Dream 9

22 6 0
                                    

Ang creepy nung nangyari kanina! Katakot much, hindi na ko babalik sa lugar na yon, baka gawin pa akong asawa ng multo don, mukhang may gusto pa naman sakin.

But thanks to that multo, hindi ako bumagsak sa mga basag na bote, kung hindi yung pwet ko ngayon ang basag.

Ang sweet naman ng multo na yun? Sanaol, nasan na kaya si Mr. Grim?
Natatawa ako sa ginawa kong takbo kanina, para akong nakikipagkarera sa stampede of bulls. Hahaha.

                      Flashback

Habang nagsitakbuhan ang mga tao palabas ay nakisabay na rin ako with matching sigaw pa. Para akong baliw na tumutugtog ng drum sa kalye.

Ang gulo ng buhok, gusot na damit, naiwan ang mga gamit sa loob ng bar, parang baliw na sumisigaw, parang kabayo kong tumakbo, dinaig ko pa si Petrang Kabayo. Hahaha.

"Waaaaaaaaaah! May gusto sakin yung multooooo!" sigaw ko pa habang tumatakbo, napatigil naman ang ilan sa pag takbo at parang naiinis na tiningnan ako. Hala! Anong problema nila? May gusto naman talaga sakin yung multo eh.

Ang judgemental nilang tumingin ah! Tinitingnan nila ako mula ulo hanggang paa saka titingnan ng diretso ang mukha ko at matatawa ng konti. Grabe! Ang judgemental nila. Ang ganda ko kaya, kung makatingin sila dyan.

Bumalik nalang ulit ako sa loob saka kinuha ang mga gamit ko at umuwi na.

                End of Flashback

Ang epic nun. Ikasisira yun ng reputasyon ko. Pano nalang kung nakita ako ni Mr. Grim kanina? Lalo yung matuturn off sakin!

Matapos ang pangyayaring yun ay dumeretso na ko sa bahay, baka pumunta pa si Mr. Grim sa restaurant stress na stress pa naman mukha ko ngayon. Sana bukas sumabay ulit sya sakin.

Pesteng Katlaine yon! Bigla bigla nalang nangaaway. Alam naman nyang walanakong gusto dun sa lawyer nya. Yuck! Over my dead super duper gorgeous body.

Mas bet ko nga si Mr. Grim at yun si Kuya Ron. Speaking of Kuya Ron, sana bumisita sya sa restaurant namin, nakakahiya sa kanya, kala ko naman kase late na ako, pinaprank lang pala ako ni Senior. Ang tagal naman ata ni Mama ngayon?

Sayang! Hindi ko masusulyapan sa ngayon si Mr. Grim, pero seryoso, parang nasa horror film ako kanina, paano kaya talaga nangyari yun? Naalala ko yung pinanood kong koryan drama, yung babae dun natapilok din tapos parang lumutang sya. Ah! Goblin nga pala yun. Mas bet ko si Mr. Grim Reaper dun haha.

Maya maya pa ay dumating na nga si Mama, syempre ang echuserang lola nyo, lumabas kaagad para makakalap ng balita haha.

"Good evening Ma!" nakangiting bungad ko kay Mama, habang magkahawak ang mga kamay ko. Isipin nyo yung parang batang manghihingi ng lollipop haha.

"Oh! Himala ata, di ka pumunta sa restaurant ngayon?" nagtatakang tanong ni Mama. "Huwag kang mag alala, hindi rin pumunta si Grim," nakuha ni mama ang ibig kong sabihin haha, very good my dear mother!

"Sorry Ma ah! Hindi ako nakapunta, kasi naman eh!" natatawa naman akong pinagmasdan ni Mama, para na kase akong batang naglulupasay na inagawan ng lollipop hahaha.

"Ano nanaman?" tanong ni Mama habang hinahanda yung kakainin nya, remember I don't eat dinner, para iwas bangungot later.

Naupo na rin ako saka nagsimulang magkwento habang kumakain sya. Muntik pa ngang mabilaukan sa kakatawa. Iba talaga tong Nanay ko, nasa bingit na ko ng kamatayan kanina, pag tatawanan pa ako.

"Alam mo, Chel, palitan mo na yung sinisinghot mong katol, nasobrahan ka na ata," natatawa talagang sabi ni Mama sakin habang nakaduro pa sa mukha ko, bumusangot naman ako lalo. "Ano kamo? May gusto sayo yung multo? Tigil tigilan mo ko, palitan mo na ang brand ng katol mo, mag baygon ka naman hahaha," nahahawa na ako sa tawa nya eh, si Mama talaga.

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Where stories live. Discover now