CHAPTER 06

69 52 3
                                    

CHAPTER 06

"WHAT exactly happen? Masyado ka na atang sikat sa social media"narinig kong sabi ni mommy sa kabilang linya sanhi para maalala ang ginawa sa akin ng Gang. Wala sa sariling napakuyom ako ng kamao. Tama lang talaga ang naging desisyon ko.

Kahit hindi ko alamin ay alam kong sila ang nagkalat tungkol sa mga nangyayare sa akin ngayun, tulad nalang nang pagka suspended ko at pagiging 'maid' ko raw kuno.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita"Thats it! thats why I needed you help mom, ayokong maging katulong for godsake!"napapatingin sa akin ang mga katulong nung sabihin ko ang mga katagang yun, umiwas naman silang lahat nang tingin nang pinanlisikan ko sila nang mata.

"Akala ko ba gusto mong hindi nakadepende sa akin? then what is happening now?"natatawa nitong sabi sa kabilang linya

"Gusto kong maging independent pero hindi ko gustong maging katulong for godsake! kung gusto ko mang maging independent, gagawa ako ng mga bagay na gusto ko para sa sarili ko at hindi para sa iba para pagsilbihan sila"

"Wow,"natawa ulit ito bago magsalita "You're amusing me daughter, halatang may pinagmanahan ka talaga, but--wala na akong magagawa jan sa problema mo. Consider it as my punishment nalang, saktong sakto dahil suspended ka at alam kong wala kang gagawin sa bahay kundi ang tumunganga"

"You are not going to help me?!"may inis na sabi ko. Natawa naman ito sa kanilang linya

"Gusto nyo ba akong gawing alipin nalang nang mga Verrano?"akto kong may hinanakit sa boses

Sakto namang napatingin ako kay Inday na nakangiti sa akin kaya katulad nang ginawa ko sa mga katulong dito kanina, pinanlisikan ko din sya ng mata

"Of course not! it is a great opportunity na makalapit ka sa anak nila na si Sin. Tamang tama dahil may ipapagawa ako sayo"aniya dahilan para umikot ang mga mata ko. Ano na naman ang plano nya?

"And what is it?"walang pakialam na tanong ko

"Madali lang naman ang ipapagawa ko sayo"

"Ano nga!"

Tumawa ito at saka ipinagpatuloy ang pagsasalita"Aakitin mo lang si Sin, as simple as that"sabi nya dahilan para malaglag ang panga ko. Wala sa sariling nag init ang ulo ko

"I will never do that!"huling sabi bago ibinato ang telepeno. Napasinghap naman sa gulat yung mga katulong pero hindi ko sila pinansin at dumiritsyo sa kwarto

****

"Ok na ba ang mga gamit ko sa sasakyan?"tanong ko kay Mang berting, driver namin nang lumapit ako sa kanya

"Opo ma'am"tumango ako sa kanya at sunod namang pinuntahan si Manang Sita na kung hindi ako nagkakamali ay nasa kusina na naman

"Ma'am"bungad nya sa akin nang makita ako

"Hindi ako uuwi dito nang isang buwan kaya gusto kong ikaw muna ang bahala dito sa bahay. Kahit wala ako dito ay dapat palaging malinis ang buong bahay, may mga business partner pa naman si mommy na bumibisita rin dito, kaya ayoko ng madumi ang paligid"sabi ko rito na kinatango naman nito

"At saka bantayan mo yung bagong katulong. Wala pa akong tiwala sa kanya"huling sabi ko bago tuluyang iwan sya sa kusina.

Mga ilang minuto ang byahe bago ako makarating sa mansyon ng pamilyang Alvarez. Nakita ko na naman sa pangalawang pagkakataon ang ganda ng buong lugar, maliban nalang sa loob

Napabuntong hininga ako bago nag doorbell. Maya maya pa ay pinagbuksan ako ng isang guard at binati ako. Nginitian ko lang sya ng pilit bago nagpatuloy sa loob.

Mind Tell Me Yours(ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant