-~*~-
Chapter 32Rein's POV
"Goodnight!" Sigaw naming lahat bago natulog.
Ako yung nasa-baba ng double deck ar sa taas naman ay si Shane. Ang kaharap kong kama ay hinihigaan naman ni Persy na ngayon ay nakatingin sa akin patagilid.
Paano ako makakatulog nito kung panay ang tingin mo sakin?
Tumalikod ako dito at tumingin sa ibang direksyon nang hindi nakikita ang mukha niya.
"Tss,"
Umirap nalang ako sa kawalan. Nakakabwesit na 'yang tss-tss niya ah.
Bukas ay babalik na kami sa Academy. Kailangan kasi naming mag-training para sa darating na final tournament at isa pa, kasama namin si Jane. House of Primes siya kaya baka kami ang managot kong hindi ito makapunta sa kanyang mga trainings.
Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata para matulog pero kahit anong gawin ko ay ayaw talaga akong dalawin ng antok.
Rinig ko pa ang mga hilik ng mga kasama ko. Napatanong ako sa sarili ko na kung bakit andali nilang makatulog samantalang ako ay hirap na hirap.
Nagpalit-palit ako ng posisyon sa pagtulog pero kahit anong gawin ko ay gising na gising talaga ang diwa ko. Aish!
Bumangon nalang ako at umupo sa kama. Gulong-gulo ang buhok ko habang nakabusangot. Bakit hindi ako makatulog? Napahawak ako sa aking tyan. Hindi naman ako gutom ah.
"Can't sleep?" Lumingon ako kay Persy at sinamaan sya ng tingin.
"Manahimik ka dyan,"
Bahagya itong tumawa. Bakit ba kasi panay ang tawa nito sa harap ko!?
"Huwag ka ngang tumawa," saway ko sa kanya.
"Bakit hindi? You looknso cute," at tumawa ulit ito! Argh! Alam ko namang niloloko niya lang ako!
"Tigilan mo 'ko Honea ha. May natutulog, baka gusto mong masapak ng wala sa oras."
"Now you're calling me in my last name,"
"So? Big deal sayo 'yun?" Tumayo ako at bumaba. Wala akong planong makipag-asaran sa lalaking 'yun. Lalo na at hindi pa ako makatulog. Baka mamaya makipag-asaran ako do'n tapos hindi ko na mamalayan yung oras at umaga na pala tapos hindi ako makatulog dahil magte-training kami tapos magkaka-eye bags ako! Huhuhu. That's a big no no.
Dumeretso ako sa ref at binuksan iyon. May nakita akong isang chocolate cake kaya kumuha ako ng isang slice at nagtimpla din ako ng gatas.
Umupo ako sa sofa at kumain. Pansin kong umaandar parin ang bus. Parang ang creepy kang sakin kasi wala namang nag-da-drive pero katulad nga nang sinabi ni Belle ay kontrolado ito ng ating mahika. Pero what if ang mahikang komokontrol dito ay maitim? Dark Magic.
Napailing ako sa sariling naisip. Hindi dapat ako mag-isip ng mga ganitong bagay lalo't nang naglalakbay kami ngayon. Think positive dapat!
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Choralais Academy
Fantasy[ COMPLETED not yet EDITED] Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Mystery #2 in Adventure #3 in Thriller #8 in Powers #16 in Academy #20 in Magics Reinesmee Jordaine has always this unapproachable look on her face. She doesn't like socializing...