Chapter 1(SPG)

3.4K 38 0
                                    

Third Person

Puyat at pagod.

Yan ang nararamdaman ni Faith ngayon dahil sobrang hectic ang schedule niya ngayong linggo. Marami siyang photoshoots ngayon para sa ilang fashion brands at sa beauty essentials ng isang kilalang kumpanya and that company is manage by her oh so handsome boyfriend Darc Cielo Rowley.

Malaki ang pasasalamat niyang nakilala niya ang boyfriend niya dahil ito ang naging daan para sumikat siya. She met Darc in a simple fashion show at saktong naghahanap din ang lalaki ng magiging model para sa kumpanya nito kaya hindi siya nagdalawang isip na lapitan ang lalaki at makipagkilala. Alam niyang sikat ang lalaki dahil isa ito sa mga gwapong bachelors ng bansa at ginawa niya itong daan para sumikat din siya.

She make friends with him, nakisakay sa mga trip ng lalaki kahit ayaw niya at pinaibig niya ito sa kanya. Madaling nahulog ang lalaki sa kanya at hindi nagtagal ay naging sila dahilan para mas lalo siyang sumikat at sumisikat hanggang ngayon.

She even accepted his marriage proposal at fiancee niya na ito ngayon. Hindi niya mahal at minahal si Darc pero para sa pangarap niya ay gagawin niya ang lahat matupad lang ito. Gagawin niya ang lahat para hindi sila maghiwalay ni Darc except for one thing. Hindi niya kayang magpagalaw kay Darc ni halikan siya sa labi ay hindi niya maatim. Gwapo si Darc oo, gusto niya ito oo pero hindi niya kayang halikan siya ng lalaki dahil alam niya ang kapasidad nito bilang isang lalaki. Alam niya ang magiging kahihinatnan kung sakaling bibigay siya at ayaw niyang mangyari yon. Ayaw niyang ang lalaki din ang maging dahilan ng pagbagsak niya.

Lately naman ay pakiramdam niya ay lumalayo sa kanya ang lalaki thats why gumagawa siya ng paraan para hindi ito tuluyang manlamig sa kanya. Hindi pwede lalo pa at malapit na niyang makuha ang kontrata para sa international modeling agency na lilipatan niya.

She called him the next day and she's glad na sinagot naman ito ng lalaki.

"Hi hon, are you free today? Gusto ko sanang maglunch out tayo." She sweetly asked na mukhang epektibo sa lalaki

"I'm free this lunch time hon. Nasaan ka ba ngayon? Sa condo mo? Susunduin nalang kita jan kung gusto mo." He said at napangisi naman siya

"Yes but ako nalang ang pupunta jan. Malapit lang naman yung restaurant na kakainan natin." Sagot naman nito sa binata.

"Sige ikaw ang bahala. Tumawag ka nalang sa akin mamaya kapag nandito ka na sa opisina okay?"

"Okay! Bye hon love you!" labas sa ilong na sambit niya at hindi na hinintay ang binatang sumagot dahil pinutol niya agad ito.

The lunch time arrived at agad na siyang nag-ayos at nagpunta sa kumpanya ng binata. Dahil kilala na siya ng halos lahat na empleyado ni Darc ay agad siyang binati na makita siya nito.

"Good morning Ma'am Faith, ang ganda ganda niyo po talaga. Dadalawin niyo po ba si Sir?" Tanong ng isang front desk officer na lumapit sa kanya.

"Ah Thank you. We're having lunch today thats why nandito ako. Is he on his office?" She asked at nginitian ng plastic ang babae.

"Yes ma'am, gusto niyo po bang tawagan ko ang secretary niya at sabihing nandito kayo?"

"Ah naku hindi na, ako nalang ang tatawag sa kanya. Salamat."

"Sige po maam. Balik na po ako sa pwesto ko." Anito at pagkatalikod naman ng babae ay naparolyo nalang siya ng mata.

Feeling Close kasi masyado sa kanya ang babae.

Tinawagan naman niya agad ang lalaki at sinabing nakarating na siya sa kumpanya at naghihintay sa lobby.

Sinagot naman siya ng lalaki at pababa narin daw ito.

One Hot Night to Forever (The Unexpected Love)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon