Chapter 7

148 2 0
                                    

~Don't Come~

Inilibot ko ang paningin ko rito sa meeting room. Malaki pala ito. Akala ko maliit lang. May. Pa-oval na shape na table dito at may mga swivel chair. At kada swivel chair ay may katapat na microphone sa table.

So dito nagmemeeting ang board of members. Naghila ako ng isang swivel chair at umupo ako roon. Tapos binuksan ko yung journal at kinuha ko yung pen ko. Aayusin ko na yung flow ng magiging set-up for next week. Basically magsisimula ako sa labas ng kompanya. Syemre ipapakita ko muna kung ano ang itsura ng kompanya mula sa labas.

Then saka na tayo magpoproceed sa ground floor. Sa loob. I bet hindi ito matatapos ng isang araw lang. Kaya siguro one week ang ibinigay sa amin ni President para rito dahil alam niyang malaking kompanya ang ifefeature namin.

Nilagay ko na rin ang mga uunahin kong ifeature sa first floor.

"What are you doing?" natigil ako sa pagsulat at napaangat ng tingin nang may magsalita. Ngumiti naman ako nang makita ko siya.

"Inaayos ko lang yung magiging flow ko next week. Para hindi na rin ako malito" sagot ko sa tanong niya. Lumapit siya sa akin at tiningnan yung sinusulat ko.

"Ayusin mo ang pagfeature sa kompanya ko" natawa ako sa sinabi niya. Alam ko rin namang pabiro lang ang pagkakasabi niya nun.

"Oo naman. Atsaka deserve naman ng kompanyang ito na mafeature" nakangiti kong sabi.

Tumingin ako sa kanya at unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita ko kung gaano siya katitig sa akin. Naconscious tuloy ako.

"M-may mali ba sa mukha ko?" umiling siya atsaka nag-iwas ng tingin.

"Last week mo na next week dito right?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Yup"

"After that ano ng gagawin mo?"

Napatingin ako sa kanya dahil hindi ko naman expect na magiging interesado siya sa trabaho ko.

"Actually may ibinigay na sa amin si President na sunod naming ififeature" napatingin siya sa akin.

"Really?" tumango ako.

"Pupunta akong Palawan after this one" kumunot ang noo niya.

"Palawan? That's too far" komento niya.

"Kasi May na nga next month at alam mo naman mainit. Ang theme ng iFeature for next month ay summer vacation or summer places. Eh maraming magagandang beach sa Palawan kaya doon ako na-aasign"

Si Sarah naman ay sa Palawan din actually. Mabuti na lang talaga at magkasama na naman kami roon. Kahit na malayo, atleast may kasama ako.

"May kasama ka ba niyan?"

"Yes meron, si Sarah Gomez. Yung friend ko"

"Oh. She's also a reporter right?" i nodded.

Ipinagpatuloy ko yung ginagawa ko. Si Zayne naman ay lumabas na. Ewan ko kung saan pupunta. Akala ko hindi na siya babalik pero nakita kong muling bumukas yung pinto at iniluwa siya nun. May dala siyang laptop at ibang papeles. Suot-suot niya rin ang kanyang reading glasses. He really looks so professional kapag suot niya yun.

Inilipag niya yung laptop sa tabi ko at umupo rin siya sa swivel chair na nasa tabi ko.

"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya.

"Work" casual na sabi niya.

"Eh bakit dito? Bakit hindi sa opisina mo para komportable ka?" dagdag tanong ko.

Featuring LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon