Prologue

43 4 0
                                    

Simula pagkabata kinamulatan ko na ang pagiging mag-isa, walang magulang na naggagabay sakin, lumaki sa bahay ampunan, sa katunayan nga maaga akong naging independent, napag-aralan ko na ang mahalagang mga bagay na di pa dapat ginagawa ng isang musmos na bata. Wala eh, eto tayo maagang inabandona.

Kahit kailan di ko natatanong kung sinong mga magulang ko, bakit nila ako iniwan, dahil alam kong may dahilan sila.

Habang naglalaro sa ilalim ng tulay kasama ang mga laruan ko na lagi kong nakakasama ay may biglang kumuha ng keychain ko. Keychain ko!

"Akin na yan!" tumayo ako at hinarap ang batang lalaki na mukhang kasing edad ko lamang, oh lagpas pa.

"Saakin na to ang ganda" habang sinusuri ang keychain ko.

"Karen" humarap siya sakin "Karen ang pangalan mo" sabi niya tsaka binalik ang mga mata sa keychain ko.

"Oo kaya akin iyan pag aari ko yan" tumakbo ako papunta sa kanya, naalarma naman siya at tumakbo palayo, kainis!

"Gusto ko to" humarap siya sakin at sa mga laruan ko, naging alarma naman ako at agad kinuha ang mga laruan ko.

"Wala kang kalaro?" Tanong niya.

"Bakit may nakikita ka ba?" Pagtataray ko sa kanya, umismid naman siya.

"Laro tayo?" Nagulat ako sa biglaang pagtanong niya, wala pa kasing nakikipaglaro sakin kahit kailan.

Pumayag naman ako at binitawan ang mga laruan ko sa isang bato at lumapit naman siya sakin.

"Ako nga pala si Jem, sa bahay ampunan ka rin? Ngayon lang kita napansin" tumango ako at ngumiti sa kanya. Nagsimula naman na kaming maglaro.

Isa si jem sa mga naging tanging kaibigan ko sa bahay ampunan, dumaan ang mga araw kami lang ang laging magkasama at naglalaro sa ilalim ng tulay, minsan sa gilid lang ng bahay ampunan na may swing. Masaya ako at nakahanap ako ng kaibigan dito.

"Habulin moko, halika dito!" Naglalaro kami ngayon ni Jem ng habol-habolan, dahil katatapos lang namin kumain at lumabas agad kami.

Pagkatapos ay tumulong kami kay ate ana sa pagsasampay ng nilalabhan niya.

"Likas na matulungin talaga kayong mga bata kayo ano" nakangiting sabi ni ate ana, isa sa mga tagapangalaga ng bahay ampunan.

"Ano gusto mo paglaki mo?" Tanong ko kay jem, nakaupo lang kami ngayon sa isang bato sa harap ng sapa.

"Ako? Gusto kong maampon ako ng mayamang pamilya para maging mayaman din ako, para mabili ko ang mga gusto ko at para matupad ko rin ang pangarap ko" sagot niya.

"Di naman sa pagiging mayaman siguro kaya mo natutupad ang pangarap mo, sa pagpupursigi yan" nakangiti akong humarap sa kanya.

"Ikaw anong pangarap mo?" Tanong naman niya sakin.

"Pangarap kong makapag-aral para makamit ko yung pangarap ko" sagot ko.

"Yan lang?"

"Oo"

Humarap ng upo si jem sakin, ganun na rin ang ginawa ko. Magkaharap na kami ngayon.

"May ibibigay ako sayo" may dinukot siya bulsa niya pero di pa niya yun nalabas humarap siya sakin nang nakangiti

"Talikod ka" sinunod ko naman siya, nagtataka ako, minsan misteryoso rin tong si jem.

Sandali pa ay may sinuot siyang bagay sa leeg ko, hinawakan ko ito. Kwintas!

Agad akong humarap sa kanya nang sumabit na ito sa leeg ko. Tiningnan ko ang leeg niya, ito ang suot suot niyang kwintas palagi.

