DecisionPAGKATAPOS kong puntahan si papa para ipaalam ang desisyon ko ay agad akong nagtungo sa condo unit ko para mag-impake. Tahimik lamang na nakikinig si papa sa mga paliwanag ko. Hindi rin naman niya ako tinanong tungkol sa pagtanggi ko sa proposal ni Atriju.
"Where are you going? Ba't ka nag-iimpake?"
Namimilog ang mga mata kong napatingin sa nagsalita. Kakalabas lang nito sa bathroom at hindi ko alam na nandito pala siya. Tanging ang tuwalya lamang ang nakapulupot sa baywang niya. Tumutulo ang preskong tubig galing sa basa niyang buhok pababa sa kanyang dibdib.
"K-Kanina ka pa pala nandito?"
He didn't answer. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong nalunod sa klase ng titig niya.
"Where are you going?" he asked again, firmly.
I clasped my hands and pressed my lips. Wala akong ideya kung paano ko sa kanya sasabihin. Ang tanong, papayag kaya siya?
"You're leaving..." he stated.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot at parang gusto ko nang maiyak. I'll surely miss him.
"Bakit Tanya?" tanong niya sa basag na boses.
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawang kamay at hindi na mapigilang mapahikbi. Hindi ko alam na ganito pala kahirap na sabihin sa kanya ang totoo, ang naging desisyon ko...
"Sorry. But I need to do this, Atriju..."
"By leaving me? Nandito naman ako ah? I knew it all along that you're not okay and you're depressed. But why chose to leave me?" A tear escape his eye. "Hindi ko alam kung wala ka lang bang tiwala sa akin, pero Tanya... alam mong hinding-hindi kita iiwanan kaya bakit ang dali lang sa'yong magdesisyong umalis?"
I shook my head. Malaki ang tiwala ko sa kanya. It's just me. And I really need to fix myself first.
"Can you wait for me Atriju?" I sadly asked.
Napasinghap siya at marahas na napahilamos ng mukha.
"So, hindi na kita mapipigilan sa desisyon mong 'yan?"
His eyes were bloodshot and his cheeks were already covered with tears. Nasasaktan akong makita siyang ganito. He's always there for me, lifting my mood. But here I am, just easily made him vulnerable.
"Magbibihis muna ako," malamig niyang wika.
Nanginginig kong isinarado ang zipper ng maleta. Baka minalas lang talaga ako sa panahong 'to dahil ang dami-daming nangyari. At ang hindi ko talaga matanggap ay ang pagkawala ni Abby. She's gone forever...
Naupo ako sa kama at pagod na isinandal ang ulo sa headboard. Agad akong napaayos ng upo nang tapos na siya at tumabi rin sa akin.
"Kailan ang alis mo? Saang bansa ka ba? I'll follow you. Hindi ko kakayanin na mawala ka ng matagal. It's already enough that I waited three years before we talked agin. At ngayon iiwan mo akong mag-isa? Anong ginawa ko dahil noon pa lang ay ang dali lang sa'yo ang mag-desisyong itaboy ako. How can I help you if you chose to run away? Ano bang gusto mo? Ang habulin na naman kita?"
"H'wag ka nang sumama, Atriju," I whispered.
Hindi makapaniwalang tinignan niya ako. He's obviously disappointed based on his reaction.
BINABASA MO ANG
Tears of Change ✔
General FictionHUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting married. But everything became intense when she met her persistent suitor again. She found him pass...