CHAPTER 32

0 0 0
                                    


Synrah's POV

We went back to Manila. Kahit pa ayaw ko, kahit pa anong angal ko, wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanila dahil siguro–ito nga ang makakabuti para sa ‘kin.

“Maaari bang bago tayo umalis... Dumaan muna tayo sa bahay? Kahit sandali lang..” paki-usap ko kina Mama, ngitian naman nila ako sen'yales na pumapayag sila. Hindi na ako nagpasama pa papasok ng bahay, kung kaya't pagpasok ko ro'n ay ako lamang mag-isa. Agad akong dumerecho sa may veranda.

I'm starting to accept it–na hindi talaga siya totoo munit there's still a part of me na umaasa, na kahit kaunting tsansa lamang ay maaaring totoo siya–I don't know, masiyadong magulo.

I know I look crazy munit mahina kong kinatok ang plywood saka sumandal rito. Malungkot akong nagbuntong-hininga at tumingin sa malayo. Mataas ang sikat ng araw.

“Dalton–babalik na kami sa Manila. I don't know if you can hear this munit... All I want to say is, I'm glad that you became a part of my life even though I just met you behind this wall.” ani ko saka nagpakawala ng malungkot na ngiti. Marahan akong tumayo saka pinunasan ang iilang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Isinarado ko na ang pinto saka bumaba dahil paniguradong naiinip na ang mga ‘yon kahihintay sa akin.

Pagdating namin sa Manila ay agad kaming dumerecho sa hospital kung saan ginanap ang operas'yon ko noon.  But they found nothing on me, wala akong sakit–I'm not insane and yet I still have to undergo some therapies and counselings.

“Until your next session, Miss Langevin. I can see that you are improving, congrats.” naka-ngiting ani Doc. Wade Harrison Lagdameo, siya ang psychiatrist na incharge sa akin. Ngumiti lamang ako't nagpasalamat. Matapos kong magpasalamat ay agad na akong lumabas at sumalubong sa akin ang masasayang mukha nina Mama.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” naka-ngiting bungad sa akin ni Mama, ngumiti naman ako't niyakap si Mama, “The doctor said it's improving.”

“That's good to know, Ate! Dapat tayong magcelebrate!” naka-ngiti namang sabat ni Marcus, napa-ngiti naman ako't ginulo-gulo ang kaniyang buhok.

“Tss! May selebras'yon lang na magaganap kung may maipapakilala ka ng girlfriend sa 'min, hahaha!” asar ko sa kaniya, napakamot na lamang sa ulo si Marcus.

“Synrah.” ser'yoso munit malambing na tawag sa akin ni Kayden. Naka-ngiti ko naman siyang nilingon, naka-pamulsa siya't naka-ngiting naka-titig sa akin.

“I'm proud of you.” he said with a genuine smile on his face.

– 9 years later –

“Happy birthday to you! Happy birthday to you!” maligayang awit sa 'kin nina Mama, my colleagues and of course my friends. Napa-ngiti naman ako saka inihipan ang kandila sa cake ko. Munit bago ‘yon ay humiling muna ako. Nagpalakpakan naman sila kung kaya't mas lalo akong napa-ngiti.

It is my 29th birthday today–August 13.

Masaya naman, kasama ko ang mga mahahalagang tao sa akin. May kaunting salu-salo munit kahit gaano pa kasaya, kalapad ang mga ngiti ko hindi ko maintindihan munit alam ko sa aking sarili na may kulang.

“Anong winish mo? Share naman d'yan!” masayang ani Pat, bahagya naman akong natawa dahil ro'n at kunwaring nag-isip. Naka-tingin silang lahat sa akin na tila ba naghihintay ng isasagot ko.

Uhm... Prosperous life for all!” naka-ngiting ani ko, napa-ngiti naman silang lahat. I really wished for that thing–munit siyempre hindi lang ‘yon. Nagsimula ng kumain ang lahat. Puno ng tawanan, kwentuhan ang aming bahay, napa-ngiti na lamang ako. Kay gandang tanawin.

Behind this Wall Where stories live. Discover now