"Hoy Nevy may meeting tayo 1pm kay mrs. Santos sa room nya daw lahat ng 4th year dapat present" Pasigaw na tawag sakin ni Lexi na halatang nagmamadali at hinahatak nako papuntang 2nd floor building ng Nursing department. Kakalabas ko lang kasi nun sa library.
Oo nga pala may meeting nga pala kami ngayon. Meeting nga pala para sa mini palaro ng nursing dept. Nakalimutan ko na kasi nag fofocus nako masyado para sa final exam namin malapit na kasi kaya doble kayod ako ngayon para di bumagsak ayoko naman bumalik sa 4th year ulit.
"Sandali hindi pa naman tayo late may 10mins pa lex" hinihingal na sabi ko sa kanya.
Pagkarating namin sa room ay nandun narin ang ibang kaklase namin sa loob. Umupo narin kami ni lexi at hinihintay nalang din ng lahat ang pag dating ni mrs. Santos. Nag attendance narin kami ni lexi para di namin makalimutan ang sign in. Ilang minuto palang ay dumating narin si mrs santos . Nag umpisa na ang meeting tungkol sa mini palaro. Napag desisyonan ni mrs santos na kaming mga 4th year ang mag facilitate sa mini palaro ng nursing. Hinati ang grupo sa 4 . Hindi kami grupo ni lexi kasi counting ang naganap na paghahati sa grupo. Mag katabi kami palagi sa pag upo kaya madalas hindi kami ka grupo pag counting ang pag uusapan. Ang grupo ay nahati sa 4 ang 1st group ay para sa Welcome remarks 2nd group para sa Games 3rd Group para sa Quiz bee 4th group para sa Closing remarks at Zumba. Si lexi ay kabilang sa group 2 sa games siya asign. Ako naman sa group 3 sa quiz bee naman ako. After an hour natapos na rin ang meeting.
Kanya kanya ng nag alisan ang lahat. Wala na kasing klase at isa pa finals na exam nalang ang hinihintay ng lahat ng 4th year.
Kami ni lexi ay umupo sa may bandang canteen. pinag usapan lang namin yung tungkol sa result ng quiz.
"Nev pasado ka sa quiz ni mrs santos?" Alanganing tanong ni lexi saakin.
"Hehe bitay pards hahaha pero sige lang mababawi pa siguro, pero sana nga mabawi pa kasi parang ako pa maunang mabawian ng buhay hahaha" masayang sagot ko sakanya kahit nahihirapan na.
"Gagu ka talaga! Lahat nalang biro sayo" inisnaban ako ni lexi pero halata sa mga labi nya na natawa sya sa sinabi ko
"Alam mo isa lang ang seseryosohin ko, yung magiging bibi ko hahaha" pa tawang sabi ko sakanya
"wow move on na kaibigan ko ha? Parang kailan lang wala ng Babe ngayon may pa Bibi na" pagbibiro na sagot ni lexi
"Gago personalan? Kalimutan mo nayun ako nga kinalimutan ko nayun" halatang naiinis na ako sa sagot ko sa kanya.
"Alam mo you should be happy na ngayon kasi single kana wala ng toxic sa buhay mo" malumanay na sagot sakin ni lexi
"Opo! Guro kana pala ngayon. Naol lex !" Pagbibiro paring sagot ko sakanya.
Tapos na kaming nag chikahan sa canteen ni lex kaya we decided to go to quadrangle kasi nandun yung ibang 4th year at for us to share some ideas about the mini palaro na next week na mag sisimula. We are all excited for that kasi naman kami ang facilitator but still kinakabahan kasi baka madissapoint si mrs santos.
"Ako na bahala sa attendance ng mga lower year" matapang na sagot si lexi
"Ikaw na lahat tutal matapang ka pati maling tao pinaglaban mo hahhaha" pagbibirong sabi ko
"Wow galeng din!" Inis na sagot ni lex
Natapos na ang mga sharing of ideas ng lahat ng 4th yr kaya yung iba nagsisialisan na. We just hoping na sana maayos yung magiging flow ng mini palaro kasi pangalan ng 4th yr ang naka salalay dito. Grade din namin to kaya doble kayod para pa impress sa deans and all.