Outing and Its Ending

11 3 22
                                    

"Ma, may outing kaming familia sa village nila Charles." pagpapaalam ko kay mama. Nakaupo ito sa dining table habang nagbabasa ng dyaryo.

Summer vacation namin ngayong buwan ng Mayo. Ito ang unang lakad naming magkakaibigan na ginuhit namin ilang taon nang nakalipas at ngayon lang makukulayan.

Familia, ayan ang napangalanan namin sa grupo naming magkakaibigan. Wala lang, nabuo kasi ito nang magka-family problem ang isa sa amin at gumawa ng groupchat sa messenger at doon binuhos lahat ng hinanakit niya. Itinuring na rin namin ang isa't isa bilang pamilya.

"Sino ang mga kasama mo?" tanong nito habang nakatingin pa rin sa dyaryong binabasa nito.

"Sila Charles, Andrea, Kevin, Phillip, James, Kyla po." nanginginig na sagot ko.

Tatlo kaming babae sa grupo at apat silang lalaki na maaari na naming ituring na 'kuya' sa sobrang protective nila.

"Ano namang mangyayare diyan sa outing niyo?" pagtatanong ni mama.

Crossed fingers, praying minds. Ayan lang ang tanging nasa isip ko ngayon, puro 'sana payagan' ang tumatakbo dito.

"S-swimming po." nauutal kong sambit. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko, baka hindi ako payagan, Sis.

"Kaylan iyan?" kunot noong tanong ni mama. Eto na nga ba ang sinasabi ko, baka hindi ako payagan!

"Sa darating na linggo po." yumuko naman ako, hinahanda ang tengang makakasagap nanaman ng masasakit na salita.

"Oh siya sige, siguraduhin niyo lang na may matandang kasama riyan, ha?" pagsang-ayon ni mama na siya namang ikinatalon ng puso ko sa saya.

Agad naman akong tumango-tango sa harapan nito na may ngiti sa labi.

Grabe, ito ang unang beses na maga-outing kaming magkakaibigan na kami-kami lang, bukod sa nanay ni Andrea na siya namang kasundo rin namin.

Kung pa-millenial-an ng nanay, malamang ay panalo na ito!

Patakbo ang pagtungo ko sa kwarto ko. "Umaaaaa-dive!" masayang sigaw ko at saka tumalon sa kama na para itong swimming pool, at ang mga unan naman na tumalbog ang magsisilbing splash ng tubig.

Kinuha ko agad ang cellphone kong iniwan ko sa kama na kanina pa tunog ng tunog.

Opo, ako ang palaging hindi pinapayagan sa mga gala gala na iyan kaya't palaging hindi natutuloy at nananatiling drawing lamang na hindi na nakulayan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Opo, ako ang palaging hindi pinapayagan sa mga gala gala na iyan kaya't palaging hindi natutuloy at nananatiling drawing lamang na hindi na nakulayan.

Agad naman akong mapangiti nang mabasa ang mga mensahe nila, mga hindi makapag-hintay!

Sorry to say, pinayagan ako!

Habang nagrereply sa kanila ay hindi ko maiwasang mapangiti sa mga pinagsasasabi ko, sana bukas na agad ang outing!

Habang nagrereply sa kanila ay hindi ko maiwasang mapangiti sa mga pinagsasasabi ko, sana bukas na agad ang outing!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forgive And Forget Is Not Always A Wise Choice [One-Shot]Where stories live. Discover now