Prologue

31 21 22
                                    

Sunny’s POV

Napa pout ako at nakasimangot habang pinapanood si Garret at Ms.Nathalie na nagpra practice.Pina practice kasi nila ang kissing scene nila para sa shooting bukas.Hindi ko maiwasang mag selos habang pinapanood ang boyfriend ko na may kahalikang iba,pero wala naman akong magagawa.Oo,boyfriend ko ang sikat na artistang si Garret Martinez ngunit patago lamang ang relasyon namin.

We’ve been together for three years,but our relationship was still secret.
It was also funny because we are working in one entertainment.With that,we continue to make our relationship stronger.Masaya naman kami at naiintindihan ko din naman siya.Kailangan naming itago ang tungkol sa relasyon namin para rin sa career namin.Trabaho niya ‘yon kaya wala akong dapat ikaselos.Although I am just a producer and not an actress,I am confident that I am the only leading lady on his life.

Nakaramdam ako ng frustration dahil nakikita kong paulit ulit ang pagpra practice nila.Nagkakamali ba si Ms.Nathalie o sadyang pinapaulit ulit.Tss.

Nang makita kong tapos na sila ay lumabas na ako dito sa conference room.Biglang nag vibrate ang phone ko at nag pop- out sa screen ang message na galing sa boyfriend ko.

From:Garret

Let’s meet in our place tonight.

Agad akong nag reply.

To:Garret

Akala ko ba pagkatapos ng shooting ngayon?Why tonight?

Hindi ko mapigilang mainis,may ibibigay pa naman ako sa kanya!

From:Garret

I have to do something important.

Tss.

To:Garret

Well then,see you tonight.Take care,I love you muahhhh!

Hinalikan ko pa ang screen ko at tinignan ang wallpaper ko.Tinitigan ko ang picture namin ni garret,napaka ganda.Napangiti na lamang ako,si Garret ang pinaka magandang regalo na natanggap ko sa buhay ko at hindi ako magsasawang ipaglaban ang relasyon naming dalawa sa mga magulang ko.

Napangiti ako at bumalik sa office ko.Kahit na mamayang gabi pa kami magkikita ay ibibigay ko na ‘to agad sa kanya.Sayang naman ang niluto kong adobo.Gumising pa ako ng maaga kanina para ipagluto siya nito.Paborito niya ito saka sigurado akong hindi pa siya kumakain kaya tamang-tama ito para sa kanya.

Kinuha ko ang adobong manok na niluto ko kanina.Lumabas agad ako ng office para maihabol ko ‘to sa kanya.Baka kasi umalis na sila ng manager niya,kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.Ngiting ngiti ako habang tinatahak ang daan patungo sa office niya.Kung sakali mang may magtanong at may makahalata kung bakit may dala akong adobo para sa kan’ya ay sasabihin ko na lamang na inutusan niya akong bumili sa labas.
Sa tingin ko naman ay maniniwala sila.Palagi ko naman itong ginagawa,palagi ko naman siyang pinagluluto ng mga paborito niya.Napaka supportive na girlfriend ko kaya!Ayokong nagugutom siya noh!

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung maayos ang mukha ko nang nasa tapat na ako ng office niya.Inayos ko ang buhok ko at ngumiti nang buksan ko ang pinto.

Pero….

Nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita kung anong ginagawa ni garret at kung sino ang kasama niya.Nanghina ang mga tuhod ko at nagsimulang mag tubig ang mga mata ko.Naghahalikan lang naman sila ng leading lady niya na si Ms.Nathalie.Pinilit kong pigilin ang mga luhang lumalabas sa mata ko at nagisip ng maayos.Baka….baka nagpra practice lang sila.Tama!Baka nga…pero sa nakikita ko parang hindi e.Mukhang parehas silang sarap na sarap sa ginagawa nila.Mas nabato ako sa kinatatayuan ko nang sinabi ni garret na…

“I love you,Nathalie,”he said while moaning.

HOW!?

How could he do this to me?

Kasabay nang sunod sunod na pagpatak ng luha ko ay ang panginginig ng mga kamay ko kaya nabitawan ko ang dala dala kong adobo.Dahil dun,napatigil sila dahil sa nagawa kong ingay.

Before he could even talk,I left.I run away and left them there,speechless.I heard him called my name but I didn’t bother to look back.I stop for a moment and cry.All I could do is cry…its like I am paralyzed.Paralyzed that I can’t even move my feet.My heart feels stuffed full and I can’t even breathe.What am I gonna do?

I couldn’t think of anything.All I know is I want to get away from here,so I started to run again.I keep running and running while crying until I reach the entrance of this building.I was about to get away but its raining.

Bakit ngayon pa?Bakit ngayon pa umulan?Kumuha agad ako ng payong na nakasabit sa sabitan ng mga payong at ibinukad ito.Hindi ko na pinansin ang security guard na nagtatakang nakatingin sa akin kung bakit ako umiiyak.

Paano ba kasi buksan tong payong na ‘to?

Pagkabukad na pagkabukad ko nang payong ay may narinig akong mga taong nagtitilahan.Papalapit nang papalapit ang tilihan na ‘yon.Nang tuluyan ko nang nabukad ang payong ay may lalaking humapit sa baywang ko at inikot ako patalikod sa daan.Sa sobrang gulat ay napakapit ako sa balikat niya dahil akala ko ay mahuhulog ako sa hagdan.Nakatalikod ako sa daan at mas lalong naglapit ang mga mukha namin nang iusod niya ang payong na naging dahilan kung bakit nahalikan niya ang noo ko.Sa sobrang gulat ay napapikit ako at mas napahigpit ang kapit ko sa balikat niya.

Ano bang nangyayari?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lights! Camera! Two people in loveWhere stories live. Discover now