Chapter 24 : Let It Be

5.1K 316 1
                                    

MAHAL KA SA AKIN

Sa hindi inaasahang pangyayari lahat ng mag aaral ay ipinauwi sa kanila na tahanan dahil sa coronavirus. Umuwi ako sa amin dala ang iilan kong damit dahil sa pagmamadali ko. Hindi ko na inasahan na magiging malungkot ang huli naming pagkikita ni Charles. Ang totoo ipinagsisihan ko ang nagawa ko na pagtataray kay Charles gusto ko na ibalik ang oras na ikinausap niya ako. Marami akong pinagsisihan kaya ang ginawa ko ay nagchat ako sa kanya.

"Im sorry Charles ang totoo miss na kita agad" ang sinabi ko ni Charles at sumagot naman siya "bakit hindi mo ako kinausap?" sinagot ko siya "wala ako sa mood Charles" nagulat ako ng mabasa ko ang reply niya "alam kong dahilan si Ralph" kaya agad pinakita ko sa kanya ang screenshots ng aming conversations ni Ralph masakit kapag binabalikan ko ang isinabi ni Ralph sa akin sa chat.

"Saan ba ang pinagmamalaki mong si Ralph?" ang sabi ni Charles sa akin kaya sinagot ko siya "pareho lamang kaming nadala sa emotion" ano ang gustong ipalabas ni Charles na siya ay tama at ako ang mali. Kaya sinagot ni Charles ang sinabi ko "nagpapalusot ka Vin halatang pinagtatanggol mo siya" kaya para matapos ang lahat ng aming sagutan ay nagreply ako "kaya ako naiinis sayo dahil sa ugali mo"

Nang dahil sa'yo
Ang puso kong ito
Ay natutong magmahal
Sadya bang ganyan
Sana, pag ibig na nadarama'y
pakaingatan
Huwag paglaruan
Dahil minsan lang umibig
Ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan
Ang puso na sayo'y nagmahal

Ang sakit na nakikinig ako sa kantang mahal ka sa akin naalala ko si Charles nag aalala rin pala siya sa akin. Paano ako makakabawi sa kanya kung hindi ko siya makikita. Wala akong magawa sa bahay dahil sa lockdown na realize ko na tama si Charles ipinagtatanggol ko si Ralph. Hindi ko siya binigyan ng chance para masabi ang kanyang side kaya naglakas loob ako na magchat sa kanya para maayos namin ang lahat.

"Sorry Charles" ang sabi ko sa kanya sumagot siya "ano ba ang kailangan mo?" kaya sinagot ko siya "ang gusto koy huwag ka ng magalit sa akin at magchat na tayo ulit" ang tagal niya magreply sa chat ko at nagulat ako sa tanong niya "mahal mo ba si Ralph? kaya sumagot ako sa kanya" hindi ko siya mahal" kinakabahan ako paano kung sabihin ko na lang kaya na may gusto ako sa kanya. Naghintay ako sa reply pero hindi ako nakatanggap ng chat mula kay Charles.

"Sorry" ipinadala ko ang message ko kay Ralph gamit ang bagong account na aking ginawa may na tanggap ako na chat mula sa kanya "gusto ko ang magsorry sayo kasi nadala lamang ako sa aking emosyon" ang lahat ay maayos na sa aming dalawa ni Ralph kaya ipinabasa ko ni Charles lahat ng chat ni Ralph. Hindi niya ako nireply kahit anong gawin kong chat ay seen lang niya ang message ko ano ba ang nangyayari kay Charles.

Lumipas ang ilang araw na hindi ako pinapansin ni Charles sa chat. Kailan kaya niya ako babalikan sa chat kaya ako na ang unang nagchat ni Charles "iniiwasan mo ba ako?" naiinis ako kasi hindi siya nagreply sa akin kaya hindi na ako nagchat sa kanya. Kahit ano ang gawin kong chat ay hindi pa rin siya nagreply sa akin. Kung ayaw niya ako na maging kaibigan sana ay sinabi ni Charles hindi iyong iwasan niya ako ng walang dahilan.

Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat lahat sa akin
Ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay
Mahal ka sa akin

Ang sakit dahil iniwan na lang ako ni Charles hindi ko alam ang dahilan sa kanyang pag iwan sa akin kaya hindi ako susuko sa laban "magchat ka na Charles please lang" ang aking chat para sa kanya. Hindi maalis sa isipan kong mag alala sa kanya. Kaya anong gagawin ko sa taong ayaw na sa akin. Dapat ko na bang kalimutan siya ang taong minahal ng puso ko? Ang dami kong tanong ni Charles kung bakit ba hindi na siya nagparamdam sa akin.

Kailangan ni Charles ngayon ay space kaya ibibigay ko iyon sa kanya. Pinilit kong kalimutan muna si Charles kaya nagfocus ako sa ibang bagay. Hindi ko nakalimutan si Charles kahit na isang saglit umaasa ako na isang araw muli siyang magchat sa akin. May chat ako mula kay Mike "kumusta Vin?" bakit kaya nagchat si Mike sa akin sumagot ako sa kanya "okay lang" ang bilis ng reply niya sa akin "kumusta kayo ni Charles?" ang tanong ni Mike.

"Okay lang kami" sinabi ko kay Mike ayaw kong malaman niya na hindi pa nagpaparamdam si Charles sa akin at kinagulat ko ang tanong niya "mahal mo ba si Charles?" kaya sinabi ko na ang totoo ni Mike para malaman niya ang nararamdaman ko kay Charles at para hindi na siya magtanong sa akin ulit "mahal ko siya" kaya sumagot si Mike "sabihin mo kay Charles kung ano ang nasa puso mo" may tama si Mike sa sinabi niya sa akin.

Iniisip ko ang lahat ng sinabi ni Mike dapat sabihin ko na kay Charles kaya nagchat ako sa kanya "may dapat ka malaman" hindi niya ako ni replyan kahit seen man lang. Wala ng chance para magchat siya sa akin muli. Kaya bago ko siya tuluyang kalimutan ang plano ay sabihin na sa kanya lahat sa huling pagkakataon kahit masakit ay gagawin ko para ni Charles. Gusto ko ang magsimula ulit ng bagong buhay pero hindi na kasama si Charles.

"Thank you Charles umaasa pa rin ako sa iyong pagbabalik. I love you and I will miss you" ang sinabi ko ni Charles sa chat naiiyak ako pero pilit kong pinipigilan ang aking luha. May pinangako ako ni Charles na hindi ko siya iiwan pero ang lahat ay nagbago kaya panahon na para magsimula ng panibagong buhay. Ang saya ko dahil naging bahagi si Charles ng buhay ko kahit sa maikling panahon.

Mahal Ka Sa Akin  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon