Chapter 01

1.7K 50 8
                                    

Author's note: Dedicted to you. Backread po kayo kung di niyo pa nababasa yung Prelude. Ni-revise ko kasi siya.
Previous title: Chimchim Wonderland

Chapter 01: Past is Past, ano ba!

"KYAAAAAH!" Napaangat ang ulo ko mula sa pagkaka-ubob ng tumili yung katabi ko - my bestfriend - habang nakatitig sa screen niya.

"Ano meron?!" Naguguluhan kong tanong. Binaba niya yung phone niya at tinignan ako, nakatulala lang siya. Namumutla. Nanonood ba siya ng p-rn o ano? May sunog ba?! May namatay ba?! May s-x scandal ba yung bias ko na kumalat sa net?! May--

"Si Mark! Yung Bae ko! Kumanta siya! Ba't ngayon ko lang napanood yung Collaboration nila ng B1A4?! Can't you believe it? GOT7 at B1A4?! Blahblahblah" Ayan na naman siya, hay. Wala akong mapapala sa kadaldalan niya. Uub-ob na sana uli ako ng..

"Pfft" Tinaasan ko siya ng kilay. Problema nito? Nakakabanas mukha niya ngayon, sarap hampasin ng dos por dos.

"Sissy, ano yan?" Nandidiri niyang tanong sabay turo sa bandang baba ng mukha ko. Hinawakan ko yung tinuro niya at medyo nanuyo na yun sa gilid ng labi ko.

"Laway" Nakatulala kong sagot. LAWAY?! Agad kong pinunasan yung gilid ng labi ko gamit yung panyo ng isa ko pang katabi. Sa sobrang taranta ko, nakalimutan kong sa bitch of all bitches, Matilda, pala yung panyo.

"Tangina" Dahan-dahan akong lumingon kay Matilda habang hawak-hawak at nakadikit parin sakin yung panyo niya sa gilid ng labi ko.

"H-Hi Matilda--"

"EWW! YOU'RE SO GROSS! DAMO! GROSS!" Nandidiri niyang sabi sakin habang nakataas pa yung dalawang kamay niya. Padabog kong binaba yung panyo niyang mabaho at tinaasan siya ng kilay, mataas pa sa rainbow.

"Excuse me?! Me?! Gross?!" Lahat na i-asar mo sakin wag lang gross. Like, eww. Magkakabatuhan na sana kami ni Matilda ng upuan ng pumagitna samin si Bestfriend, Lyka.

"GUYS?! ANG BABAW NIYO. KALMA OK?" Ini-stretch ni Lyka yung kamay niya para mapaglayo kami ni Lavinia.

Tinignan ako ni Lyka at pinangaralan, "Ikaw kasi, sa dinami dami nang pwedeng kuhanan ng panyo kay Matilda Maldita ka pa kumuha." Sasapakin ko sana yung bestfriend ko ng ibinaling niya yung tingin niya kay Lavinia at nagpipigil ng tawa, nakaha-stretch parin yung kamay niya para mapaghiwalay kami ni Lavinia. "At ikaw naman Matilda should I say Malditang Negrita, kung mag tataray ka, ayus-ayusin mo muna Grammars mo ha? Nakaka-bobo lang eh"

Di ko na gets yung sinabi ni Lyka, magtatanong pa sana ako ng hinila niya ako palabas ng room. Habang naglalakad kami biglang may pumasok sa isip ko.

"Lyka, ano nga uli yung sinabi mo kay Matilda?" Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako, nasa gitna kami ngayon ng mga lockers.

"Yung totoo, may sa bobo ka ba or bingi ka lang?" Binigyan ko siya ng nagtatakang mukha. Ano?

"Gross?! Damo?! Gets mo?" Eh? Isang malakas na batok ang natanggap ko sa kanya. Matapos niya akong batukan bigla kong na-gets yung sinabi niya. Aah. Gross. Damo.

"PFFT. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA" Umupo ako sa sahig habang natawa. At hawak-hawak pa ang tiyan ko. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"Hey"

"HAHAHAHAHA"

Bangtan Sitter [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon