyon.

Marahil dahil naguiguilty ako sa mga sinabi ko kay Sandra kaya gusto ko siyang tulungan ngayon.

"Toffie, wag kang mag-alala. Kaya namin ni Demi 'to. Tama si Leon, habang sinusubukan pa nating humanap ng mga posibleng lugar na tinutukoy sa bugtong, dito muna kayo maghahanap baka sakaling nililinlang lang tayo ng taong 'yun.", bigla namang napayapa ang ekspresyon sa mukha ni Toffie.

Kaagad kaming umalis ni Demi upang pumunta sa dark room na nasa 2nd floor ng building na ito.

"Cai, what if may tao 'dun? Hindi kaya magtaka sila kung ano ang gagawin natin sa loob?", tanong ni Demi.

"Demi, nakalimutan mo bang ikaw ang reyna ng public speaking sa batch natin? Wag kang mag-alala, magagawan natin 'yan ng paraan.", tugon ko at nagpatuloy kaming bumaba.

Nang marating namin ang 2nd floor ay nakita namin si Mang Manolo, ang janito ng school namin na naglilinis sa harap ng dark room.

"Demz, tanungin mo si Mang Manolo kung may tao sa loob. At kapag lock ang dark room, sabihin mo sa kanya na kunin ang susi at may kukunin lang tayo.", utos ko sa kaniya.

"Cai? Ano ka ba? Hindi kaya magtaka siya kung bakit wala akong susi kung miyembro naman ako ng photography club?", may punto siya.

Ngunit...

"Basta Demz, gumawa ka nalang ng palusot. Sabihin mo naiwan mo sa dorm dahil nagmamadali ka. Basta gawin mo ang lahat para makapasok tayo sa dark room.", dagdag ko.

Dahan-dahan kaming lumapit kay Mang Manolo at nakitang nakalock nga ang pinto.

"Ahm. Mang Manolo?", pagtawag ni Demi sa kanya.

MASTERSWhere stories live. Discover now