"Bakit? Paano ka? Diba sayo to? Sayang jem!" Pagprotesta ko, matamis na ngumiti siya sakin, bagay na ikinasingkit ng mata niya kaunti.

"Trade tayo, kaya akin na yung keychain mo" naalala ko naman yung keychain ko, napatango ako sa kanya at napangiti. Maya maya pa tinawag na kami ni ate ana para matulog.

Guilt.

Kung alam ko lang nung araw na yon na nagpapaalam na siya sakin, sana nagsama pa kami ng matagal. Sana di ako natulog.

"Ate Ana, tulong po ako" lumapit ako kay ate ana habang naglalaba siya ng mga kurtina, tinanghali ako ng gising ngayon mga alas otso na ako nagising.

"Nakong bata ka, wag na kaya ko na to" sabi niya sakin, payat si ate at mahaba ang buhok niya, medyo may pagkakulubot na rin ang balat niya pero malusog pa naman siya.

"Tutulong po ako, ako na po magbabanlaw ng mga damit, kaya ko naman po, sige na po" pagpupumilit ko, at wala namang nagawa si ate kundi hayaan na ako.

Binanlawan ko na ang mga damit tsaka ito sinampay, nang matapos sa pagsasabon si ate ana ay tumulong naman ito sakin.

"Sayang di mo na naabutan si jem nung sinundo siya kanina aren, masaya ako para sa batang yun, sa wakas may pamilya na talaga siya"

Parang gumuho ang munting mundo ko sa sinabing yun ni ate ana.

May pamilya na siya.

May nag-ampon na sa kaniya.

Iniwan niya ako.

Bakit sa dinami-daming bata sa bahay ampunan, siya pa?

Yung kaibigan ko pa. Yung karamay ko pa. Yung kalaro ko pa.

Diko na napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko habang nagtatakbo papunta sa silid ni jem.

Empty.

Wala nang mga gamit, mga gamit niya.

Napahagulgol na lang ako habang unti-unting nagagalit at nasasaktan yung loob ko, iniwan niya ako! Di siya nagpaalam! Walang hiya siya!

Tumakbo ako papuntang kwarto ko at nagkulong don, then i cry my heart out.

Wala na akong naging pakialam sa mundo ko, parang kulang na kulang yung araw ko, wala na din akong gana maglaro.

I am lonely. Once again.

"Aren" may kumatok si pintuan ko, minsan nag a-assume ako na sa likod ng pinto na yan, makikita ko si jem. Pero hindi.

"Po ate ana?" Gulat kong tanong, hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"May gustong umampon sayo hija" nakangiting sabi sakin ni ate ana, pero ni hindi ko magawang ngumiti, hindi ko magawang sumaya.

Ito ang gusto ko, diba? Pero wala akong maramdaman.

Aalis nako dito.

"Karen ang pangalan niya" saad ni ate ana at nagkwento siya tungkol sakin sa harap ng mag asawang sa isang tingin mo pa lang, mahahalata mo nang mayaman.

"Oh really? Okay! I want to adopt her!" Galak na sabi nung babae habang pumalakpak pa, nakangiti naman ang lalaki sa kanya.

Agad akong pinaempake ni ate ana nung araw na yun para sumama na sa mag-asawa, mabait sila, nakikita ko. Magiging masaya din ako.

I will cope up.

"Mamimiss kita hija" naiiyak na sabi ni ate ana sakin "pakabait ka sa kanila ah? May pamilya ka na"

"Mamimiss ko din po kayo, ingat po kayo palagi" and with that, we bid our goodbyes.

I bid my goodbyes to the town i almost grew up with.

I bid my goodbyes to the memories of him.

I will cope myself up, as Karen Perez, and ready to say hello to Alliah Lorraine Castrana.

Pero ni minsan diko makakalimutan na sa bayan na ito, nagkaroon ako ng mumunting pamilya na si Ate ana, na minsan ay nagkaroon ang ng kaibigan sa mahabang panahon, na minsan naging mahal na tahanan ko ang bayang ito...

Na minsan dito nagsimula ang pagmamahal ko sa isang tao.

Closer Into YouWhere stories live. Discover now