EPISODE 19

11 3 0
                                    

"ANG PAGTUKLAS NG LIHIM NI MARIFE"

ANG NAKARAAN,

Tinulungan ni Marife si Atty Almie upang makatakas sa mga tauhan ni Argelie.
Habang si Aling Coring naman ay nagulat sa kanyang nasaksihan kay Marife.

ANG KARUGTUNG,

Habang masayang nagkukwentuhan sina Marife, Mia at Marlyn kasama si Aling Coring ay biglang natahimik si Marife.

"Oh? Bat ka natahimik dyan? May nasabi ba akong masama bunso?" Tanong ni Marlyn.

Hindi sumagot si Marife bagkus ay tinitigan nya si Mia. At kitang-kita naman ni Mia ang pagbabago ng kulay sa kanang mata ni Marife.

"Anong nangyayari Marife? Napano ka?" Pagaalalang tanong ni Mia. Na agad naman nilang nilapitan.

"Marife?" Sambit ni Aling Coring.

Huminga ng malalim si Marife bago nagsalita.

"Nasa panganib si Ruel, malakas ang pakiramdam ko na nasa loob ng emerald castle ang salarin na pumatay sainyong ama!" Sabi ni Marife na ngayon ay may halong boses ng isang babae.

"Marife? Anong pinagsasabi mo?" Sabi ni Mia sabay hawak sa mga braso nito.

"Sofia? Anong nangyayari?" Sabi ni Marife na ngayon ay nagbalik sa kanyang orihinal na boses.

"Naguguluhan ako? Si-sinong Sofia? Anong ibig sabihin ng nasa panganib si Ruel?" Tanong ni Aling Coring.

"Mga ate at Aling Coring, si Sofia ay..."Magpapaliwanag na Sana si Marife nang biglang ang kaliwang mata ni Marife ay naging Kulay berde na rin. Kasabay ng pagiging kulay berde ng mga mata ni Marife ay nagbago na din ang boses ni Marife.

"Ako ang hinahanap ng mga taga MIB. Ako ang Spear of Wishes. Ako ang ispiritu ng Spear." Panimula ni Sofia.

"So totoo nga ang Spear?" Tanong ni Mia.

"Totoo ako, hayaan nyong isalaysay ko sainyo Ang lahat." Sabi ni Sofia at Pinaliwanag nya Ang lahat sa magkakapatid.

THROWBACK>>>

Taong 1990,

"Mukhang minamalas ata ako ngayon. Ilang kompanya na ang inapplyan ko hindi ako natatanggap! Kainis naman! Kamusta na kaya mga anak ko!" Sabi ni Ignacio habang nakaupo sa isang Parke nang biglang may kumapit na matanda sakanya at humingi ng makakain.

"Ijo may pagkain kaba dyan? Tatlong araw na kasi akong nagugutom." Sabi ng matandang babae.

Emerald CastleWhere stories live. Discover now