18

1.6K 58 7
                                    

Deanna's POV

Jema: Kailan ba magtutugma ang oras at panahon para sa atin? ( sigaw na patanong ng babae na nasa harap ko, na may namumuong luha sa kanyang mga mata)


Jema: Kailan ba ang perfect timing para sa ating dalawa huh?
( nagtuloy tuloy parin ang mga luha sa mga mata habang ako tahimik at pinagmasdan cya, pinipigilan ko ang sarili ko na wag umiyak. Bakit ba kasi napunta pa ako sa sitwasyon na kung saan we have our right love na wala sa timing )


Jema: Iniwan ko sya kasi pinili kita, ikaw ang dahilan bakit nagbago ang prensipyo ko sa buhay.. akala ko makakaya lang ng pagmamahal ko sa kanya ang lahat ng kagaguhang ginawa nya sakin. Pero minulat mo ko sa mali ko at pinakita mo sakin na mahal mo ko, (napahinto cya)


Jema: T-tteka, mahal mo ba ako o isang kasinungalingan lang lahat ng pinapakita mo sakin? ( di ko alam ang sasabihin ko, hindi ako magaling sa ganitong kumprontasyon )


Me: SORRY! ( yun lang ang lumabas sa bibig ko, na nakayuko )


Ricci: YOU GOT IT RIGHT! Hahahaha ( nagulat ako ng dumating ang isang matipunong lalaki na kinababaliwan nya noon, best friend ko )


Jema: WHAT??? ( humagulgol na sya sa pag.iyak sa rebilasyong ito, bakit ngayon pa? Bakit sya andito ang best friend ko? )


Ricci: You got it right hahaha kasinungalingan lang lahat yung pinapakita nya sayo, diba best friend? ( na naka ngising tingin sakin, habang ako wala sa pag.iisip tahimik at walang imik)


Jema: BEST FRIEND MO ANG EX KO?! ( pagtingin nya sakin) BAKIT? ANO NAGAWA KONG KASALAN SA INYO? BAKIT NYO KO GINAGANITO?! DI PA SAPAT YUNG GINAWA MO PARA SAKIN? DI BA AKO PWEDE MAGING MASAYA? ( pagbaling nya ng tingin sa best friend ko)


Ricci: NO kasalan ko to baby (sabi ng best friend ko) I was a jerk, di ko alam kung gaano ka kahalaga sakin, I was blind to the point di ko nakita na how precious you are to me until yesterday (pakikipaghiwalay nya sa best friend ko) Naki.usap ako sa kanya na magplano para makipaghiwalay ka sakin dahil ayokong matali sa leeg gaya ng ginagawa mo sakin noon, akala ko magiging masaya ako pag wala ka na sa buhay ko, but I was wrong, this past 2 months mas hinahanap ko na mga paglalabing mo na binabaliwala ko noon, hinahanap ko na pag susungit at pagiging territorial mo sakin kasi nga nagiging successful na ang plano namin, pero binabawi ko na baby, di ko kayang wala ka, mahal na mahal kita, please give me another chance, and this time I will make things right, I will make you happy again in my arms ( dagdag ng best friend ko)


Jema: Ano? Gusto nyo palampasin ko lang? Na agad agad bigyan ka ng chance? Sa pag sisinungaling nyo sakin? Sa pag gamit nyo sakin? ( pagpapatuloy nya sa pag iyak) Di ko alam anong gagawin ko, masakit pa sakin ang ginawa nyo p... ( di nya na natapos ang pag sasalita nya ng niyakap sya ng best friend ko)


Jema: Let me go! ( pagpapalag nya sa yakap ng best friend ko)


Ricci: No hindi na baby, please ayusin natin to, tahan na, lets get back to where it started yung time na masaya pa tayo, please baby di ko kaya na wala ka ( napaiyak na ang best friend ko, alam kong sincere sya dahil ngayon ko lang yan nakitang umiyak dahil sa babae )


Tiningnan nya ako sa mata, gusto kong basahin ang laman ng mga mata nya pero di ko mabasa di ako sanay sa ganito.. ilang minuto na ang nakalipas tahimik ang lugar, nakayakap parin ang best friend ko sa kanya, nasa likod lang naman ako ng best friend ko habang tinititigan lang silang dalawa.. at yun tinugon nya ang pagyakap ng best friend ko sa kanya.


Fallen AngelWhere stories live. Discover now