Chapter 35 (Part 2)

49 9 9
                                    

Maaga akong napapunta sa bahay nila. Naabutan kong nagluluto si Tita, ang Mama niya.

"Naliligo lang siya, dito ka na rin mag-almusal!" bati sa 'kin ni Tita pagkakita niya.

Napangiti na lang ako. "Sige po."

'Di na lang ako tumanggi. Una, 'di pa rin naman ako nakakakain. Pangalawa, kilala ko si Tita, 'pag sinabi kong hindi, pipilitin lang din naman ako n'yan hanggang sa mapapayag ako.

"Sala na lang po muna ako," paalam ko. At sakto paglabas ko ng kusina ay nakasalubong ko si Luna.

Nagkagulatan kami. Nanlaki ang mga mata ko kasi naka-sando lang siya tapos walang... suot sa ilalim. Napatalikod agad ako, narinig ako ang pagtakbo niya palayo. Pakiramdam ko namula ako bigla, at nagwala ang buong kaluluwa ko.

"Dito na lang pala ako," sabi ko at umupo sa upuan hapag-kainan nila.

Narinig kong mahinang natawa si Tita, at pinakalma ko na lang ang sarili ko.

"Aga mo ah?" Napalingon ako kay Luna na naka-shirt na. Nagpanggap na rin ako na walang nangyari.

"Para masulit natin ang mall," sagot ko na lang at ngumiti. "Pero naghanda ng breakfast so makikikain na lang din ako."

She laughed. "Patay gutom."

"Nahiya naman ako sa 'yo," biro ko at napairap na lang siya.

Kumain lang kami nang tahimik. Walang nagsasalita. Hanggang sa nakita ko sa sulok ng mata ko na napatingin siya sa 'kin.

Magkatabi kami ngayon.

'Yung tingin niya na para bang nagtataka. Nagtatanong.

"Stop staring," I said without thinking about it. Kusa na lang lumabas sa bibig ko.

Napaiwas siya ng tingin at mas binilisang kumain. Pagkatapos ay nagpaalam na siya na magbibihis lang.

What were you thinking, Luna?

Natapos na rin akong kumain at nilagay na ang pinagkainan sa lababo.

Pagkababa niya ay umalis na agad kami.

I took her to her favorite places in the mall.

Sa NBS, sa arcade, at nagpatalo pa talaga ako. It was worth it when I get to see her candid laughter again.

Nilibre ko pa siya, once.

"Kamusta pala fam?" she asked while we were on our way to the cinema. Natigilan ako, pero 'di ko pinahalata.

Definitely not ok. "Ayos naman. It's weird that before, pinangarap ko 'yung kahit kaunting affection lang nila, pero ngayong unti-unti na nilang binibigay, 'di ko na alam gagawin." Lies.

"That's good to hear." I didn't want to add any more problems to her.

Knowing her, she'll probably think that I have it worse.

Kesyo araw-araw ko raw nararanasan.

I didn't want that. I didn't want to make her feel like she's being a burden with what I'm going through right now.

We all have own our problems in life. Nothing is less serious than the other. If it hurts you, it hurts you. No need to compare another person's problems with yours.

"Remember back at your birthday?" I suddenly said while we were walking home. I heard her stop at her tracks, at bahagya pa akong nauna sa paglalakad. Tumalikod ako at hinarap siya.

"I said I wanted you to be happy, and that I won't interfere with your feelings. But I can't do that second part anymore." I walked towards her, not knowing where I'm getting the courage to say these.

Tell Me Your StoryWhere stories live. Discover now