Chapter 17- Orchids

433 25 2
                                    

Sky Andromeda

After naming mag-usap kagabi ay napagdesisyonan naming magkita ngayon.

At heto nga po ako, aligaga at di malaman kung anong isusuot.

Nagkalat na ang damit ko pero wala pa rin akong mapili!

Sa huli ay napili ko ang isang white off shoulder top na pinaresan ko ng black skinny jeans at white sneakers.

Okay na siguro to diba?

Papasa naman kung pupunta kami sa mall or sa kung saan man, diba?

Maya-maya pa ay nag ring ang cellphone ko.

From: Sejun

Ten minutes nalang nasa bahay nyo na ako

Sh!t kailangan kong bilisan!

To: Sejun

Sige, bihis nanaman ako

Myghad nakapagsinungaling pa nga daw.

Agad kong sinuot ang damit ko bago ako humarap sa vanity table ko. 5 minutes to go...

I just put lip tint on my lips at tsaka ako nagpulbo. Okay na to!

Sinuklay ko lang rin ang buhok ko. Saktong pagkatapos kong magsuklay ay kumatok ang isang maid sa pintuan ko.

"Ma'am may bisita po kayo" Dinig kong sabi nito. "Sige, pakisabi nalang na bababa nako" Agad kong kinuha ang sling bag ko. Nilagay ko dito ang cellphone, wallet, liptint at pulbo ko.

Ready to go nako!

Pagbaba ko ay nakita ko si Sejun na nakaupo sa couch. Parang napakaseryoso sa cellphone.

Napakagwapo nito sa suot na white t-shirt, black pants at white sneakers.

Ansimple lang pero anlakas ng dating.

"Hi. Sorry kung nag-intay ka pa" Nginitian lang nya ako. Hindi ko alam pero may kakaiba sa ngiti nya. Yung para bang may nakakatawa.

Nahalata naman ata nya ang pagkaconfused ko.

"Para tayong nag-usap ng susuotin ah" Pagkasabi nya non ay tumingin ako sa sarili ko bago ako muling tumingin sa kanya.

Napatawa nalang din ako. From white coloured tops, black jeans and white sneakers. Parehong-pareho nga kami!





Bago nya ako hayaang pumasok sa kotse at may kinuha muna sya sa may shotgun seat.


"For a beautiful lady like you" Nambobola nitong sabi sabay abot sakin ng tatlong stem na orchids. Isang puti, pink at violet.

Napakaganda...


"Bakit sa lahat ng bulaklak ay Ito ang naisipan mo?" Curious ko lang na tanong. Tumingin muna sya ng diretso sa mga mata ko bago nagsalita.

" Why orhids? Hmm, because just like an orchid, you're delicate, beautiful and precious. It made me think of you" Habang sinasabi nya iyon ay hindi sya bumibitiw sa aming titig.



Sh!t naman oh Sejun. Hulog nako sayo, plano mo pa bang mas mahulog ako sayo?



Wanting Sejun |FINWhere stories live. Discover now