9: SCORPION GANG

1 1 0
                                    

~SOMEONE~





*ZUENERY UNIVERSITY*

"Tol may bagong chix daw sa school natin" one of my gangmates utter

"Anong pangalan?"gangmate 2

"Azkhira ata?" Gangmate 1

"Japanese daw eh" gangmate 3

"Describe her.." I said

"Maputi siya boss, singkit, kulay red ang buhok na hanggang pwetan tapos 5'5 ang height"

"Do you have photo of her?" I asked tumingin naman ito sa phone niya at pinakita sa akin, nakasuot ito ng uniporme namin..


*Evil smile*

It's her..




~AZKHIRA~


Second week palang ng school ay tinapos ko na agad ang projects and assignments ko, ayokong nagrarush kapag malapit na ang due date, kaya nag advance na ako at ipapass ko na rin ito ngayon sa mga professors ko. Buti nalang at wala yung annoying nerd na yun para guluhin ako.

"Hi.. uhm diba ikaw yung kasa kasama ni Edward last week, gusto ko lang sanang tanungin kung bakit siya absent?"

"Sorry I'm not google.." saad ko at nilagpasan siya

"Hmp sungit.." saad nuya kaya humarap ako

"Thank you" sabi at mukhang nainis yata kaya nag walkout. Besides hindi naman ako tanungan ng nawawalang tao.

Naramdaman kong may palapit sa akin, pero sinadya kong hindi umilag..

At tumama nga iyon sa ulo ko, pagtingin ko ay sandals nung babae na three inches and takong, well that hurts..

"Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo" tsk mga linya ng mga gangsters..

As always masyado na naman silang maangas... lumapit pa yung apat na kasama niyang babae habang seryosong nakatingin sa akin.. tsk I don't have time for this..

I just bowed at them showing my apologies at tinalikuran na sila, rinig ko pang sumisigaw yung babae pero hindi ko na siya pinansin..

After I pass all my requirements ay umalis na rin agad ako. Dahil mag gagabi na at kailangan ko pang maglakad ng limang minuto para makapunta sa paradahan ng taxi. I put my earphone on at nagsimula ng maglakad ng bigla may tatlong lalakeng humarang sa harapan ko..

"Sorry but I'm not interested with your games"I don't have time with their jokes or pranks whatsoever. Pero parang di natinag itong mga lalake sa harapan ko kaya binangga ko nalang sila

Napahinto ako ng biglang nagpaputok sa paanan ko.. two snipers sa magkabilaang building- to my left and right. I guess target nila ako. I removed my earphone and face the three guys

"What do you want?" I said as I saw one of the guys tattoo on his neck. Tsk.. mga tauhan ng Scorpion Gang, why are they here?

"We just want to take revenge for killing our Princess of the Scorpion Gang"

"Kung hindi sana siya sumugod ay sana di siya pinatay ni Naki.." I said seriously

"Kitang kita namin kung paano mo pinagsasaksak ang kapatid ng boss namin" sigaw niya..

Dahan dahan kong kinuha ang dalawang maliit na baril sa likuran ko. I need to kill the two sniper first. At alam ko na kung saan sila nakatayo, kanina ko pa nacalculate ang distance, since nagpaputok sila.

Sumugod bigla ang Scorpion Gang, hahakbang pa sana ako nang magpaulan ng bala ang dalawang snipers sa direksyon ko, buti nalang at agad akong nakapagtago sa harap ng kotse.

4...3...2...1...

They're now reloading. kinasa ko agad ang baril at ipinutok ito sa isang sniper and I shot him. Bigla naman akong nagalusan  sa leeg, dam* the other sniper already reloaded. Kaya nagtago muli ako sa isang side ng kotse.

Lumapit na sa akin ang mga tauhan ng Gang ay agad kong pingbabaril ang mga ito. I still have 3 bullets left. Kinuha ko ang mga kunai sa bulsa ko at ibinato ito sa isang lalake.

Nang makahanp ako ng tyempo ay sumilip ako at binaril yung isa pang sniper... Ngayon malaya na akong makipag laban sa kanila.

"Hoy!"

Agad kong kinuha ang mask ko sa bulsa at isinuot iyon saka nag hood. Tatakbo pa sana ako ng bigla akong sugurin ng isa sa tauhan ng Scorpion gang

"Hindi ka makakatakas sa amin" aniya at akmang susuntukin ako pero inunahan ko ito ng sipa I pressed something on my watch and ran..






A/N: DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW😁

BLACK LOTUSWhere stories live. Discover now