ii

78 7 0
                                    

"Sir Calvin, it's good you're here. Diretso ka na daw sa meeting room sabi ni boss" salubong na wika sa akin ni Sunny.

Sunny is the secretary of our boss, Kurt. Kung saan ay kina-kapatid ko rin. Mag kumare kasi mga magulang namin.

And as for me, I am the second boss. Kung si Kurt ang CEO, and I happen to be the Chairman.

Our company is developing online games. Since Kurt and I love online game so much.

"Thank you Sunny" ang tanging sagot ko

Agad na tinahak ko ang daan papunta sa meeting room. Na briefing na rin kasi ako kanina ni Sunny while on my way, na may gustong mag pa-sponsor about developing new online game.

Kaya siguro kailangan din ang presensya ko sa meeting na magaganap.

"Napag hintay ko ba kayo ng matagal?" I said after pushing the door of the room.

Dalawang pares ng mga mata ang bumaling sa gawi ko matapos mag salita.

"Yes, as I was saying Mr. Titus Mariano, this is my partner in this industry, Calvin Arsaga the chairman" pag papakilala sa akin ni Kurt

"Hello, i didn't exepect to see you here again" wika ni Titus sabay lahad ng kaniyang kamay

"Me as well" tanging sagot ko sabay tanggap ng kaniyang kamay and we shake our hand

"Oh I see nag kita na kayong dalawa. It's good. But earlier in our conversation na-banggit mo na you undergo heart operation" biglang sabat ni Kurt

"Yes that's true" simpleng sagot ni Titus

"That must be the reason kung bakit hindi mo kami ma-alala. Me and Calvin, we used to play when we are young. Sa bahay niyo madalas. Since nasa isang village lang naman tayo. You must have suffered from amnesia or just simply selective amnesia" pagko-kompirma ni Kurt sa teorya nito patungkol sa amnesia umano ni Titus.

Nakikinig lang ako habang naka focus ang mata kay Titus na nag sasalita.

"My doctor said that I have selective amnesia. There are some memories that I can't remember much, especially when I was young. Dahil daw ito sa dami ng mga anaesthesia na naturok sa akin nung nag undergo ako ng heart operation"

"How about your heart now. Ayos na ba ito? Magaling ka na ba totally?" biglang sabat ko sa usapan nila

Nabaling naman sa akin ang tingin ni Titus at ngumite muna ito bago nag salita.

"Yes magaling na ako. As you can see umuwi ako ng Pilipinas dahil I have this feeling na kailangan kong bumalik because I left someone or something here. I'm not really sure"

Natigilan ako sa narinig. Naramdaman ko naman ang pag sipa ni Kurt sa akin sa ilalim ng table. Buti na lang at mukhang walang alam si Titus sa mga sipa na ginagawa namin ni Kurt.

Alam ni Kurt kung gaano ko ka gusto si Titus nuong bata pa kami. Kaya parati niya akong tinutukso noon pero hindi ito alam ni Titus.

"Talaga ba, ano naman or sino naman yung naiwan mo dito?" tila kunwaring interesadong tanong ni Kurt. At binigyang diin pa ang tanong na sino?

I need to think fast ayaw ko kung saan pa mapunta ang usaping ito.

"Mr. Mariano, I assume you are here to present your proposal. Right?" pag iba ko ng topic

Napatingin naman sa gawi ko si Kurt na tila ba tinatanong ako sa pamamagitan ng mga tingin nito kung ano'ng ginagawa ko.

"Ah yes. I will prepare my presentation right away" wika nito sabay bukas ng laptop  nito

Lumapit naman si Kurt sa akin at bumulong.

"Bakit iniba mo ang topic? Nagiging interesting na nga yung kwento"

Napapikit ako at napailing. Napaka chismoso talaga ito ni Kurt.

"May iba pa tayong trabaho maliban sa makipag daldalan" ang tangin sagot na binigay ko kay Kurt

Hindi naman sa ayaw kong malaman yung ibang mga kwento ni Titus. But nakikita kasi sa mukha ni Titus yung struggle niya na alalahanin lahat yung gusto niya alalahanin. Baka kung mapaano pa siya at mapahamak. At kami pa ang mapag bintangan.

"I will start now" wika ni Titus

Nabaling ang tingin namin ni Kurt kay Titus, as he started speaking in front about his game.

Isa't kalahating oras bago natapos ang presentation niya. It's time for us to give comments if we will invest on his game.

"So you where saying na the face model of the main character in your game is a face of a friend na halos di mo maalala?" tanong ni Kurt

"Yes, but I know he's a good friend kasi hindi siya maalis sa isip ko and my heart tells it too" sagot nito

Interesting, naiisip ko. Sino naman kaya iyon, may iba pa ba siyang naging kaibigan.

"Actually the presentation is good and so the game itself, I am glad to tell you that I will approve your proposal. How about you Mr. Arsaga"

Ngumite muna ako kay Titus bago nag salita.

"I don't have anything to say let us work well together"

Abot hanggang tenga ang ngiti na iginawad sa amin ni Titus matapos marinig ang aming pasya.

Hindi ko tuloy maiwasang humanga sa taglay nitong kagwapuhan na minsan ko na ring hinangaan nung kami ay bata pa.

Matapos ang ilang taon na hindi namin pag kikita muli ko namang nasilayan ang nakakahawa nitong mga ngite.

"Thank you very much sir" ang masayang pag papasalamat sa amin ni Titus

Matapos ang ilang minuto lumabas na ng silid si Titus na dala ang malapad nitong ngite.

"Ayos ka lang ba?"

Lumingon ako sa pwesto ni Kurt at isang tango ang aking sinagot mula sa tanong niya.

"Mukhang di ka masaya sa muling pag balik ni Titus. If I remember it correctly may crush ka noon sa kaniya"

Tiningnan ko si Kurt na tila bang sinasabi na 'anong pinag sasabi mo'

"That was long time ago. Yes, naging crush ko nga siya. And to answer what you've said earlier, masaya ako dahil nakabalik na siya pero di ko pa rin maiwasan ang malungkot sa tuwing naalala ko na hindi niya ako o tayo maalala"

Puno ng lungkot ang boses ko dahil sa mga isipin kong iyon.

"Hayaan mo, narinig mo naman sinabi niya kanina selective amnesia daw. Sigurado ako babalik din lahat ng mga ala-ala niya agad kasi makikita niya ang mga lugar o tao na minsan ay naging bahagi ng buhay niya"

Tiningnan ko ng puno ng pagka mangha si Kurt. Kailan ba siya huling naging ganito, di ko na maalala.

"O, wag mo ako tingnan ng ganiyan. Alam kong sobrang gwapo ko at talagang nakaka inlove pero di kita type eh" puno ng kumpyansang saad nito

Ang pagkamangha ko sa kaniya ay napalitan ng pag ka irita at pag kainis.

"Ang kapal mo naman Kurt, di rin naman kita type, nagulat lang ako sa mga sinabi mo kanina, dahil di ako nag expect na ang isang tulad mo eh may mabuting salita rin na lumalabas sa polluted mong bibig"

"Whatever you say. Bakit di ka nalang mag day-off, hinahawaan mo yung panahon pati ang kumpanya ng kalungkutan mo. Baka walang swerte na papasok maya, kaya sige na lumayas ka na" pag tataboy sa akin ni Kurt

Agad kong dinampot ang mga gamit ko at lumabas ng silid. Mabuti pa nga siguro mag pahinga ako, medyo babad na ako mula sa trabaho, kailangan ko naman mag relax.

ווו

[✔] The Space Between Us [BL Short Story]Where stories live. Discover now