Ika-anim na Kabanata

54 43 5
                                    




IKA-ANIM NA KABANATA

FEAR

"TO THE ONE WHO EMBRACED BY THE MOONLIT"

Takot.

Isang salita lamang na siyang maaring ikamatay o ika-buhay natin. Bawat indibidwal ay may iba't ibang paraan kung paano kahaharapin ang salitang ito— may iilan na pinipiling takbuhan ito at mayroon din namang handang yakapin at kaharapin ang takot. Pero bakit nga ba kailangan pang kaharapin kung maari namang takbuhan?

Unti-unting ginalaw ni Willow ang kanyang daliri, senyales na nagkakaroon na siya ng malay hanggang sa naibuka na niya ang kanyang mga mata. Nasilaw siya sa puting kulay ng kwarto. Sumalubong sa kanya ang ingay ng ibang tao na siyang bumibisita sa ibang pasyente na kasama niya sa kwarto. Inilibot niya ang kanyang paningin sa sariling katawan at hindi na siya na gulat pa nang makitang naka-benda ang kanyang kanang kamay.

Inaasahan na niya ito dahil sa nangyari pero ang isipin na hindi niya na magagamit ang kanyang kanang kamay na siyang prominente niyang ginagamit sa pagsusulat at pagpipinta.

Naramdaman niya ang emosyon na pilit niyang iniiwasan. Takot. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Walang may gusto ng ganitong pakiramdam. Iba't ibang senaryo na ang kanyang nalilikha sa kanyang utak dahilan kung bakit mas lalo siyang kinakabahan at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at paghinga— Paano kung panghabang-buhay na niya hindi magamit ang kanyang kanang kamay? Hindi na ba siya makakapagsulat? Paano ang pagpipinta niya? Ano na lamang ang sasabihin ng kanyang pamilya lalo na ng kanynag mga magulang sa kanya? Gusto niyang ipakita na tama ang desisyon niyang mag bakasayon at manirahan nang naaayon sa kanyang gusto— pero mukhang tama nga ang magulang niya.

Hindi niya pa kayang mag desisyon para sa kanyang sarili.

Lumandas ang luha sa kanyang pisngi. Hindi niya maramdaman ang kanyang kanang braso't kamay. Natatakot siya sa maaaring posibilidad na mangyari. Kung hindi na niya magagamit pa ang kanyang kaliwang braso, siguro nga dapat ay tuluyan na siyang nahulog sa bangin, iyan ang eksakto niyang nararamdaman.

"Willow!"

Napatingin si Willow sa tumawag sa kanya na walang iba kung hindi si Atlas na nakasaklay. Nagmamadali itong lumapit sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay baka nag-alala na siya kahit papano sa lalaki nang makitang nakasaklay itong nag mamadlaing lumapit sa kanya pero sa oras na iyon ay tanging sarili niya lamang ang kanyang iniisip.

Wala naman sigurong mali roon lalo na at mag-isa lamang siya at walang ibang mag-aalala sa kanya kung hindi ang kanyang sarili lamang.

"Willow, kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Ang braso mo? Sabihin mo lang sa akin kung may nararamdaman kang kakaiba," sunod-sunod na sabi ni Atlas. Nangungusap ang kanyang mga mata na nakatingin sa dalaga ngunit iniwas lamang ni Willow ang kanyang paningin. Ayaw niyang sisihin si Atlas sa nangyari dahil biktima lamang din ito pero hindi niya maiwasang kahit papaano ay sisihin ito sa nangyari.

'I can't face him. Ayoko munang maalala ang nangyari.'

Walang na tanggap na sagot si Atlas sa kanya. Dahan-dahan itong tumango habang may tipid na ngiti sa labi. Ramdam niyang ayaw siyang kausapin ni Willow kaya ibibigay niya ang gusto nito. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari. Tama lamang na ganoon ang maramdaman ng dalaga sa kanya lalo na at hind sila malalagay sa ganoong sitwasyon kung hindi niya ito hinabol.

"Sige... tatawagin ko na lang muna 'yung doktor. Babalik ako kaagad," at nag lakad na nga siya paalis kahit na nahihirapan sa kanyang saklay.

Doon lamang na pagmasdan ni Willow ang binata at biglang nakaramdam ng konsensya para sa kaunting naramdamang paninisi rito. Kitang-kita niya na nahihirapan itong maglakad pero pinipilit pa rin na puntahan ang doktor.

Always Been A Star (Gold and Pearl Saga#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon