Chapter Twenty-One

4K 135 28
                                    

The Wind the Blows Our Sorrows

Angel

"J-Joke...ba ito?" hindi ko alam kung ano'ng klaseng mukha ang meron ako ngayon. Bitbit ko ang cake na pinagpuyatan kong ginawa para sa birthday ni Gino. Ngunit ang nadatnan ko ay ang nakakandadong bahay nila. Kanina pa ako sumisigaw pero walang sumasagot.

Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone ni Gino pero nakapatay ito.

"Ha, baka namasyal lang sila," pili tang mga ngiti kong bumalik ng bahay.

Araw-araw ako'ng bumisita pero wala nang umuwi sa kanila.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na nakausap nang maigi si Gino. Alam kong sobrang nasaktan siya sa pagkamatay ng mama nila kaya hindi ko siya ginambala. Inisip ko na at least icelebrate man lang namin ang birthday niya pero bigla siyang naglaho.

Wala na ba talaga siya?

Tumakbo ako palabas ng kuwarto. Kinuha ko ang bukas na payong sa harapan ng pintuan. Narinig ko ang pagtawag ni Mama sa akin pero hindi ko na ito sinagot. Dali-dali ako'ng lumabas ng gate at tumakbo.

Halos tangayin ng hangin ang payong ko pero hinigpitan ko ang kapit nito, hanggang sa tuluyan itong bumigay at tinapon ko na lang.

Lumusob ako sa napakalakas na ulan at tumakbo nang tumakbo...hanggang sa makarating ako sa highway. Wala ring sasakyan, kaya wala ako'ng choice kundi takbuhin ang bahay nina Gino.

Sana bukas ang ilaw, sana may umuwi. Sana nando'n na siya. Sana mali lahat ng akala ko. Sana hindi ito totoo. Hindi niya ako iiwan. Kahit gaano kalabo ang nararamdaman ni Gino sa akin ay hindi niya ako iiwan ng walang paalam.

'Di ba, Gino?

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay gano'n pa rin. Walang katao-tao. Napaluhod ako sa sahig. Tuloy-tuloy pala ang pagtakbo ko kanina at ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng paa ko.

Panaginip ba ang lahat? Bakit ang bilis naman? Paggising ko wala ka na?

Magpakita ka naman kahit saglit lang, kahit huwag mo na ako'ng kausapin, I just need to confirm something.

Napahagulgol ako sa iyak kasabay nang paglalakas ng buhos ng ulan. Baka sakaling naririnig niya ako, at kapag nakikita niyang ganito ako kamiserable at babalikan niya ako.

Babalikan niya ako...

"G-Gino..." napasuntok ako sa sahig. Hindi ko kayang tanggapin. Ayoko nang basta iniiwan na lang lalo na at siya ang pinakamamahal ko.

***

Lumipas ang araw...buwan at taon. I never heard anything about him. I carried on a life without him. It was hard from the start but I managed to survive. Pero palaging may kulang. Dahil hanggang ngayon ay wala pa ring sagot sa tanong kung bakit niya ako iniwan.

Binuksan ko ang bintana ko at narinig ko ang mga huni ng ibon, nasilayan ko ang palubog na araw. Kasalukuyan ako'ng nage-empake dahil babalik na ako sa Garrisons bukas.

I don't know what's dragging me down. I don't feel like I want to go back for now. It felt like I was trying to accomplish something that I don't know.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Hindi ako nakasagot noon kay Gino. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. I'm still confused, napakarami ko pa ring tanong sa kanya, but I don't think he'd give me answers sooner or do I even deserve his answers...Wala na kami.

I shouldn't have expected to make it happen, that we will be together again. I guess my heart is slowly giving up. But I don't feel satisfied at all.

Hahayaan ko ba talagang wala ako'ng malalaman ngayong nandito na kaming dalawa? We lost ten years and now that it's becoming clear that I can't have him back...I might at least get some answers....

Way Back To His Heart (Enticed Series 3)Where stories live. Discover now