Chapter 34

38 1 0
                                    

ENOCH'S P.O.V.

Inihanda ko ang sarili ko para sa araw na 'to. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba o hindi, basta ang alam ko lang, kailangan kong marinig yung explanation na dapat kong pakinggan.

I don't know what will happened after this. I don't know if it will make me feel better either. But one thing's for sure....I deserve an explanation.

"Twin, she's here. Bumaba ka na. Nasa garden siya. Nagpahanda na rin ako ng makakain", sambit ni Brynn

Tanging pagtango lang ang isinagot ko sa kanya at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.

Naiwan akong tulala at hindi makaimik. Grabeng kaba ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa nandito siya o dahil ba baka hindi ko matanggap ang mga sasabihin niya. Hindi ko alam.

"Just open up your heart for now Enoch", paalala sakin ni Brynn

Nginitian niya ko at tinapik ang balikat ko saka na siya nagsimulang maglakad palayo hawak-hawak ang tray na pinaglagyan ng pagkain.

I slowly walked towards the garden here in our house and I saw her. Pakiramdam ko ay bumagal yung ikot ng mundo. I should be nervous by now, but then I feel at ease upon seeing her. God....is this love?

"E-Enoch", gulat na sambit niya saka siya napatayo

Tinignan ko lang siya sandali saka ako nag-iwas ng tingin at naupo sa harapan niya. Napatingin ako ulit sa kanya dahil nanatili siyang nakatayo.

Is she waiting for me to tell her to sit down?

"Uhm", mahinang sambit niya saka siya nag-iwas ng tingin at dahan-dahang naupo

Napansin ko ang panginginig ng mga kamay niya at ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

Iyon pa lang, sapat na para makaramdam ako ng kirot sa puso ko. Ganito ba talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao? Na sa simpleng pamumuo lang ng luha sa mga mata niya, nasasaktan ka na ng sobra sobra.

"Tell me....what happened", mahinang sambit ko

Sa loob ng ilang araw matapos naming mag-usap ni Brynn ay ngayon lang ulit ako nagawang magsalita. Hirap pa ko na para bang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at nahihirapan akong magsalita.

"It's a miscarriage. Ang sabi ng doctor, mahina ang kapit ng bata. I was too late to go for a check up", mahinang sabi niya habang nakayuko

Naiyukom ko ang kamao ko.

"Why didn't you tell me?", deretsong tanong ko sa kanya

Gusto kong malaman. Kung bakit niya inilihim sa akin ang isang bagay na ganito.

When I proposed to her, she should have told me that she's carrying my child. But she chose not to. There must be a reason behind it.

At iyon ang gusto kong malaman.

"I was scared", mahinang sambit niya na halos bulong na lang

"Putangina saan? Saan ka natakot? Ang sabi ko ipaglalaban kita. Ang sabi ko mamahalin kita at tatanggapin kita kahit hindi mo na ko mahalin pabalik. Putangina, handa akong talikuran ang sarili ko para sayo. Kaya saang parte ka natakot?!", sigaw ko sa kanya

Tragedy of Love (Completed)Where stories live. Discover now