Chapter 9

52 31 23
                                    


Sabado ng umaga ay nagising ako sa isang ingay na nanggagaling mula sa baba. Malakas na tawanan ang siyang gumising sa natutulog kong diwa.

Kamot ulo akong umupo mula sa kama ko at tinanggal ang kumot na nakabalot sa kalahati ng katawan ko. Sino na naman kaya ang bisita. Nagshower na lang muna ako at nagpalit ng Vneck shirt at short. Magkikita rin kami mamaya nina Andre kasama sila Diana and Alice. Pasukan na kasi sa monday kaya kailangan naming sulitin ang panahon.

Hinayaan ko na lamang ang buhok ko na hindi naiblower.

"Oo. Dapat talaga matagal ko na 'tong sinuplong."

"Nako! Nako! Patay na patay ka kasi sa'kin kaya hindi mo kaya."

"Baka kasi nagayuma lang."

Nasa hagdan pa lamang ako ay nasaksihan ko ang mga kaibigan ni ate sa sala namin. Nakatayo si ate habang hawak ang baso ng juice at tumatawa. Si Ate Liez naman at Kuya Gel ay magkatabi sa upuan habang magkahawak ang kamay. Hindi ko inaasahan na nandito si Kuya Kurt katabi si Ate Yani at Kuya Nate. Nandito rin pala si Kuya Shean, na pinsan ni Kuya Nate.

Mga kaibigan sila ng ate mula highschool kaya naman kilalang kilala ko na sila. Ngayon lang din sila ulit kumpletong nagpunta dito sa amin. Siguro ang iba sa kanila ay busy na sa kani-kanilang mga trabaho.

Napangiti ako dahil nakakaamaze ang squad na meron sila. Sana gano'n din kami nila Alice, hanggang sa magkatrabaho na kami. At syempre, kami rin ni Andre.

"Whoa! Is that you Shanyr?"

Nabaling ang lahat ng atensyon nila nang magsalita si Kuya Gel. Kung magsalita pa naman ito ay parang naka megaphone. Ngayon ko nga lang ulit siya nakita matapos ang ilang taon.

"Yeah. Hello!" bati ko na lang.

Didiretso na sana ako papuntang kusina pero napigilan ako ni Kuya Gel. "Oh sa'n ka pupunta? Umupo ka muna dito."

"Pinapakialaman mo kapatid ni Shehira," masungit na sabi ni Ate Liez.

"Baby naman e. Pati ba bata pagseselosan mo." Hinalikan pa ni Kuya Gel ang likod ng palad ni Ate Liez pero isang malakas na batok ang ganti ni ate sa kaniya kaya nagtawanan sila.

Nailing akong umupo sa tabi ni ate Yanie. Hindi pa rin nagbabago ang dalawang magsyota na'to.

"May lakad ka?" tanong ni ate.

"Ah oo ate. Magkikita kami nila Alice mamaya." sagot ko.

Kaya pala ang ingay, ginawa nila ang bahay para mag reunion. Manong sa ibang desenteng lugar na lang.

"May boyfriend ka na 'no?" tanong ni ate Liez na ngayon ay nakapalupot na ang braso kay Kuya Gel.

"Tingin mo ate? Sa ganda ko pong 'to," pagbibiro ko.

Binagsak ni kuya Gel ang baso sa coffee table. "Gano'n sana sasagot." sabi pa nito.

"Patay na! Naunahan na si Shehira." Pagbibiro ni Kuya Shean.

Nakatawa sila kapag magkakasama. Para silang mga hindi Professionals pag nag-uusap na sila-sila lang. Tumingin ako kay Kuya Kurt na tahimik lang, as usual. Nakamove-on na kaya ito kay ate? Nang maalala ko si ate ay kusang nadako ang mga mata ko kay Kuya Nate.

"Wait nga. Kunin ko lang yung cookies sa kitchen," ani ate.

"Ako na ate." Napatayo ako habang nakataas pa ang kaliwang kamay.

Wala namang nagawa si ate kundi ang tumango. Napangisi ako ng makatalikod ako sa kanila.

Pagkakataon ko na siguro 'to para matuwa sa'kin si Kuya Nate at mabago ang isip niya. Kinulit ko kasi siya pero iling lamang ang binigay nito sa'kin.

Heart takes overWhere stories live. Discover now