Pang anim na tula, para sa maling paksa.
Paksang kahit kelan hindi makukuha
Ang paksang hindi kelan maabot
Ng mga kamay na tila nanlalambotAng nag-iisang paksa
Na sa akin ay nagdulot ng luha
Ang paksang minsan sa'kin nagpuno
Ng tila kulang at nawawalang espasyoTula, para sa maling paksa
Na hindi ko alam kung ito ba ay maitatama
Ng pusong parehong winasak ng panahon
Ngunit magkaibang dahilan at pagkakataonPaksa, na nasa maling tula
Di ko mawari kung mababasa mo pa ba
Pero di bale na, wala namang magbabago
Ikaw ay mananatili pa'ring malayoDahil tanggap ko naman
Tanggap ko na wala na 'tong patutunguhan
Kaya dapat tanggapin ko na rin
Na di ka naman magiging akinAng huling tula,
Para sa minamahal kong paksa.
Hindi kailan man magsisisi na ikaw ang laman
Ng mga tulang tuluyan nang iiwan.
![](https://img.wattpad.com/cover/227040227-288-k631953.jpg)