Chapter 11

145 7 0
                                    





"Then, what's the point of hearing my side Kendrick?" sagot ko at tumulo na naman ang luha ko. Agad ko itong pinahiran. No. Hinding hindi ako iiyak. "Hindi mo rin naman ako papaniwalaan" mahinahon kong sabi

"Anong kinuwento niya sayo? Na ako ang nauna? Na sinaktan ko siya? Na muntik ko siyang lumpuin? Go paniwalaan mo." sigaw ko sa kanya dahil hindi ko mapigilang magalit sa kanya dahil sa pagkampi niya sa babaeng yan.

Agad tumayo si Kendrick para lapitan ako. I raised my hand to stop him from walking towards me, ayaw ko siyang lumapit sa akin.

"Wag kang lumapit." pagbabanta ko.

"Damn!" mura niya at ginulo ang kanyang buhok. He look frustrated. Tiningnan ko siya at diretso ang titig niya sa braso kong may bandage. Agad kong tinakpan ang braso ko.

"What happened to your arm?" nag aalala niyang tanong.

"Maglilinis naba ako nang Cr? Ano? Sabihin mona agad ang parusa ko" sabi ko at inignora ang tanong niya.

"I said. What happened to your arm?" he demand.

Tahimik ako at diko siya sinagot. I heard him cussing.

"Damn baby! I'm sorry" malambing niyang sabi at hahawakan sana ang kamay ko.

Agad kong iniwas ang kamay ko at tumayo.

"Is that all? Kasi uuwi na ako" malamig kong sabi.

"Lumabas kayong lahat!" Malakas niyang sabi. Guminhawa naman ang pakiramdam ko. Tumayo na sana ako para lumabas.

"Lumabas kayong lahat maliban sayo Marrieanna." maawtoridad niyang sabi.

Agad naman lumabas ang kaibigan niya at pati narin si Vien. Aalma sana ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko.

"Lalabas din ba ako Ken?" malanding tanong ni Kate.

"Did i told you to stay?" galit na baling ni Kendrick sa kanya.

Sinundan ko nang tingin si Kate hanggang makalabas. Ano ka ngayon girl? Iyak ka? Kasi pinaalis ka?.

Nang tuluyan na siyang makalabas at kami nalang ni Kendrick ang natitira ay doon na nag sink in sa akin ang lahat. Na andito ako sa isang room kasama si Kendrick at kami lang dalawa.

"Let go of my hands" galit kong sabi at hinila ko ang kamay kong hinahawakan niya.

Agad naman niya iyong binitiwan. Pumunta ako sa pintuan at sinubukan ko iyong buksan, kaso naka lock ata.

"Open the door!" sigaw ko sa kanya.

Agad siyang nagpailing iling at lumapit siya sa akin.

"No!...Hindi tayo lalabas dito hanggang hindi tayo nag uusap" he said.

"I want to go out Kendrick. Hindi moba iyon maintindihan?"

"Palalabasin kita mamaya, but please let's talk first baby" nagmamakaawa niyang sabi.

Agad akong nagpapadyak pabalik sa inuupuan ko kanina. Umupo ako at tiningala siya na nakatayo sa harapan ko at mukhang hopeless.

"Ano bang pag uusapan natin? Sabihin mona kasi uuwi na ako" tiningnan ko siya sa mata.

"Ano ba ang nangyare?" tanong niya.

Gusto kong tumawa sa tinanong niya.

"Kung ano ang nalalaman mo Kendrick yun na yun. I will never explain my side if that's what you ask" sagot ko sa kanya.

Blown to Forever (Montereal Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon