♤Chapter X♤

1.6K 133 52
                                    


     Golden Leaf Hotel

      Maingat ang ginagawang pagmamasid ni Detective Nigito sa lalaking naglalakad papasok sa loob ng hotel na tatlong araw na niyang minamanmanan. Ito ang tinutuluyan ngayon ni Jerry Orbus at ngayon na rin ang araw na kokomprontahin niya ito at aalamin ang lahat tungkol sa nalalaman nito sa pagkamatay ni Athena Del Mundo.

     Tinawagan niya si Winchester upang kompirmahin na nahanap na niya ito. Gusto ng tagapagmana ng mga Del Mundo na makita niya ito ng harap-harapan at hindi niya maaring palampasin ang pagkakataong iyon.

    Matapos ang kanilang masinsinang usapan ay lumabas na si Detective Nigito mula sa kanyang kotse at agad na pumasok sa loob ng hotel. Maingat siya sa kanyang mga galaw at naabutan pa niya si Jerry na naghihintay ng elevator na bumukas. Pagkabukas noon ay tumakbo siya upang mapigilan ang pagsara nito nang makapasok na sa loob ang kanyang target.

    Hindi kumikibo ang dalawa sa loob ng elevator. Nagpapakiramdaman sa ikikilos ng isa't-isa. Nang bumukas muli ang elevator sa ikapitong palapag ng hotel ay lumabas si Jerry at sumunod naman sa kanya ang detective. Nararamdaman na ng paparazzi na may motibo sa kanya ang taong nakasunod sa kanya kaya mabilis siyang tumakbo ngunit agad naman siyang nahabol nito.

     Kinakabahan siyang hinarap ang imbestigador at naitaas niya ang kanyang kamay dahil may hawak itong baril.

     "Jerry Orbus.. Ako si Detective Carlos Nigito. May mga tanong lang ako sa'yo tungkol sa pagkamatay ni Athena Del Mundo."

     Nanlaki ang mata ni Jerry at hindi niya inaasahan na ganoon kabilis kikilos ang tagapagmana ng mga Del Mundo. Agad naman siyang tumango sa imbestigador.

     "Where is your room?" tanong pa ng detective at agad naman siya nitong pinasunod sa kwartong tinutuluyan nito.

    Pagkapasok nila ay umupo sa kama si Jerry at nanatiling nakatayo lang si Detective Nigito.

    Linabas ng imbestigador ang mga larawang pinadala nito kay Winchester. Kinuha naman ito ni Jerry nang iabot ang mga ito sa kanya.

     "Bakit mo pinadala kay Mr. Del Mundo ang mga litratong iyan? Ano ang gusto mong iparating sa kanya?"
   
     "Hindi na makaya ng konsensiya ko ang mga nangyayari. Gusto ko lang na bigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Athena."

     Lumapit si Detective Nigito sa lalaking kausap niya at umupo ito sa couch na naroon.

     "Ibig mong sabihin, may cover up na nangyari sa pagkamatay ni Athena?"

      Tumango si Jerry at nanginginig ito. Naluluha na rin siya dahil sa nararamdamang kaba.

       Tumunog ang cellphone ni Detective Nigito at si Winchester ang nasa screen nito kaya agad niya itong sinagot.

     "Yes, Mr. Del Mundo. Its Room 356. Its on the seventh floor."

     Pagkababa niya ng tawag ay naguguluhang tinanong ang imbestigador ni Jerry.

      "Sinong Mr. Del Mundo? May kasama ka ba?" takot siya habang tinatanong ang imbestigador.

      "Si Winchester Del Mundo. Ang pinadalhan mo ng litrato ng kanyang sariling ina bago pa ito mamatay."

     Bumukas ang pinto ilang sandali pa at hindi napigilan ni Win na lapitan si Jerry at tingnan ng maigi ang mukha nito. Napapayuko naman ang lalaki dahil sa ginagawang pagtitig sa kanya ng binatang Del Mundo.

      "Patawarin mo ako.. Wala akong nagawa para iligtas si Athena."

      Naluluha si Winchester habang nakikita niya ang pagluha ng lalaking kaharap niya ngayon.

The Heir (BL)Where stories live. Discover now