Sa loob ng kung anong bagay, naglalagablab ang tila impyernong apoy, maraming tao ang nakahandusay. Sa aking pagmamasid, katawan ko pala'y wala na ring buhay. Kasabay ng pagdaloy ng dugo ng nakararami ay ang pagsabog ng kwadradong bagay kung saan kami nananatili.
Habol ang hininga habang pinagmamasdan ko ang buong aligid, humahalo ang dugo at pawis sa aking katawan, aking mga mata'y kanina pa luhaan, hindi mawari kung ako ba ay nasaan.
Ngunit sa paglakas ng tunog ng isang bagay, ako'y tila nagkaroon ng pag-asa. Isang bagay na nakapagpamulat sa aking mata at nakapagpabuhay sa aking natutulog na diwa.
Napabalikwas ako ng bangon, habol ang hininga at tumatagaktak ang pawis dahil sa isang panaginip.
Napapatulala habang nakahawak sa dibdib at walang humpay sa pagluha.
Ito na ba ang katapusan ko?
-❤
Wake Me Up, My Boy by Queen_Maeji
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved.
![](https://img.wattpad.com/cover/227523644-288-k878774.jpg)
YOU ARE READING
Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)
FantasyDreams are not meant to happen in reality. Iniisip ng iba na kabaliktaran ito ng mangyayari sa hinaharap. May iba ring nagsasabi na isa itong pangitain na may hindi magandang mangyayari sa hinaharap tulad na lang ng kamatayan. Ngunit pano kung...