CHAPTER EIGHT

2 0 0
                                    

Hindi ako nakasabay kay Rios at Alera sa pagpasok ngayong umaga. Hindi kasi agad ako nakatulog kahapon at kaninang 4:29 a.m lang ako nakatulog tapos nagising ako ng 7:30 a.m. kaya ang ending ay sakit ng ulo ang nararansan ko ngayon.

Yung nangyari sa reporting kahapon ay maganda naman ang kinalabasan. Mahina lang ang loob ni Marice pero matalino siya. Gamit ko ang oner ko ngayon. Nasa byahe ako nang makita ko si Noko sa tabing kalye. Hindi siya tinigilan ng Jeep Lucban dahil puno na. Kaya ang ginawa ko ay tinigilan ko siya. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata nya.

Xhaiscent!” tawag nya sa akin.

Sakay na ikaw.” Sabi ko.

Okay lang?” tanong nya.

Oo, kaysa naman ma late ka.” Sabi ko.

Agad naman siyang sumakay.

Ang hirap  ng jeep ngayon, buti pinasakay mo ako.” Agad ko naman pinaandar ang oner ko.

Bakit di naman kita pasasakayin kung pwede naman diba?” Sabi ko ng nakangiti.

Napansin ko na may kinuha siya sa bag nya.

May quiz kayo?” tanong ko.

Oo paaano mo nalaman?” tanong nya.

Karamihan sa mga estudyante kung may oras para mag review ay talagang mag rereview, lalo na kung hindi nagawang magbasa kagabi.”

haha. Hindi ko nga nagawa. Kaya mag rereview muna ako.” Napansin ko na inangat nya yung reviewer nya.
Ibang iba si Noko kumpara sa naunang araw na nakasama ko siya.

Nagiging matino din naman pag gusto nyang mag-aral.
Nakarating kami sa SLSU. Sa second gate ako na park ng oner dahil malapit para sa sa kanya ang makapunta sa building ng COE.

Habang naglalakad kami ay hindi na maalis ang tingin nya sa kanyang reviewer. Lalagpas na sana siya kundi ko siya kinuhit.

“bakit?” Sagot nya pero na di pa rin naaalis ang tingin sa binabasa at patuloy pa din sa pag lalakad.

Lagpas ka na.” Sabi ko. Kaya napa angat ang mukha nya ay narinig ko pa siyang nag mura.

Una na ako.” Tapos tinuro ko yung hindi kalayuang building ng CTE.

Sige, Salamat Xhaiscent. Bawi ako sayo mga minsan.” Nakangiti nyang sabi.

Ngumiti din naman ako pabalik at nauna na akong maglakad at nakasalubong ko ang ayaw kong makasalubong.

Hi Xhaiscent! Mukhang ang kasama mo naman ngayon ay si Noko.” Tapos pailing-iling nyang sabi. Kasama nya si Freya at isa pang babae na hindi ko kilala. Nagtataka talaga ako sa kanya. Bakit kaya hindi siya gumaya kay Freya na nanahimik lang.
Nilagpasan ko lang sila.

Hindi pa ako tapos magsalita.” Rinig kong sabi nya. Hindi ako tumigil para lumingon sa kanya.

Mamaya mo na lang ituloy ang sasabihin mo pag nakapag quiz ka na.” Sabi ko. Hindi ba siya napapagod?

Pumasok ako sa building ng CTE at nung nasa 2nd floor ako ay nakasalubong ko sina Alera.

Bakit ngayon ka lang?” Tanong ni Aisha.

Late na ako nakatulog.” Sabi ko.

“ahh kaya late na nagising.” Singit naman ni Zelenia at tinanguan ko na lang.

"My Turn To Cry" (SLSU Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon