9

3K 257 20
                                    

Ang mahilig magpa-update, tutubuan ng malaking pimpol sa ilong.

Ang mahilig magpa-update, tutubuan ng malaking pimpol sa ilong.

Ang mahilig magpa-update, tutubuan ng malaking pimpol sa ilong.

Ang mahilig magpa-update, tutubuan ng malaking fimfol sa ilong.

___

"NILAGYAN mo lang ng rugby ang takong ng sapatos ko, hindi ka nagbaon ng ginto sa suwelas!" Kulang umusok ang ilong ni Ginger habang kausap ang tauhan ng isang pagawaan ng sapatos. Iniwan niya roon ang pares na gagamitin para sa interview bukas at nang balikan niya matapos mag-window shopping ay heto, four hundred fifty na tumataginting ang sinisingil.

"Ma'am, sinabi ko naman sa inyo kanina na pipinturahan, eh, para magmukhang bago."

"Para sabihin ko sa 'yo, two-fifty lang ang bili ko diyan sa sapatos. 'Tapos sisingilin mo ako ng four-fifty? Sa 'yo na 'yan!"

"Ma'am, sinabi ko naman po kanina. Nsa claim stub naman kung magkano."

Halos hindi na naalala ni Ginger kung ano ang sinabi ng kausap kanina at hindi rin niya tiningnan ang claim stub. Maraming laman ang kanyang isip dahil kausap niya si Mimi—may auditions sa isang linggo. Kasabay naman noon ay ang mahalagang interview niya para sa isang gallery bukas. Kung matatanggap siya sa gallery, paano na ang audition? Kung makakapasa siya sa audition, play na tatakbo ng anim na buwan iyon. Malaki ang bayad dahil sponsored ng isang kompanya. It might make a difference in her career. Matindi ang promotion, kasama ang TV, radyo, at diyaryo. Hindi niya alam ang gagawin. Susugal ba siya o hindi?

"Sige. Magwi-withdraw lang ako," aniya sa kausap. Ngayon lang siya nagpagawa ng sapatos sa tanang buhay niya at wala pang pambayad. Five hundred na lang ang pera niya, mamamasahe pa bukas patungo sa gallery para sa interview.

Nagtungo siya sa department store at bumili ng isang mumurahing clear nail polish at Pentel pen na pula, saka lumabas na ng mall para umuwi. Hindi na niya babalikan ang sapatos na pinagawa. Nang makauwi, kinuha niya ang pulang stilettos na nagbabalat na ang patent leather. Tinungkab niya ang mga nagkakaliskis na balat niyon, ginuhitan ng panulat, saka pininturahan ng nail polish. May isusuot na siya bukas.

Naghanda na siya ng hapunan—tirang kanina kanina at itlog. Alas-siete ng gabi, naghanda na siyang matulog. She almost wished not to get hired for the gallery job. Kapag ganoon ang nangyari, mayroon siyang totoong rason para pagtuunan ng pansin ang auditions. Natulog na rin siya at nagising alas-sais ng umaga. Naghanda na siya at eksaktong alas-nuebe ay sakay na ng tren. Alas-diyes y medya ang interview. Nakarating siya sa gallery bago ang takdang oras.

Lima silang kandidata para punan ang posisyong curatorial assistant. May alam si Ginger sa art mula sa kanyang mga magulang na kapwa mahilig doon. Kahit siya ay may interes sa mga painting at sculpture. Hindi malaki ang gallery kung koleksiyon ang pag-uusapan, bagaman malaki ang espasyong inookupa niyon. Bago pa lamang ang gallery, marahil tatlong buwan pa lamang bukas. Ang sahod ay katulad ng makukuha niya sa call center. Ang kaibahan lang, walang night shift sa gallery, maliban na lang marahil kung mayroong espesyal na exhibit. She prefered working on the gallery. Mas malapit iyon sa teatro, maging sa bahay ni Mimi na pumayag nang makituloy siya sakaling matanggap sa trabaho. Wala pa siyang pambayad sa deposit at advance ng bagong tutuluyan.

Panghuli ang dalaga sa interview lineup at nang pumasok siya sa opisina ay agad niyang binati ang interviewer. Ilang ulit siyang tinanong ng babae at sa huli ay tumayo upang kamayan siya. "Congratulations, Miss Sevilla. You're hired."

Nagpasalamat siya sa babae at itinanong kung kailan maaaring magsimula. Lunes daw. Ibig-sabihin, hindi siya maaaring mag-audition. Natanggap nga siya sa trabaho ngunit pakiramdam niya ay gumuho ang kanyang mundo. Para bang isa itong hakbang para mapalayo siya, sa halip na mapalapit, sa minimithi. At kahit mas praktikal sa ngayon ang tanggapin niya ang trabaho, hindi niya maiwasang manglata.

In her mind, she saw her parents laughing at her. How she wanted to cry. Tinawagan niya si Mimi, sinabing may trabaho na, umuwi ng Cavite, at nag-empake. Nagpaalam siya kay Aling Sion at sinabing ang listahan niya sa tindahan nito ay babayaran niya sa unang sahod.

Wala siyang gamit kundi mga damit at electric fan. Ang iba niyang appliance ay naibenta na niya noong nakaraan. Nagkasya sa dalawa niyang malaking maletang LV ang mga gamit. She would've sold those bags if they weren't given to her by Luisa. Para sa kanya, ang anumang bigay ng kapatid ay hindi kailanman maaaring ibenta.

Kinabukasan, bago umalis ay naghanap muna siya ng paraan para magkapera. Hinanap niya ang nagpapa-five six at nangutang ng dalawang libong piso. Lumakad na rin siya matapos. Pinalipas niya ang sumunod na ilang araw sa apartment ni Mimi at nang dumating ang Lunes, maaga siyang nag-report sa gallery. Isa sa tatlong curator ang siyang nag-orient sa kanya, si Miss Reyes, mukhang edad kuwarenta y singko na, simple ang hitsura, may bukas at maamong mukha.

It was indeed a very small gallery. Maraming mga painting ng baguhang pintor ang naroon ngunit halatang pino-promote ng gallery ang isang pintor na "Sandine" ang pangalan. Kay Sandine ang pinakamalalaking painting sa gallery at lahat ng bahagi ng gallery ay mayroong display ang pintor. She had never heard of Sandine before. Nahiya naman siyang magtanong sa curator at baka sumikat ang pintor habang puno ng pagdurusa ang kanyang buhay kaya hindi niya narinig. Anong malay niya kung iyon pala ang next Malang? Nakakahiya, unang araw pa naman niya sa gallery.

Ang totoo, sa opinyon ni Ginger ay may talent talaga si Sandine, ngunit hindi ganoon kahusay para okupahin na ang buong gallery. Marami siyang nakitang mga painting na mas magaganda pa kaysa sa mga gawa nito.

"This is our nude section," wika ng curator, biglang napangisi na tila pilit sinupil.

That was odd, Ginger thought, until she saw the paintings. Hindi lahat ng nude na nakaguhit ay lalaki bagaman ang mga gawa ni Sandine na naka-display doon ay puro nude at puro lalaki at iisa lang ang modelo, halata. Iba-iba ang anggulo ngunit iisa ang modelo. Sa iba roon, hindi kita ang mukha ng nude model, maliban sa isang obra—kung saan malinaw na makikita ang mukha ng modelo. It was the guy who gave Ginger the casino chip.

So the man was a nude model. And from the paintings, Ginger can clearly see he had a big package. Biglang nag-init ang kanyang mukha nang maalala ang sinabi sa lalaki—na marahil maliit ang bird nito. How hard must he have laughed inside.

Malaki nga lang ang tanong ni Ginger sa isip—paano nakuha ng lalaking bigyan siya ng sampung libo kung isa itong nude model? Sa pagkakaalam niya, malaki man ang bayad sa mga nude model ay hindi ganoon kalaki upang mag-itsa na lamang basta ang lalaki ng chip na sampung libo ang halaga. Ah, of course, the man was a gigolo. Iyon lamang ang dahilan. Ang babaeng kasama nito ay marahil isa sa mga kumuha sa serbisyong kaya nitong ibigay. At ano bang malay niya kung ang mga painting na nasa kanyang harap ngayon ay ilang taon nang naiguhit? Baka ang lalaki ay nagsimula sa mababa—isang nude model, at kalaunan ay nadiskubre ng kung sinong matrona. O kaya naman ay asawa nito ang babae sa casino. Mayaman. Gold-digger ang lalaki. Anoman ito ay mananatiling hindi maikukubli ang katotohanan—naging nude model ito. Walang masama roon pero malayo sa nailarawang-diwa ni Ginger sa kung ano ang lalaki—marahil ay isang modelo o CEO. Model nga, pero hindi sa GQ, kundi nagbuburles. Oh, well.

"You've been staring at his package," bulong ni Ms. Reyes.

Lalo nang nag-init ang pisngi ni Ginger. "I'm sorry." Bigla siyang napatawa nang makitang namumula ang pisngi ng kausap. "Please don't tell me you didn't stare at it."

Sabay silang nagkatawanan, kapwa pinipigil iyon sapagkat tahimik sa gallery. Iyon ang unang senyales kay Ginger na marahil hindi siya ganap na nagkamali sa desisyon. At least she liked Ms. Reyes and she seemed to like her, too.

___

Bituinan mo na, istariray ka naman. Mag-comment ka, kahit lyrics ng "Tala" para bagay sa theme na bituin. Kahit ano, basta mabasa ng algorithm ng Wattpad para madaming tulad mong makabasa. Baka sakaling yumaman ako. Push mo na. Sagad mo na rin, like mo FB page ko para kunwari may sinusuportahan kang local writer: facebook.com/vanessachubby

IOU: Ginger, the ActressWhere stories live. Discover now