Chapter 6

1K 28 0
                                    

Deanna's POV

"Jema!!!" Napatingin naman si jema dun sa tumawag sa kanya. Nakita ko na gulat na gulat sya kaya lumingon na ako para makita kung sino yun.

Pagtingin ko ang Sama ng tingin nya sa akin. Tsk ano naman kaya problema nito?

"Anong ginagawa mo dito!?" Inis na tanong ni jema. Kilala nya yung kumag na to? Tsk

Hindi pinansin ni kumag yung tanong ni jema at lumapit sya sa pwesto namin at masamang tinignan nya ako. Btw nakaakbay pa din ako kay jema.

"Sino yan!?" Tanong ni kumag at tinuro pa ako ah

"Wala kang pakialam!" Inis na sagot ni jema.

"Bakit mo inaakbayan si jema!?" Tanong ni kumag sa akin. Tsk nakaka inis ng boses nya. Ang ingay.

Tinignan ko sya ng walang ekspresyon at sigurado ako na kinakabahan na si ate Jia pag ganito na ako. Nandito din kasi sila ate Jia sa SC room kasi SC officer din sila.

"You don't care. And Sino ka naman para makialam?" Malamig at walang ekspresyon na sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na natakot sya. Tsk kahit sino matatakot kapag ganito na ako.

"Girlfriend ko yan!" Tsk girlfriend?

"Hoy Fhen anong girlfriend!? Putek Asa ka naman. Hindi kita magugustuhan." Sabi naman ni jema. Feelingera Pala to eh tsk.

"Tsk nag assume lang Pala eh" Seryoso kong sabi

"Tska as if naman magkakagusto sayo si jema eh Hindi ka naman gwapo tsk" Dagdag na sabi ko

"Anong sabi mo!!??" Tsk bingi pa

"Hindi na nga gwapo, bingi pa tsk" Sabi ko. Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa sila ate Jia. Biglang naramdaman ko na susuntukin nya ako kaya umiwas ako at sa pagiwas ko nasubsob sya.

"Hindi na nga gwapo, bingi na tas tanga pa tsk tsk" Pang asar kong sabi. Then narinig ko na tumawa na sila ate Jia kahit si jema natawa na.

"yan kasi ang yabang, yan ang na Pala mo Hahahahahaha" Sabi ni ate Jia habang tawang tawa pa

"Wala ka Pala kay Deanna eh hahaha umalis ka na dito ginugulo mo na naman si jema eh Hindi ka naman gusto hahaha" Natatawang sabi ni ate Maddie. Yes mga SC officer din sila.

"Ito ba ang ipinalit mo sa akin!?" Sigaw nya kay jema pagkatayo nya. Ipinalit? Naging sila ba?

"Hoy Fhen ang feeling mo eh Hindi naman naging tayo tsk" Inis na sabi ni jema.

"MAGIGING AKIN KA DIN JEMA AT SISIGURADUHIN KO AKO MAKAKAUNA SAYO HAHAHA" Shit nag init ang ulo ko sa sinabi nya. Wala syang karapatan na bastusin si jema. Tinignan pa nya na parang manyak si jema at may sinabi pa na nagpainit pa lalo ng ulo ko.

"PAPARANAS KO SAYO ANG LANGIT HAHAHA MAG EENJOY K-----" Hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil sinuntok ko sya.









Jema's POV

"MAGIGING AKIN KA DIN JEMA AT SISIGURADUHIN KO AKO MAKAKAUNA SAYO HAHAHA" putek bwiset na fhen to. Asa naman na mapupunta ako sa kanya tsk.

"PAPARANAS KO SAYO ANG LANGIT HAHAHA MAG EENJOY K-----" Nagulat ako na biglang Sinuntok sya ni Deanna. Nakita ko na galit na galit si Deanna.

"WALA KANG KARAPATAN BASTUSIN SI JEMA! GAGO KA, SISIGURADUHIN KO HINDI KA NA SISIKATAN NG ARAW!!! GAGOOOOOO!!!" galit na galit na sabi ni Deanna habang pinagsusuntok nya si fhen.

"Deans Tama na mapapatay mo sya. Please kumalma ka" Pagaawat ni ate Jia pero Hindi nakinig si Deanna, parang wala syang naririnig. Nakita ko naman sila Bea na nagulat at kinabahan sila na nakita nila si deanna na galit na galit Kaya Dali Dali silang pumunta at awatin si deanna kaso nagpumiglas si deanna Kaya di sya maawat nung dalawa.

Unexpected Expectations || Jeadean GaWongOnde as histórias ganham vida. Descobre agora