Kabanata 28

75.2K 2.1K 212
                                    

Kabanata 28

"Elay at Pikachos, ayos lang ba na sa kabilang bahay kayo matulog? May bakanteng bahay sa likod. Dadalhan ko na lang kayo ng unan at kumot." sabi ni Ate Myra. Siya ang Ina ni Ron.

Masaya akong tumango sa kaniya. Tulog na ang ibang tao at nakauwi na din ang mga bisita. Iilan na lang kaming nasa labas. May tatlong babae na tumutulong na magligpit ng gamit at pinagkainan. Kami naman ay tumutulong din sa kanila na mag-ayos ng mga lamesa at upuan.

"Sayang lang dahil hindi nakasama sina Aling Kami papunta dito." nanghihinayang na sabi niya.

"Sumakit po kasi ang binti ni Aling Kami." sagot ko habang inaayos ang upuan. Ipinatas ko ang mga monobloc. Ganoon din ang ginagawa ni Ferocious kaya patapos na kami sa pag-aayos ng upuan.

"Siguro ay nirarayuma na naman siya. Magpapadala ako sa'yo bukas ng pamahid na gamot para sa kaniya." sabi niya kaya tumango ako.

"Ganoon po ba? Sige po, salamat. Ibibigay ko po." magalang kong sabi.

"Isang oras ang byahe papunta dito. Alam kong pagod na kayo. Matulog na kayo mamaya. Bukas pa kayo maihahatid ng asawa ko sa may bundok dahil gabi na at lasing kaya hindi na pwedeng magmaneho." mahinang sabi niya.

Lumapit sa akin si Ferocious nang makatapos siya sa ginagawa. Inakbayan niya ako. Napatingin ako sa Ina ni Ron.

"Ayos lang po sa aming mag-asawa. Hindi naman po kasi kami nagmamadaling umuwi." Wika ko.

"Sige. Bukas nang umaga kayo ihahatid. Matulog na kayo pagkatapos ha? Ikaw din, Ron. Matulog ka na. Alas-dose na." sabi niya.

Napansin ko ang pagtango ng batang makulit sa kaniyang ina.

"Susunod po ako, Inay. May itatanong lang ako kay Ate Elay." sabi niya at tumingin siya sa akin.

"Papasok na muna ako sa loob." nakangiting pagpapaalam niya sa amin.

"Yung usapan natin, Ate Elay, ha?" sabi ni Ron. Naalala ko ang usapan namin. Pera na naman.

Tumango lang ako sa kaniya. "Oo na. Tumutupad ako sa usapan. May tindahan ba dito?" tanong ko.

"Oo naman. Bibili ka ba? Maraming tindahan dito pero sarado na." naguguluhan na sabi niya.

Sa umaga naman ako makikitawag, hindi ko naman sinabing ngayon.

"May telepono kaya sila?" Tanong ko.

"Telephone, ano yun?" Naguguluhan na tanong niya.

Napangiwi ako. Bata pa nga pala ito. Hindi na naabutan ang telepono na may wire.

"Cellphone na lang." sabi ko. Napakamot siya ng ulo habang tinitingnan kami.

"Sa tindahan?" salubong ang kilay na tanong niya.

"Oo. Yung binabayaran pag nakikitawag." sagot ko sa batang naguguluhan.

"Ewan ko sa tindera kung may cellphone."

"Si Ate Rona meron cellphone. Lagi nga yung si Facebook at si Wattpad." sabi niya kaya bigla akong nabuhayan.

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Ferocious pero hindi ko na siya pinansin.

"May cellphone siya?" tanong ko sa bata. Parang mapapabilis ang pag-uwi namin ah!

"Oo naman! Hindi naman kami taga-bundok no!" pang-aasar niya sa akin.

"May signal ba dito?" tanong ko.

Tumango siya at pagkatapos ay nginisian niya ako. Ang mukha niya ay parang nang-aasar.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon