Chapter 3

95 5 1
                                    

Kinabukasan, Pag pasok ko sa skwelahan ay parang normal ang lahat, naglalakad lang ako nang makita ko si liam na naglalakad. Hindi ko lang sya pinansin kundi nilagpasan ko lang sya.

"Oh my god, its that him? Sya ba yung nasa video?"

"Oo gurl, sikat nga ata yung scandal video nya eh" bulong ng mga estudyante na nasa hallway

Wala akong ibang marinig na bulungan kundi si liam at heto lang ako nag lalakad na parang wala lang. Nang makarating ako sa room ay naupo agad ako dito.

"Girl! Nakita ko na yung video ni liam, sirang sira yung ex mo" banggit ni kathleen saakin.

"Edi mabuti" tipid ko at inilabas ang module ko for accountancy. Why not? I want to learn another perspective course kahit criminology course ko.

"Eh pano pag nalaman ng ibang teacher especially admins of school na ipinakalat mo ang video, anong gagawin mo?" Tanong nito.

"Edi ipapatalsik ko sya"

"Gurl, hindi ba parang sobra na yan?" Tumingin ako sakanya ng walang gana.

"Edi sana hindi nya ako kinalaban diba" aking huling sagot bago may tumawag sa'kin mula sa harap ng pinto.

"Cassy Allustro pinapatawag ka sa main office" sigaw ng isang student council kaya napatingin ako dito alam ko na kung anong mangyayari kaya sumunod nalang ako dito at humarap sa discipline personnel.

"Bakit mo ipinakalat ang video?" Mahinahon nitong tanong. Isa ito sa malapit kong guro kaya pag kakausapin ako nito ay kalmado ang lahat. Ipinaliwanag ko ang lahat sa kanya at naiintindihan naman ako nito, pinapabura sa akin ang video ngunit may isa akong hiling bago ko gawin iyon.

"May hiling ako bago ko ibura ang video" aking pag tugon.

"Ano iyon iha?" Kanyang tanong.

________

Lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa klase, nang nakaupo ako dito ay agad akong tinanong ni kathleen.

"Kumusta?" Bulong nito habang nag kaklase.

"Maayos naman, napaki-usapan naman ako ng teacher na burahin ang video"

"So buburahin mo na yung video?"

"Not yet"

"Hayst, napaka tigas talaga ng ulo mo"

"Ok lang basta makasigurado lang ako sa deal ng guro"

"Anong deal?" kanyang tanong.

Hindi ko binura ang video at hinintay ang panahon na mangyari ang gusto ko. What else for? Kung nakalat na ang video through social media, meaning hindi lang ako ang may copy video kundi marami nang tao. Ilang araw ang nakalipas bago ko mabalitaan na wala na si liam sa campus.

Yes, nakipagkasundo ako sa guro na patalsikin si liam sa school, may pruweba naman din ako kung bakit mapipilitan silang paalisin dito.

Una ang ang scandal video, pangalawa yung video na hawak ni trisha na kasalukuyang deleted na pero ok lang may reserba naman kay kathleen kaya kahit papaano ay may naipakita akong ebidensya, pangatlo ang warnings nairecord ko kaya kumpleto ang lahat ng details kaya gusto ko siyang paalis dito sa campus. Hindi lang yun, nag request din ako na ipa-ban si liam sa lahat ng private school dahil kung hindi nya gagawin ito ay mananatiling nakaka-kalat ito sa social media. Ang nakakatawa lang ay kung kaya nilang pigilan ang ibang users.

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Where stories live. Discover now