Chapter 5

402 69 16
                                    

Chapter 5

Punishment

Kinuha ko na ang mga gamit ko at agad na umalis sa Gymnasium. Ako nalang kasi ang natitira sa bleachers na inuupuan namin dahil pumunta ang tatlo sa court para i-congratulate ang players namin. Plano 'din ni Liv na magpa-picture sa gwapong player sa kabilang team.

Nahirapan ako sa paglabas dahil sa dami ng tao. Girls were rushing down to the court para makapag-papicture. When I looked back, Deonell was crowded with girls wanting to have a picture with him. Feel na feel naman ng gago kaya pinaunlakan niya. Tss.

"Oh, Einra?"

Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa'kin. Nang lumingon ako ay si Clyde pala. Nasa labas na kami ng Gymnasium ngayon. Muntik ko nang makalimutan na may pag-uusapan pa pala kami ngayon.

"Hey, Clyde..." I timidly smiled.

He was wiping his sweats using a towel. Napagod ata siya kaka-distribute ng Gatorade para sa players namin. Hirap talaga pag President ng school.

"Tara na sa office?"

I nodded. Nakasunod lang ako sa kaniya. From what I've noticed, matatangkad talaga silang magpipinsan. Except Audy na halos ka-height ko lang. Si Suzy lang naman kasi ang matangkad sa amin. Magkasing-tangkad lang kaming tatlo. Another common denominator of them is their lean body and fair skin complexion.




"Here, sit down..." Clyde gestured something at pinaupo ako sa inupuan ko kaninang umaga na agad ko namang sinunod.

The cold air from the AC somehow lessens my uneasiness. I just hope that whatever his decision may be, sana hindi umabot kay Mom. Nagtataka nga ako kung bakit hindi Guidance Councilor ang kumausap sa'kin pero now's not the time to ask.

Argh! Kasalanan niya pala 'to! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. His apology is still not accepted and will never be accepted!

"Have you enjoyed watching the game?" he grinned kaya gumalaw ang suot niyang eyeglasses.

Umismid ako. "Enjoy? More like, bored. And wait a minute, ba't ba na'tin 'to pinaguusapan? Akala ko ba nandito ako to talk about what happened yesterday sa Cafeteria?"

Ayokong pag-usapan ang nangyari sa Gym! Tss. It's clear na tsamba lang talaga ang nangyari.

Tumawa nalang siya at umiling, hindi makapaniwala sa sagot ko. Hindi pa ba siya sanay sa'kin?

"He nagged the hell out of me pero na-bored ka lang pala."

"Excuse me? Anong binubulong mo?" kumunot ang noo ko. Hindi ko nakuha.

Mabilis siyang umiling at ngumisi, "Wala. Anyway, back to the topic. Maghintay lang muna tayo kay Miss Patriana. Siya ang magd-decide sa parusa."

Parusa? Atsaka si Miss Patriana? Ano naman ang gagawin ng History Teacher namin dito? Magle-lesson tungkol sa school rules at student's handbook?

"Why?" tanong ko para masagot ang mga katanungan sa isip ko.

"Oh! She's the Guidance Counselor."

Nagsimula na akong kabahan. Naman, e! Kahit annoying si Clyde pero mas gugustuhin ko pang siya nalang ang kumausap sa'kin sa halip ng Guidance Counselor.

"Is she menopausal?" tanong ko.

"Huh?" kumunot ang noo niya, "Why are you asking me that question? As if I would now."

I rolled my eyes. "Duh, slow! What I mean is, is she...you know, masungit?"

Humalakhak siya. Luh? Anong nakakatawa doon? Adik.

Somewhere in the Avenue (Velez Cousins Series #1)Where stories live. Discover now