Chapter 6

180 7 9
                                    


PAGPASOK ng sasakyan nito sa kanilang malawak na garahe, ay napansin na kaagad niya na mayroon doong naka-park na sasakyan na hindi pamilyar sa kanya.

May iba pa bang bisita ang mga ito?

Bumaba siya sa sasakyan at dire-diretso siyang pumasok sa kanilang mansion. Doon nasagot ang kanyang katanungan.

"Oh, there she is." Nakangiting bumati sa kanya ang isang ginang na sa tantiya niya ay nasa late fourty's.

Nagulat siya ng tumayo ito at hinalikan siya sa kanyang pisngi. "You look just like your Mom, so pretty." Nakangiti nitong sabi.

Ngumiti siya dito pagkabanggit nito sa Mama niya. "Ahm.. y-yeah, hi."  She'd never seen these two before.

"Where is Tristan, hija?" Ang kanyang Papa ang nagtanong.

Nilingon niya ito. Mukhang masayang masaya ito ngayon. It shows on his eyes. Who are these people?

"There he is." Sabi ng katabi ng ginang na bumati sa kanya.

Nilingon niya si Tristan na kapapasok pa lamang. Lumapit ito sa ginang at kinintalan nito iyon ng halik sa pisngi.

Bakit siya ay walang kiss kanina?

Hindi ba't mayroon naman? Saglit nga lang. Sabi ng isang tinig sa isip niya.

Kaagad niyang sinaway ang walanghiyang isip niya.

"Hi Ma," sumunod itong lumapit sa katabing lalaki at bahagyang yumakap dito. "Pa."

Ohh, his parents.

Pagkatapos ay saka ito lumapit sa kanyang ama at hinawakan ito sa may bandang balikat.

"It's nice to see you again, Tito." Nakangiting bati ni Tristan sa Papa niya.

"The pleasure is mine, Hijo. Thank you for driving my daughter home."

So meet and greet with the family, pala ito.

"And you better start calling me, Papa." Sabay tawa ng mga ito.

She's maybe the only one who's not enjoying this.

"Yes, Pa. Of course." Nakangiti nitong sagot. Sumulyap ito sa direksiyon niya.

What are you looking at, monkey? She rolled her eyes at him.

"Thank you son, I hope hindi mo binigyan ng sakit ng ulo ang fiancee mo." Nakangiting sabi ng ginang habang sa kanya nakatingin.

Gumanti siya ng ngiti dito. Kailangang sumipsip sa biyenan.

"I think we can now serve the dinner, at nang mapag-usapan narin natin ang kasal ng dalawa."

Mukhang handang-handa na talaga ang Papa niya na ipamigay siya.

Parang gusto niya tuloy sirain ang gabi nito...

"Please excuse me." Tumalikod na siya at dumiretso sa kanyang silid.

Hinubad niya ang soot na jacket, ganoon narin ang kanyang T-shirt at pants. Itinira lamang niya ang dalawang piraso sa kanyang katawan saka siya padapa na bumagsak sa malambot niyang kama.

Ah, heaven...

Pagod siya mula sa biyahe kaya kailangan niyang magpahinga.

Inabot niya ang headphone saka iyon ipinuwesto sa magkabila niyang tenga. Pumili siya ng magandang musika na pampatulog at saka niya ipinikit ang kanyang mga mata.

Kiss of a Stranger (Stranger Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon