Maghintay ka Lang

14 9 0
                                    

Katahimikan ang nais kong tugon
Sa maingay na kapaligirang nababalot sa atin ngayon
Talas ng pakiramdam kakampi muna sa ngayon

Maaring inaakalang hindi ko batid
Mga nangyayari sa paligid
Balitang iyong itinatanggi
Na may babaing hinaharot...nilalandi

Ngiti ang tugon sa bawat tanong
Iyan na muna ang nararapat sa ngayon
Ebidensyang kinakalap at iniipon
Bigla na lang sasabog kapag nagkataon

Hwag magsaya at maging kampante sinta ko
Hinay hinay lang sa pangangaliwa mo
Hindi bulag ang kasintahan mo
Pumapalag din ako...

💫Anah Saphira💫

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAGHINTAY KA LANGWhere stories live. Discover now