2 : The Serendipity

29.3K 751 29
                                    


🎶Na nanggagaling sa aming dalawa?

-----

Marian

" Huwag ngayon Sid, pagod ako" Hawak hawak ko na iyung bag ko at uuwi na sana ako ng makita ko si Isidro na naghihintay sa akin sa labas. Naabutan ko pa siyang pinapaalis nung guard pero nagpupumilit siya.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumigil at nilapitan ako.

Inilahad niya sa akin iyung bouquet ng bulaklak na hawak niya na tinanggap ko. Binili niya ito at alam kong mahal ang ganitong bulaklak.

" Salamat. Sana huwag ka ng bumili ng ganito. Nasasayang lang iyung pera mo" Pakuway sabi ko sa kaniya. He is an engineer. Nakilala ko siya dahil palagi din siya sa karindirya ni Aling Nena. Dun kase ako palaging kumakain nung studyante pa ako. Halos tatlong taon na din siyang nanliligaw sa akin pero hindi ko siya sinagot.

Maslalo akong napabuntong hinga ng makita ko ang pagod sa kaniyang mukha.

" Dapat kase umuwi ka na lang, Sid." I told him.

" Gusto kitang makita" He explained.

" Ako na maghahawak ng bag mo, Aria" Pagboboluntaryo pa niya. Pero umayaw ako. Ayoko namang siya ang maghahawak ng bag ko e pareho kaming pagod. Alas otso na ng umaga at wala pa akong tulog. Mukhang ganon din siya dahil sa tingin ko'y kagagaling lang niya sa trabaho.

" Kamusta pala ang trabaho?" Tanong niya habang kasalukuyan parin akong naghihintay ng jeep na masasakyan.

" Nakakapagod pero okay lang Sid. Normal lang naman siguro iyung pagod" Baling ko sa kaniya.

Minsan naiisip ko na kapag mahirap ka, iyung pagod na nararamdaman mo ay may kasamang lungkot. Iyun kase ang nararamdaman ko. Wala na kase akong pamilya. Wala na si mama na kaisaisa kong pamilya.

Ni hindi ko nga alam kung ano ang layunin ko sa mundo. Trabaho, puro nalang trabaho ang ginagawa ko. Iyung pakiramdam na parang mag-isa ko na lang sa mundo. Wala akong ibang pamilyang kinikilala bukod sa sarili ko. I don't have much friends. Dahil narin siguro palagi akong pinapaalis sa boarding house na tinutuluyan ko noon. Palipat lipat din ako ng tirahan. Nung estudayente din ako wala naman akong masyadong nagiging kaibigan. Hindi ko kase masabayan ang mga ginagawa nila. Karamihan ng mga nagiging kaklase ko ay mayayaman. May mga katulad ko din naman na mahihirap pero ni isa ay walang may gustong makipagkaibigan sa akin. Madalas ay sumasama sila sa may kaya sa buhay. Palagi silang kumakain sa mga mamahaling kainina, mga fast food chains. And I don't have that much of money.

Halos maipikit ko na ang aking mga mata ng makasakay ako ng jeep. Pag-uwi ko maliligo ako bago matulog.

Si Isidro ay masugid kong manliligaw. Maraming beses ko ng binasted pero hindi parin tumitigil. Minsan din ay naaawa ako sa kaniya. Ano ba kaseng gusto niya sa akin? May iba naman diyan na masmaayos ang kalagayan. Hindi iyung katulad ko na wala namang kaplano plano sa buhay. If death will take me with him then I'd gladly go.

Bumaba ako ng jeep at ganon din siya.

Nakapamulsa ito at mukhang may gustong sabihin sa akin.

" Uhm Aria, kung okay ka lang sana sa 'yo. Puwede bang ayain kita bukas? Kain lang tayo sa labas" He asked. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

" Sid, may trabaho pa kase ako bukas eh. Baka magovertime ulit ako. Pasensha na" I told him. Lungkot agad ang nakita ko sa mga mata niya. I hated to see him like this. Ikaw ba naman kase ang manligaw ng tatlong taon tapos wala parin.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon