Prologue

51 1 0
                                    

Fire, Water, Air, Earth name it all
All elements she has it all
She was lost in the day when she was born
And only she can save the world

⭐🔥💧❄⚡🌪🔮🌍

*Mageméno Vasíleio (Enchanted Kingdom)*


"Uwahhhhhhh"

"Mahal na Reyna napakagandang babae ang inyong anak"sabi ni Eliza, ang kanilang katiwala, isang fire user

*boogshh*

"Mahal na Reyna at Mahal na Hari, umaataki po ang mga dark mage!!" kawal

Nagulat ang lahat at makikita sa kanilang mga mukha ang takot, hindi takot para sa kanila kundi takot para sa mahal na prinsesa, para sa kanilang makapangyarihang prinsesa

"Tipunin ang lahat na mandirigma at protektahan ang lahat " Haring Azrael

"Mahal ko tumakas kana at dalhin mo ang ating prinsesa, magtungo kayo sa mundo ng mga tao at manatili kayong ligtas " sabi ng hari at gumawa ng portal patungo sa mundo ng mga tao

Lumapit ang hari sa mag-ina at hinagkan ang kanilang mga noo

"Hindi mahal ko tutulong ako dito" umiiyak na sabi ng Reyna Cassandra

"Hindi maaari mahal ko, iligtas mo ang ating prinsesa" sabi ng hari at lumingon kay Eliza "Eliza samahan mo ang iyong Reyna patungo sa mundo ng mga tao at protektahan mo sila"

"Makakaasa po kayo Mahal na Hari" nakayukong sabi ni Eliza at lumakad patungo sa kinaroroonan ng Reyna "Tayo napo Mahal na Reyna at baka maabotan patayo ng mga dark mage"

*Boogshh*

"Sige na mahal ko humayo nakayo" sabi ng hari

"Mag ingat ka Mahal ko babalikan kita" sabi ng Reyna na may luha sa kanyang mga mata at nagtungo sila sa portal

*mundo ng mga tao*

Nakapaskil sa magandang mukha ng mahal na reyna ang pag aalala at takot para sa kanilang lahat, para sa kanyang anak at para sa kanyang asawa

Huminto ang reyna sa kanilang paglalakad at lumingon kay Eliza

"Eliza malaki ang tiwala ko sayo, bantayan mo ang aking anak at protektahan mo ito laban sa mga dark mage, wag na wag mo siyang pababayaan" lumuluhang sabi ng reyna at ibinigay ang bata "Babalik ako sa ating mundo at tutulong ako sa kanila upang mapuksa ang ating mga kalaban. Tulungan mo siyang macontrol ang kaniyang kapangyarihan at mamuhay kayong ligtas"

"Masusunod po mahal na reyna, babalik kami sa tamang panahon. Mag ingat po kayo Mahal na Reyna" nakangiting sabi ni Eliza pero makikita mo sa kanyang mata ang pag alala at takot

Mageméno VasíleioWhere stories live. Discover now