22

1.3K 38 19
                                    

Carson De Los Reyes
Nov. 29, 2019 at 8:31 PM

00:23 min.
(on call)

Gianna: Hello, sorry sa abala.

Carson: Ayos lang.

Gianna: Baka may ginagawa ka. Don't mind me nalang. Para namang kaibigan moko na may obligasyon kang e-comfort.

Carson: How are you feeling today? Have you been crying?

Gianna: Ay, hindi na. Ayokong umiyak habang katawagan ka. Nakakahiya kaya!

Carson: It's not bad to cry. In fact, it makes people stronger. Siguro.

Gianna: Paano ba 'yun?

Carson: Iyak ka lang. Let it out.

Gianna: *fake cries

Carson: Silly.

Gianna: I can't take the pain anymore. Hindi ko alam. Paano ba magising ulit na wala ng nararamdamang sakit? Ang bigat-bigat sa dibdib, Carson. Bakit si Mama pa? Bakit kailangang mangyari pa ang ganito? Bakit sa amin pa?

Carson: *silence

Gianna: I regretted those times where I chose not to return here. Kasi iniisip ko noon na paano ang allowances ko? Dagdag gastos lang pag bumalik ako sa lungsod. Tapos ngayon ko lang na-realize na ayos lang bumalik at magastos ang pera, basta may Mama pa'kong makikita. Sana umuuwi ako noon pa. Ni hindi ko nakasama ng matagal ang Mama. That last time I checked, she was still strong. She was still fighting the cancer. Bakit naman ngayon...

Carson: I'm sorry... I shouldn't have let you talked about what happened. It seems to worsen your situatio—

Gianna: Hindi! Ayos lang. I feel better when I'm letting out my sentiments. Alam mo bang masarap mag-kuwento sa taong hindi mo pa masyadong kilala?

Carson: So I'm still stranger to you.

Gianna: Ano bako sayo?

Carson: Let's not talk about us. Come on, magkuwento ka nalang, umiyak ka nalang.

Gianna: Meron bang US?

Carson: Gianna...

Gianna: Alam mo, kahit na magkakilala lang tayo sa coffee shop, feeling ko close na tayo. Weird, no?

Carson: Not weird at all. Sometimes strangers are easier to talk to.

Gianna: Siguro nga. Pero hindi na kita tinitingnan na stranger. Kaibigan na kita, Carson.

Carson: I'm glad to hear that.

Gianna: Bakit ka ba laging nandiyan para sa akin?

Carson: Because I... I care.

Gianna: Kahit na hindi mo ako kilala ng lubos?

Carson: Kahit na. Everyone needs someone, especially during tough times.

Gianna: Thank you talaga, Carson. Hindi ko alam kung paano ko malalagpasan 'to kung wala kang nakikinig sa akin.

Carson: You're stronger than you think, Gianna.

Gianna: Sana nga. Sana kaya ko.

Carson: You will. Just take it one day at a time.

Gianna: *silence

Carson: Umiiyak ka ba?

Gianna: I-I'm sorry...

Carson: Iyak ka lang.

Gianna: Ang sakit-sakit lang talaga. Putangina.

Carson: Don't curse.

Gianna: Putangina

Carson: Tsk.

Gianna: Ang perfect mo talaga. Di ka nagmumura? May pa-focc at damn ka pa ngang nalalaman. Taray, pati pagmumura, mayamanin din.

Carson: Just don't curse like that.

Gianna: Turn off ka?

Carson: Why would I?

Gianna: Kasi type moko at ayaw mong nagmumura ako kasi turn off sayo yon?

Carson: You're imagining things.

Gianna: I'm really... imagining things na Mama or could come back. I'm really imagining things...

Carson: Death is both universal and final. It happens to everyone and it cannot be fixed, Gianna. Death, as surely as birth, is a part of life. Pero ang sakit parin pala talaga tanggapin.

Gianna: Bakit naman sobrang aga kinuha si Mama ko?

Carson: She needs rest, too, Gianna.

Gianna: I'm sorry...

Carson: Para saan?

Gianna: Inabala kita. You can end the call now. Magpapahinga nalang din ako. Gawin mo na ang mga gagawin mo. Pasensiya ka na talaga, Carson.

Carson: I said it's okay.

Gianna: Sige na...

Carson: Hmm?

Gianna: Patayin mo na ang tawag.

Carson: Bakit hindi ikaw ang gumawa?

Gianna: Ayokong ako yung magbababa ng tawag.

Carson: You did it in our first call.

Gianna: *laughs

Carson: You should rest now, Gianna. Eat properly. Hindi ka papasok bukas?

Gianna: Bukas ako uuwi.

Carson: What about the wake?

Gianna: May aasikasuhin muna ako sa school saka na mag-aabsent ng mga 3 days.

Carson: Okay. Magpahinga ka na.

Gianna: Ikaw rin.

Carson: Take care.

Gianna: Opo.

Carson: *silence

Gianna: Bakit di mo pa binababa?

Carson: Look, I don't know you that well but I'm still worried about you. If I could, I would kiss away your pain. Good night, Gianna.

Gianna: Carso—

*call ended*

Hello, CappuccinoWhere stories live. Discover now