III

2 0 0
                                    


WARNING:

Some scene might trigger some of your repressed experiences.

RARE UNIQUE

"Hija, are you really okay?"

Hindi ko napansin na nakatulala na naman pala ako, nginitian ko na lamang si Atty. Metiam bago ako tumango sa kaniya.

Atty was good enough to look after me, he hired some maids to clean the house and take care of me kahit pa 21 na ako at kayang-kayang alagaan ang sarili ko.

"As I was saying, hija. Your trial will start next week and starting tomorrow we will practice our defense. No need to worry, hija. I've got everything under control, the Arcilla won't lay their hands on you."

I was about to answer when he suddenly hold my hand. Alam kong ginawa niya iyon para sabihin sa akin na hindi ako nag-iisa, pero I can't help it. I flinch at the touch of his skin, pinilit ko itong tanggalin sa akin kahit pa nangangatog na ako.

"No..."

I started to cry, until my cries turned into scream. I couldn't breathe, pilit akong dinadala ng alaala ko sa gabing iyon.

"Hija, what's happening?"

Pilit akong umiiling at gumagapang palayo sa kaniya. No, please don't touch me.

"Wag! Wag niyo akong hahawakan!"

They were pinning me on bed, touching me everywhere. Please, no.

That pair of eyes.

I looked at those eyes, begging.

Until one of them punched me.

________

"Ano po kayang problema ng bata, Doc?" naririnig ko ang boses ni Manang kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, kahit nanlalabo pa ito. Mukhang nasa kwarto na ako, nakatayo si Manang at ang Doctor sa may pinto kaya hindi pa siguro nila napapansin na gising na ako.

"Dahil lang po siguro sa lungkot at trauma ni Unique. Comatose po kasi siya ng limang taon, nahihirapan pa siya mag-adjust but I suggest she visit a Psychiatrist once she's ready, mauna na rin po ako hinihintay na rin po ako sa hospital."

Nanatili lamang akong nakahiga doon at nakatulala sa kisame, hindi ko na alam.

Sana hindi na lang ako nagising, una pa lang.

Siguro, siguro mas ayos 'yon.

"Hija..."

Napatingin ako kay manang na nakaupo na sa tabi ko habang hawak niya ang kamay ko. May luhang tumutulo sa pisngi niya, bakit siya umiiyak?

May nangyari na naman ba?

"Anak, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo. Pero, anak... kapit lang, may plano ang Diyos."

Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya kahit pa nanlalabo na ang mata ko sa luha. Gusto kong umiwas ng tingin, gusto kong mangatwiran sa kaniya. Anong Diyos ang pinagsasabi niya?

May plano nga ba talaga ang Diyos sa akin?

May Diyos ba talaga?

If there is, why did he let these things to happened?

Nakapatay ako ng tatlong inosenteng tao, I was in coma for years and I've lost my life. I'd lost things, I'd lost people and I was raped.

If he have a plan for me, why would he let me suffer?

To test me?

Pwes, hindi ko kaya nang ganitong pagsubok! Hindi ako matatag para hindi bumigay, hindi ako santa para makita lahat ng positibo sa mga bagay!

Grim reaper's taleWhere stories live. Discover now